1504 Innate Gift Competition (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matamang naghintay si Jun Wu Xie, hindi naman siya nagmamadali. Nang makarating siya sa venue ng Innate Gift Competition, ang entablado ay sunod-sunod na ang aktibidad. 

May mga iba't ibang kulay ang mga tags at iyon ay nakadepende sa kung saang entablado sila pupunta. Kailangan lang nilang maghintay na matawag sa entablado.

Malawak ang paggaganapan ng Innate Gift Competition. Nahahati sa dalawang palapag ang buong lugar at ang mga kalahok ay nagsisiksikan sa unang palapag. 

Sa dulo ng ikalawang palapag ay mayroong mga pribadong silid. Kung titignan mo iyon mula sa ibaba, hindi mo makikita ang laman ng mga pribadong silid na iyon. Ngunit malinaw sa lahat na ang laman ng mga pribadong silid na iyon ay ang mga taga-Twelve Palaces at Nine Palaces. Paniguradong nanonood sila at nag-oobserba sa buong kompetisyon.

Inikot ni Jun Wu Xie ang kaniyang mga mata at wala siyang nakitang mga taga-Twelve Palaces at Nine Palaces. Rinig na rinig niya ang hiyawan ng mga sabik na kabataan.

Isang tao lang ang maaaring umakyat sa entablado dahil ang kailangan lang naman nitong gawin ay ang ipakita ang kaniyang abilidad. Hindi na kailangang makipaglaban sa isa pang katunggali.

Ang mga may pambihirang katangian ay maaaring manatili at ang mga may ordinaryong kakayahan ay hindi na makakasali sa susunod na round.

Nakatayo lang si Jun Wu Xie sa isang sulok at nag-oobserba sa mga kabataan. Doon napagtanto ni Jun Wu Xie na marami pa palang iba't ibang katangian at tribu sa Middle Realm.

Sa isa sa mga entablado, nakita ni Jun Wu Xie ang isang matangkad na binata. Simple lang ang suot nitong damit, nakalabas ang balikat at hita nito. Ang kaniyang mga biyas ay may kakayahang mabali, pwede rin iyong humaba at umiksi.

Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie sa kaniyang pinapanood. Hindi ito ang unang beses na nakakita si Jun Wu Xie ng ganoong katangian. Kung hindi siya nagkakamali, galing iyon sa tribu na pinagmulan ni Hua Yao, ang Bone Shifters Tribe!

Maraming mga tirbu at lahi ang may iba't ibang katangian dito sa Middle Realm. Ang mga taong katulad nila ay may malaking advantage kaysa sa iba. Kahit na wala silang malakas na spirit powers o ring spirit. Maaari pa rin nilang makuha ang boto ng Twelve Palaces at Nine Palaces dahil sa kanilang pambihirang kakayahan.

Pero...

Ang binatang nakatayo sa entablado ay walang kontrol sa kaniyang katangian hindi tulad ni Hua Yao. Kaya lang nitong baguhin ang sukat at laki ng kaniyang buto pero hindi niya mabago ang hugis o porma noon. Kaya naman hindi nito magawang mabago ang kaniyang mukha kahit kaunti.

Hindi pinalad ang binatang iyon na makaangat patungong next round.

Hindi pala lahat ng nasa parehong tribu na may parehong katangian ay may pareho nang katangian. Iyon ang nasa isip ni Jun Wu Xie habang pinapanood ang sumunod na kalahok.

"Roar!!!" Isang maliit ngunit maskulado ang nasa entablado sa oras na iyon. May dala itong malaking bato. Isang malakas na alulong ang pinakawalan nito nang kaniyang buhatin ang bato. Gamit ang sarili nitong kamay, dinurog niya ang bato.

Nagmukhang tokwa ang batong iyon na agad na nagkapira-piraso nang durugin iyon ng lalaki.

"Whoa! Bihira lang may sumali na mula sa Great Ape Tribe Innate Gift competition." Tumatawa ang ilang mga kabataan habang pinapanood ang lalaking nasa entablado.

"Hindi ba't dapat sa mga taga-Great Ape Tribe ay sa Ring Spirit Competition magtungo para ipakita ang kanilang Great Ape Ring Spirit? Bakit dito pa siya pupunta? Lakas ba ang pinagbabasehan dito?" Sagot naman ng isa pang binata.

Ito ang unang beses na nakarinig si Jun Wu Xie tungkol sa Great Ape Tribe. Hindi niya mahulaan kung anong mayroon sa tribung iyon.

Ang lahat ng mga taga-Great Ape Tribe ay mayroong Great Ape bilang kanilang Ring Spirit. At dahil sa ring spirit nilang iyon, mayroon silang lakas na katulad ng sa Great Ape. Kahit na hindi nila gisingin ang kanilang Ring Spirit, sadyang malakas na talaga sila kumpara sa ordinaryong tao. 

avataravatar
Next chapter