909 Imperial Guard Army (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Metikuloso at matulin ang galaw ng Imperial Guards habang sila ay nag hiwa-hiwalay para maghanap sa loob ng Crown Prince's Residence. Nakatayo naman si Lei Chen sa gitna ng main hall habang pinapanuod ang mga Imperial Guards sa kanilang mga ginagawa.

Si Yuan Biao naman ay nakatayo sa isang tabi habang lihim na pinapanuod ang reaksyon ni Lei Chen. Nang hindi nila mahanap si Jun Xie sa Immortals' Loft, ang unang lugar na pumasok sa kaniyang isip ay ang Crown Prince's Residence. Walang kaibigan o kamag-anak si Jun Xie sa Fire Country's Residence si Jun Xie at hindi ito gaanong pamilyar sa lugar na ito. Kaya naman sigurado siyang sa Crown Prince's Residence ito magtutungo.

Ngunit labis na ipinagtaka ni Yuan Biao nang mapansin niyang wala man lang bakas ng pag-aalala sa mukha ni Lei Chen habang hinahalughog ng Imperial Guard Army ang Crown Prince's Residence. Kung hindi ito arte lang ni Lei Chen, talaga ngang wala dito si Jun Xie.

'Di nagtagal ay walang nahanap ni anino man lang ni Jun Xie.

Nakakunot ang noo ni Yuan Biao habang kinausap ito ni Lei Chen: "Masaya na ba ang Commander?"

Sumagot naman si Yuan Biao: "Maaari ko bang hilingin na tipunin ng Kamahalan ang lahat ng naririto sa Crown Prince's Residence? Wais ang salarin. Nagdududa akong nagpapanggap lang siya dito bilang isa sa mga katulong."

Malamig na sumagot si Lei Chen: "Napakasigurista naman ni Commander Yuan. Sigurado ka bang magtatago dito si Jun Xie? Sige! Mga guwardiya, tipunin lahat ng naninilbihan dito."

Dahil sa utos na iyon ni Lei Chen, nagmadaling magtungo sa main hall ng mansion ang lahat. Ang mga Imperial Guards ay in isa-isa pang puntahan ang mga silid para makasigurong walang nagtatago.

Nang natipon na ang lahat, isa-isang nilapitan ni Yuan Biao ang mga ito. Naninigurong masusuri ang bawat taong naririto sa Crown Prince's Residence.

Hindi naman nababahala si Lei Chen dahil alam naman niyang hindi naparito si Jun Xie. Kaya pano niya ito maitatago sa Imperial Guards? Sinundan niya ng tingin ang pila ng mga katulong. Hanggang sa mapadako ang kaniyang mata sa isang matandang kuba. Doon siya nagkaroon ng pagdududa.

Kahit na marami ang katulong na nasa mansion, ilang taon nang naninilbihan ang mga ito kaya naman kilala niya na ang bawat isa sa mga ito. Ngunit ang matandang lalaki na kuba na nasa kaniyang harapan ay ngayon niya lang nakita.

Ngunit dahil sa presensiya ni Yuan Biao, binalewala niya muna ito at nilagpasan ito ng tingin.

Sa wakas ay natapos nang manuri ni Yuan Biao at nabigo itong mahanap si Jun Xie sa mga ito. 

"Nahanap niyo ba Commander ang hinahanap ninyo?" Pagak na tawa ni Lei Chen.

Umiling si Yuan Biao at napakuyom: "Sana maintindihan niyo Kamahalan ang pang-aabala namin sa inyo. Dahil sa paggalaw ni Jun Xie sa Fourth Prince ay kinailangan naming gawin ito."

Tumingin si Lei Chen Biao kay Yuan Biao at ngumiti: "Bakit naman kita sisisihin Commander? Alam ko namang ginagawa mo lang ang trabaho mo. Pero dahil wala naman kayong nahanap saking pamamahay, maaari na ba ulit maibalik ang katahimikan sa bahay na ito?"

Agad namang sumagot si Yuan Biao: "Opo."

Pagkatapos non ay agad nang iginiya ni Yuan Biao ang kaniyang mga tauhan palabas ng Crown Prince's Residence. Ang mga naninilbihan naman ay kaniya-kaniya nang bumalik sa kanilang mga trabaho.

Ilang sandali lang ay ibinalita ng mga guwardiya ng Crown Prince's Residence na kahit umalis na sila Yuan Biao, ay nag-iwan ito ng ilang mga Imperial Guards para magbantay sa labas ng mansion.

avataravatar
Next chapter