904 Imperial Guards Army (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ilang sandaling naisip-isip si Fei Yan ngunit hindi niya pa rin mapagdugtong-dugtong ang sitwasyon. Saglit lang ang panahon ng kaniyang pag-iimbestiga sa Fire Country at ang mga impormasyong kaniyang nakalap ay hindi kumpleto. Hindi niya na masyadong naungkat ang tungkol sa biglaang pagkawala ng dating Emperor.

Tumataas na ang sikat ng araw habang sila ay patuloy pa rin sa kanilang pagdidiskusyon. Nang tanungin si Jun Wu Xie ng innkeeper ng Immortals' Loft kung gusto niya bang ipagbigay-alamm sa Imperial Capital's Magistrate office ang insidente sa pagtatangka sa kaniyang buhay ay madiin niya itong tinanggihan.

Si Ye Sha naman ay sinunog ang katawan ng lalaki hanggang sa ito ay maging abo ng tuluyan.

Habang abala ang lahat sa pag-iisip kung ano ang kanilang susunod na gagawin, isang grupo ng sundalo ang pumarada sa kalsada ng Imperial Capital. Papunta ang mga ito sa Immortals' Loft.

"Anong nangyayari?" Biglang nagkagulo ang mga tao sa labas ng Immortals' Loft. Si Qiao Chu naman ay agad na nagtungo sa bintana para tingnan ang nangyayari sa labas.

"Maraming sundalo ang nasa labas at pinalibutan na nila ang buong Immortals' Loft." Agad na sagot ni Qiao Chu.

"Hindi kaya't si Lei Fan nanaman ang nagpadala ng mga sundalong ito?" Lukot ang mukhang tanong ni Fei Yan. Nagtungo ito sa bintana upang silipin ang pangyayari sa labas at agad napagtanto na mali siya ng akala.

"Hindi iyon ang tauhan ng Prime Minister. Iyon ay ang mga Imperial Guards Army!"

"Imperial Guards?"

Ang Fire Country's Imperial Guard Army ay pinamumunuan ng Commander ng Imperial Guards. Ang Commander ng Imperial Guards Army ay sumusunod lang sa utos ng Emperor at wala nang iba pa. Malinaw na walang kinalaman ang Prime Minister sa biglang kilos ng mga Imperial Guard Army. Kaya naman ang Emperor ang may pasimuno nito.

"Bakit naman magpapadala ang Emperor ng Imperial Guards dito? Huwag mong sabihing nagkatotoo nga ang sinabi ng Grand Adviser? Ang Emperor ay hinahabol si Little Xie dahil sa singsing na iyan?" Biglang napatayo si Rong Ruo, magkasalubong ang kilay. 

Mabilis ang pagdating ng Imperial Guards dito. Dahil tapos na ang piging, ilang oras lang ang pinalipas nito at agad itong nagpadala ng Imperial Guard Army. Dahil sa mabilis na aksyon ng Emperor nahihirapan silang mag-isip ng solusyon kung paano ang kanilang gagawin.

Bukod sa pagkagulantang ng grupo ni Jun Wu Xie, nakuha din ang atensyon ng mga tao sa labas dahil sa biglang pagsugod ng Imperial Guards. Responsable ang Imperial Guards sa seguridad at kaligtasan ng Imperial Palace kaya naman bihira lang silang makita sa Imperial Capital. Dahil sa agaw pansing pagdating ng mga ito rito, nagkaroon ng kumosyon sa labas.

Ang Immortals' Loft ay isang pangkaraniwang Inn lamang. Ngunit ngayon ay ito ang naging pansamantalang tirahan ng mga nanalo sa Spirit Battle Tournament. Ang anim na mga representative ng Zephyr Academy ay nakapasok sa top six ng Spirit Battle Tournament. Ngunit bukod sa kasikatang tinatamo ng Immortals' Loft ngayon, marami ring kamalasan ang naganap dito.

Bago magsimula ang pagdedesisyon para sa tatanghaling top ten, ang Imperial Capital Guards ay nagtungo sa Immortals' Loft para kunin si Jun Xie. Bakas sa itsura ng mga Imperial Guards ng Fire Country na may hindi magandang mangyayari kapag sila ay hindi susundin.

avataravatar
Next chapter