801 Insider News (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang Spirit Battle ay laging ginaganap sa Yan Country at mula sa simula, walang kahit ano mang naging manipulasyon ang nangyayari. Ngunit, sa taong ito, inabuso ng Crown Prince na si Lei Chan ang kaniyang posisyon upang masisguro na si Jun Xie ang mangunguna sa paligsahan!

Iyan ang tanyag na balita ngayon sa Imperial Capital!

Ang ilan sa kanila ay pinaghihinalaan kung may katotohanan nga ang balitang iyon ngunit nang makita nila na ang disipulo na siyang dapat makatunggali ni Jun Xie sa pangatlong yungto ng paligsahan na puno ng sugat ang katawan, lahat ng kanilang hinala ay mabilis na naglaho.

At mabilis na nakarating ang balita sa tainga ng mga disipulo mula sa lahat ng academy.

Ang katotohanan na sa mga nakalipas na panahon, ipinapakita ni Lei Chensa lahat ang kaniyang pakikipaglapit sa Zephyr Academy at kapansin-pansin din ang pagtawag nito ng "little brother Jun" sa harap ng lahat. Kapag hinabi ang mga kaganapan, natanto ng lahat ang lihim na motibo ni Lei Chen.

Ginagamit niya ang kaniyang posisyon sa maling pamamaraan para lamang masiguro na mangunguna sa Spirit Battle Tournament si Jun Xie!

Nagalit ang mga kalahok ng Spirit Battle Tournament nang malaman nila ang tungkol sa balitang iyon. Maraming akademiya ang nagkakagustong lumahok sa lumalahok sa Spirit Battle Tournament dahil simula ng maitatag ang palarong iyon, ito ay naging tanyag sa pagiging pantay at patas na pagsasagawa ng kumpetisyon. Ang mga kabataan ay malayang nakakasali sa palarong ito upang ipakita ang kanilang talento at angking galing.

Ngunit dahil sa mga ginawa ni Lei Chen, nasira nito ang mismong dahilan kung bakit naging tanyag ang palarong ito.

Ang pagkamangha sa Zephyr Academy at ang kasikatan na natamo nito sa una ay mabilis na natabunan ng mga hiyaw ng pagkadisgusto at galit!

Nalaman lamang ni Jun Wu Xie ang tungkol sa balitang it okay Fei Yan. Sa unang parte ng paligsahan na kung saan si Lin Qi ay umatras sa laban, hindi siya nag-isip na may mali sa mga nangyayari. Ngunit nang sa mga sumunod na parte ng kumpetisyon na kung saan ang dalawa niyang dapat na makakalaban inihayag ang kanilang pag-atras sa kumpetisyon, nagsimula na siyang mag-isip na parang may kakaiba sa mga pangyayari.

Nang muling binalikan ni Jun Wu Xie ang mga sinabi ni Lei Chen isang araw bago ang kumpetisyon, wala siyang nahalatang kakaiba.

Ngunit…

Ang mga ginawa ni Lei Chen ay hindi nagbigay sa kaniya ng kahit anong kasiyahan.

Ang tagapagmanang prinsipe ay may tubig ba sa kaniyang ulo? Ano ang kaniyang ginwa?" nauuyam na hayag ni Qiao Chu habang nakaupo sa isang silya, ang kaniyang mukha ay madilim at nagtatagis. Sa mga nakaraang araw, siya, si Hua Yao at ang iba pa kasamahan ay nagawang pasikatin ang Zephyr Academy. At dahil sa pang-aabuso ni Lei Chen sa kaniyang posisyon, masira nito ang pinagpaguran nila at pinahiya ang pangalan ng Zephyr Academy!

Sa tuwing nababanggit ang pangalan ng Zephyr Academy, hindi na nila pinapag-usapan kung gaano kagaling at kamangha-mangha ang abilidad ng mga disipulo na nagtataglay ng blue spirit kung hindi ang mga maririnig ay panghahamak at suklam sa kanila dahil ipinagsiksikan nila ang sarili sa tagapagmanang prinsipe upang mabigyan ng pabor. Kapag lumalabas sila, ang mga disipulong nakakasalubong nila o nakakakita sa kanila ay mabilis na nagbubulongan ng mga masasamang salita laban sa kanila.

Pagod na bumuntong hininga si Fan Jin. Ang reputayson ng Zephyr Academy ay parang nasa sasakyang rodilyo nitong mga nakaraang araw. Sila ay nasadlak muna sa putik at pinilit ni Hua Yao at ng iba pa na bumangon at itaas ang pangalan ng Zephyr Academy. Nagsisimula pa lamang silang tamasain ang sukli ng kanilang paghihirap at ngayon sila ay muling nahila pababa dahil sa mga ginawa ni Lei Chen.

Simula ng maitatag ang Zephyr Academy, hindi naakusahan nang ganito.

Mas pipiliin ng Zephyr Academy matalo kaysa itapon ang kanilang kapalaluan. Hindi nila ikinakahiya kung sila man ay mahina o siya ng nasa ibaba!

"Kung titingnan kung saan patungo ang mgfa pinag-gagawa ni Lei Chen, sa tingin ko hindi niya hahayaang may makalaban si Little Xie. Pinag-isipan ko kung ano ang mga pamamaraan na gagamitin niya para makuha niya ang loob natin pero hindi kon inaasahan na si ay magiging ganito kadirekta." Naiinis na sabi ni Fei Yan.

"Si Lei Chen ay higit na prinoprotektahan ang kaniyang reputasyon at kahit na alam nating gustong-gusto niya na umanib tayo sa kaniya, hindi dapat siya naging ganoon kahalata at ginawa niya pang…" Naningkit ang mga mata ni Fan Zhou. Pakiramdam niya hindi nagtutugma ang mga bagay na ginagawa ngayon ni Lei Chen sa imaheng ipinapakita niya sa mga tao.

avataravatar
Next chapter