1159 Imperial City sa Panahon ng Krisis (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mga taong iyon ay iba-iba ang suot na damit. Mga regular na lang na sibilyan mula sa malalaking lungsod. Sa kabila ng takot at panic sila ay pilit na tumakas patungo sa kung saan magaganap ang huling giyera. Umaasang magkaroon ng pag-asang maibangon nila ang Qi Kingdom ngunit nang makita nilang napapaligiran na ang Imperial City, nabuhay ang galit sa kanilang mga puso!

"Sugod!" Sigaw ng isang binata. Namumula ang mga mata nito habang nakatitig sa mga kaaway!

Hindi maaaring malusob ang Imperial City!

Hindi maaaring bumagsak ang Qi Kingdom!

Ito ang pinakamahinang grupo na nabuo sa kasaysayan. Ni hindi nga ito matatawag na grupo ng sandatahan. Ngunit sa oras na ito, dahil sa kagustuhang mailigtas ang kanilang bansa, nawala ang takot sa kanilang mga puso!

Sa pader ng lungsod, handa na si Jun Qing na makipaglaban hanggang sa kaniyang kamatayan nang makita niya ang isang grupo sa likod ng tatlong bansang kanilang kaaway!

Nanlaki ang kaniyang mga mata, hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Ang kaniyag ring spirit na Bone Eroding White Owl ang nagbibigay sa kaniya ng malinaw na paningin sa mga ito!

Hindi makapaniwala si Jun Qing na ang mga mamamayan ng Qi Kingdom ay lalaban!

Ang mga ito ay nagmula sa iba't-ibang lungsod ng Qi Kingdom ngunit mayroong isang bagay na ang mga ito ay nagkakapareho!

Sa kanilang mga puso buhay na buhay ang pag-asang maililigtas nila ang Qi Kingdom!

Nanginig ang katawan ni Jun Qing. Gamit ang paningin ng Bone Eroding White Owl, nakita niya na pinagtutulungan ang mga taga-Qi Kingdom ng tatlong bansa. Mapa-matanda o bata, nakipaglaban ang mga ito.

Sa pagitan ng laban na ito ay agad na dumanak ang dugo!

Hindi man sila ganoon kalalakas, at maaaring sila ay malaking biro sa mata ng lahat, ngunit ginamit nila ang kanilang mga buhay upang magkaroon pa ng sapat na oras ang Imperial City. At ang maiksing panahon ngang iyon ay labis na nakatulong!

Hindi man lang tumagal ng isang oras ang labanang iyon at ang tatlong bansa ay inubos ang mga kalalakihang iyon ng Qi Kingdom! Ni isa ay walang natira sa mga ito ngunit mananatiling buhay ang kagitingan ng mga ito!

"Isang malaking biro!" Saad ng white robed youth habang hawak ang isang ulo ng taga-Qi Kingdom na animo'y isa itong laruan. "Isang bali ko lang sa leeg nito ay naputol agad! Hahaha!"

Hindi pa ito nakuntento at dinurog nito ang ulong iyon gamit ang kaniyang kamay!

Nagkalat ang dugo at mga nadurog na buto mula doon!

At sa mukha nito, bakas ang pagka-sabik at saya!

"Mga basura! Pinatagal pa tayo ng isang oras! Hayaan niyo, pagbigyan naman natin ang mga taga-Imperial City na huminga man lang sa huling pagkakataon." Saad ng binata habang bumubunot ng puting panyo upang punasan ang dugo sa kaniyang kamay. Humarap ito sa Commander in Chief ng Condor Country.

"Ngayon, sugurin niyo na sila! Sa loob ng isang oras, gusto kong habang-buhay nang mabura ang pangalan ng Qi Kingdom!"

Agad namang humarap ang mga sundalo ng tatlong bansa sa Imperial City ng Qi Kingdom!

Biglang bumukas ang gate na hinahawakan ng mga taga-Imperial City!

Ang gate ay binuksan na ng mga sundalo ng Rui Lin Army!

Kasabay ng pagbukas noon ay isang ipo-ipo dumating! Hinigop noon ang mga sundalo! Umalingawngaw ang mga sigaw ng sundalo! Mula sa ipo-ipo ay umulan ng dugo at kumalat sa buong Imperial City!

Mula sa ulan na dugo, dalawang pigura ang lumabas sa ibabaw ng Imperial City ng Qi Kingdom!

avataravatar
Next chapter