911 Intricate Plot (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagpatuloy si Lei Chen sa paglalahad ng impormasyon tungkol sa Imperial Fire. Simula sa unang Emperor hanggang sa Empress...

Matamang nakinig si Jun Wu Xie. Kahit na tama ang unang hula niya, hindi niya akalain na ang singsing na pinulot niya lang ay may tinatagong malaking sikreto.

"Dahil sa Ring of Imperial Fire, dahil sa Fire Country? Ito ang dahilan kung bakit gusto akong patayin ng Emperor?" Nagtaas ng kilay si Jun Wu Xie.

Tumango si Lei Chen.

"Nababahala siguro si Papa na hawak mo ang Ring of Imperial Fire at malalaman ng Empress Dowager. Kaya naman naisipan niya na lang na patahimikin ka ng tuluyan."

Ilang saglit na natigilan si Lei Chen saka tumayo. Bumakas ang pagkasabik sa kaniyang mukha.

"Ang Imperial Decree na ito ay gawa ng unang Emperor sa aming pamilya. Kaya naman, maging ang aking Ama ay walang kakayahang suwayin ito! Ngayon, ang tagapagmana ng trono ng Fire Country ay naging isang malaking biro. Ang pangalawa kong Royal Brother ay walang pakialam ang ikatlo kong Royal Brother ay tahimik. Pareho silang walang kakayahang maging kandidato bilang tagapagmana ng trono. Habang kami ni Lei Fan ay wala ring karapatang manahin iyon. Ngayon, Little Brother Jun, ikaw..."

Mas lalong nabuhay ang pagkasabik sa boses ni Lei Chen.

Hindi na hinintay ni Jun Wu Xie na matapos si Lei Chen. Agad niyang itinaas ang kaniyang mga kamay hudyat na pinapatigil nito ito sa pagsasalita. 

"Wala akong interes sa Fire Country."

"Ano?" Natigilan si Lei Chen. "Ang Fire Country ang pinakamalaki at pinakamalakas na bansa sa balat ng lupa! Bilang Emperor ng Fire Country, hawak mo sa kamay mo ang kalahati ng mundo! Little Brother Jun! Alam kong ang pagkatao ay likas na malayo at malamig makitungo, pero mayroon kang kakayahang gumawa ng pangalan. Pero mas lalo kang kikilalanin kapag ikaw ang humawak sa trono ng Fire Country! Kung nangangamba kang hindi ka tatanggapin ng mga tao at opisyales ng Fire Country, hindi mo na kailangang mag-alala. Ang Imperial Decree ay matagal nang nagsimulang pagpasa-pasahan. Kahit na matagal na ring hindi iyon pinag-uusapan, ang orihinal na Imperial Edict ay nasa kamay pa rin ng Empress Dowager! Malaki ang importansyang ibinibigay ni Great Grandmother sa desisyon ng unang Emperor, at kapag kaniyang muling inilahad ang First Emperor's Imperial Edict, wala ka na talagang magiging problema!"

Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Lei Chen habang nakatingin kay Jun Xie. Hindi niya maintindihan kung bakit parang walang pakialam si Jun Xie sa malaking oportunidad na kaniyang inilalahad.

At iyon ay ang maging pinuno ng buong Fire Country!

Isang posisyon na para sa ordinaryong tao ay mananatiling pangarap na lang!

Ang kisig ng Fire Country ay kalat sa lahat. At ang maging Emperor ng bansang ito ay para mo na ring sinabing nakaupo ka sa buong mundo. Pagdating naman sa kayamanan, estado at kapangyarihan...wala nang ibang madaling paraan para magkaroon non kundi ang maging Emperor!

Ilang magigiting nang bayani ang nakipaglaban at itinayo ang kanilang sariling buhay ngunit hindi pa rin sila maitutumbas sa kapangyarihan at impluwensya ng Fire Country's Emperor. Kahit anumang hilingin ni Jun Xie ay madali niyang makukuha kapag siya ang naging Emperor ng Fire Country.

"Hindi ako interesado." Malamig na sagot ni Jun Wu Xie. Kailanman ay hindi siya naakit ng awtoridad at estado.

"Bakit?" Gulat na gulat pa rin si Lei Chen.

"Hindi ko lang gusto." Sagot ni Jun Wu Xie.

Siguro sa iba ay nakakasilaw ang trono ng Fire Country. Pero sa kaniya, walang epekto iyon. Kung talagang inaasam niya ang kapangyarihan at awtoridad, hindi sana si Mo Qian Yuan ang kasalukuyang Emperor ng Qi Kingdom.

Tahimik na napatitig si Lei Chen kay Jun Xie. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig na sagot mula kay Jun Xie.

"Pero...Kahit na wala kang interes sa trono ng Fire Country, hindi ka pa rin basta-bastang papatakasin ni Papa. Kahit pa na ibigay mo ang Ring of Imperial Fire, para masiguro ng hindi kakalat ang balitang ito, papatayin ka pa rin niya!"

avataravatar
Next chapter