906 Imperial Guard Army (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Malinaw sa lahat ang ibig sabihin ni Fan Zhuo. Maliban na lang kung makikipaglaban talaga sila sa Fire Country. Pero sa ngayon ay wala silang sapat na pwersa para sumalungat sa Imperial Guards ng Fire Country sa harap ng maraming tao. Kung gagawin nila iyon ngayon, malabo na silang makabalik dito para kunin ang mapa na kanilang hinahanap.

"Naiintindihan ko." Tumango-tango si Jun Wu Xie ngunit ang kaniyang mga mata ay naniningkit pa rin.

Dahil sa hinahabol siya ng mag-amang ito, ibig sabihin lang ay pareho ang pakay nito sa kaniya. Pero hindi siya ang taong basta-basta na lang masisindak. Malugod niyang ibibigay sa mga ito ang "regalong" hinihingi ng mga ito.

"Lahat kayo, hindi niyo sila pwedeng direktang labanan." Pagpapaalala ni Jun Wu Xie sa kaniyang mga kasamahan bago tumalikod para umalis na.

Napatitig na lang sina Qiao Chu sa likod ni Jun Wu Xie at muling humarap sa bintana para silipin ang mga Imperial Guards sa labas. 

Ayaw nilang makisali sa gulo ng Fire Country ngunit sumusobra na ang Fire Country's Emperor at Prince. Kailangan na nila itong singilin sa mga ginagawa ng mga ito!

Bumalik si Jun Wu Xie sa kaniyang silid at agad na nagpalit ng damit. Kinarga niya sa isang kamay si Lord Meh Meh at sa kabila naman ay ang itim na pusa bago maingat na lumabas sa bintana sa likod.

Nagmadaling pumasok ang mga Imperial Guards sa Immortals' Loft at ang mga hawak nilang sibat ay nakatutok sa grupo nina Qiao Chu. Gulat na gulat si Fan Jin sa kaniyang nakita. Lasing na lasing siya kagabi at agad na nakatulog. Kakagising niya lang ngayon at ito ang bubungad sa kaniyang paningin. Nilukob siya ng takot ngunit hindi na nagawang magtanong tungkol sa nangyayari.

Halos binalik tad na ng Imperial Guards ang buong Immortals' Loft ngunit hindi pa rin nila mahanap si Jun Xie. Agad nilang kinuha ang innkeeper at waiter ng Immortals' Loft para tanungin ang mga ito.

Simula pa kanina ay takot na takot na ang innkeeper kaya naman ng sigawan ito ng isa sa mga Imperial Guards ay agad itong napaupo sa sahig sa sobrang takot.

"Hin...Hindi ko alam kung saan nagpunta si Young Master Jun...Nandito lang siya kanina..."

Ilang segundo pang tinitigan ni Yuan Biao ang innkeeper bago bumaling kay Fei Yan na nakasuot ng pambabae. Kumpara sa lahat ng taga-Zephyr Academy na naririto, naniniwala siyang si Fei Yan ang pinakamahinhin.

"Ikaw! Sabihin mo saakin kung saan nagpunta ang kriminal na si Jun Xie!" Hinugot ni Yuan Biao ang kutsilyo sa kaniyang tagiliran at itinutok sa leeg ni Fei Yan. Ang matalim na dulo noon ay agad na tumusok sa leeg ni Fei Yan. Ilang sandali lang ay tumulo ang matingkad na dugo sa leeg nito.

Nag-angat ng tingin si Fei Yan at tinignan si Yuan Biao. Ang kaniyang anyo ay biglang naging kaawa-awa at namuo ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

"Huhu...Paano ko malalaman kung saan siya nagpunta? Nandito lang siya kanina pero nung pagkarating niyo, bago ko pa mapagtanto ang nangyayari, agad siyang tumakbo papunta sa pinto sa likod! Maniwala kayo, hindi ko talaga alam kung saan siya pupunta!"

Hindi nawala ang pagkakalukot ng mukha ni Yuan Biao sa kabila ng kaawa-awang itsura ng isang magandang binibining umiiyak sa kaniyang harapan.

"Kayo! Magpunta kayo sa pinto sa likod at hanapin niyo siya!" Matapos magbigay ng utos ni Yuan Biao, humarap ito kay Fei Yan at sinabing: "Siguraduhin mong nagsasabi ka ng totoo. Ginalaw ni Jun Xie ang Fourth Prince at hindi iyon mababaw na kasalanan. Kung pinagtatakpan niyo siya, kayo rin ay paparusahan bilang mga kasabwat!"

"Totoo! Pangako!" Saad ni Fei Yan na umiiyak habang nagmamakaawang nakatingin kay Yuan Biao. Tinakpan nito ang kaniyang mukha at nagpatuloy sa paghagulhol.

avataravatar
Next chapter