802 Insider News (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Umiling si Jun Wu Xie.

"Ang balita ay hindi inihayag ni Lei Chen."

"Paano mo ito nasabi?" tanong ni Qiao Chu.

"Ngunit totoong si Lei Chen ang may kakagagawan nito, walang duda. Ngunit hindi siya ang nagpakalat sa balitang ito. Kung gusto nga ni Lei Chen na umatras ang mga disipulong iyon sa paligsahan, hindi siya tanga para mag-iwan ng bakas ng sugat sa mga mukha ng mga disipulo. At higit pa diyan, ang disipulo na mayroong halatang sugat ay ang huli kong dapat na makalaban at siya ay isa lamang disipulo mula sa hindi kilalang academy. Sa posisyon na taglay ni Lei Chen, hindi niya na kailangan pang saktan ang disipulo dahil madali na sa kaniya ang magbigay ng suhol at madali niya nang mapapasunod ito, Ngunit ang mga disipulo ay puno ng sugat na hindi maitatago sa lahat, hindi niyo ba pinagtatakahan ito? Kung tama ang hinala ko, ang taong nagkalat ng balitang ito ay may intensiyong sirain ang reputasyon ni Lei Chen." Mahabang sabi ni Jun Wu Xie.

Naningkit ang mga mata ni Jun Wu Xie. Wala siyang pakialam sa mga problema ng Yan Country pero ginamit siya ng kung sino mang tao para lang makamit ang tunay na pakay nito, at dahil dito nadamay pa ang Zephyr Academy.

Si Lei Chen ay may reputasyon na halos walang maipipintas sa Yan Country at ang pagdaos ng Spirit Battle Tournament sa taong ito ay naipagkatiwala kay Lei Chen na kung saan siya ang punong abala sa lahat. Kung may problema mang maharap sa palaro sa taong ito, siguradong masisira ang pinaghirapang maitatag at inalagaang reputasyon ni Lei Chen ng ilang taon.

Kahit pa hindi ni Jun Wu Xie gusto si Lei Chen, naniniwala pa din siyang sa taglay na katauhan at pag-uugali nito, hindi ito madaling susuko sa mga kalaban.

Ang matalinong tao na katulad ni Lei Chen ay alam kung paano poprotektahan ang kaniyang sariling reputasyon.

"Kung gayon, mayroong taong may lihim nag alit sa kay Lei Chen? Ngunit sino kaya ito? Kung sabagay, siya ang tagapagmanang prinsipe ng Yan Country at tumatamasa sa mga pabor ng Emperador ngunit sino ang maaring kokontra sa kaniya?" malalim na nag-isip si Fan Zhou. Hindi nagkakamali ng hinala si Jun Wu Xie, ngunit ang mga insidente kaniyang pinagtatakahan din.

Para sa isang tagapagmanang prinsipe na pinapahalagahan ang sariling pangalan at reputasyon, paanong gagawa siya ng bgay na madaling sisira sa kaniyang pangalan?

Kung gayon, sino nga ba ang nangahas na kalabanin si Lei Chen?

Lumipat ang tingin ni Jun Wu Xie sa baba. Sa ano mang kadahilanan, bigla niyang naalala si Mo Qian Yuan dahil ito ay isang tagapagmanang prinsipe ng ibang bansa. Ang naging sitwasyon ni Mo Qian Yuan sa Qi Kingdom ay naging masalimuot din sa simula kung saan siya ay lihim na pinagplanuhan ng masama ng kaniyang ama na siyang emperador at ang kaniyang kapatid na prinsipe.

Kung mababaw lang na titingnan, si Mo Qian Yuan at Lei Chen ay mukhang magkaibang sitwasyon ngunit…

Klarado pa sa memorya ni Jun Wu Xie. Bago namatay ang naunang emperatris ng Qi Kingdom, ang reputasyon ni Mo Qian Yuan sa kaniyang nasasakupan ay parang katulad din ng sa kay Lei Chen sa kaslukuyan. Ngunit nang mamatay ang emperatris dahil sa isang sakit at ang kaniyang buong pamilya ay pinatay kung kaya naman lahat ng suporta sa tagapagmanang prinsipe ay pinutol at dahan-dahang bumagsak ang ito at naging katawa-tawang tagapagmanang prinsipe.

At dahil sa kaganapan ngayon sa Spirit Battle Tournament, biglang naghinala si Jun Wu Xie.

Ang nagyayari ba ngayon ay Lei Chen ay katulad sa nangyari noon kay Mo Qian Yuan?

Ang pagdaos ng Spirit Battle Tournament ay isang mabigat na responsabilidad at ito ay naiatang sa mga balikat ni Lei Chen. Hindi pa man tumatagal [aglkatapos magsimula ang paligsahan., may insidente na agad na nangyari!

"Ang Yan Country ay may apat na prinsipe hindi ba?" biglang naitanong ni Jun Wu Xie kay Fei Yan habang inangat muli ang kaniyang ulo.

Tumango si Fei Yan at nagsabing "Tama ka. Mayroong apat na prinsipe. Liban kay Lei Chen, mayroon pang tatlo. Sa kanilang tatlo, nakilala na nating ang pangalawang prinsipe na si Lei Yuan sa nakaraang hapunan. Ang dalawang hindi dumalo ay pangatlong prinsipe na si Lei Qiu at ang pang apat naman ay si Lei Fan. Si Lei Qui ang bibihirang makita at ang pang-apat na prinisipe na si Lei Fan ay hindi totoong anak ng emperatris ngunit ito ang nagpalaki sa pang-apat na prinsipe kaya mas malapit ito dito."

avataravatar
Next chapter