665 Ilalim ng Cliff (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos inumin ng grupo ang elixir, may tinawag si Jun Wu Xie.

"Little Black."

Kaniyang tinawag ang itim na pusa. Agad namang lumitaw sa kanilang harapan ang pusang itim at nagpalit ng anyo bilang black beast. Isinandal ni Little Black ang kaniyang katawan kay Jun Wu Xie para ibsan ang ginaw na nadarama ng huli.

"Lumapit din kayo dito." Naibsan nga ang panggiginaw ni Jun Wu Xie dahil sa ginawang iyon ng black beast. Naramdaman niyang muli ang kaniyang mga binti nang siya ay balutin ng init ni Little Black.

Agad namang naintindihan nina Qiao Chu ang gustong mangyari ni Jun Wu Xie. Tinawag din ni Qiao Chu si Rolly at niyakap nito ang grupo.

Dahil sa lamig ay nahirapan silang ipanumbalik ang kanilang lakas dahil sa kailangan nilang gamitin ng gamitin ang kanilang kanilang spirit power para labanan ang lamig. Hindi naging sapat ang kanilang makakapal na kasuotan.

Sa presensiya ng black beast at ni Rolly hindi na kinailangan ng grupo na gamitin ang kanilang spirit power.

"Meh?" Tumalon si Lord Meh Meh galing sa pagkakakarga ni Ye Sha. Nagpalit din ito ng anyo at naging isang napakalaking nilalang na may siyam na buntot. Halos hindi makita ang mga buntot na iyon dahil sa natatakpan iyon ng kaniyang malaking katawan. Ang siyam na mabalahibo nitong buntot ay bumalot sa Black beast, Rolly at sa lahat ng malapit dito.

Tiningala ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh. Lumambot ang kaniyang tingin nang kaniyang masalubong ang mga mata ng tupa. Pumikit si Jun Wu Xie para lasapin ang init na hatid ng katawan ni Lord Meh MEh.

[Ibig bang sabihin non ay pinatawad na ang katakawan nito?]

Masayang kinurap-kurap ni Lord Meh Meh ang kaniyang mga mata. Simula ng huling insidente ay napakatakaw nito. Ngunit ngayon ay nakahanap ito ng paraan para mapatawad ang kaniyang katakawan. Mas lalo pang pinainit ng tupa ang kaniyang katawan para mas maging komportable si Jun Wu Xie.

Hulog ng langit ang init na ibinibigay ng katawan ni Lord Meh Meh. Halos nakalimutan ng lahat ang ginaw ng paligid.

Kahit na nakakatukso, pinigilan nila Jun Wu Xie na magtagal pa sa ganoong posisyon. Kakarating lang nila sa baba ng Cliff at doon pa lang magsisimula ang kanilang ekspedisyon. Limitado lang ang baon nilang pagkain at tubig at hindi sila pwedeng magtagal dito.

Inabot sila ng kalahating araw para mabawi nila ang kanilang lakas at spirit power. Natuyo ang kanilang mga damit dahil sa init ng katawan ni Lord Meh Meh/

"Matutukoy mo ba kung saan ang eksaktong lokasyon natin sa mapa?" Tanong ni Jun Wu Xie kay Fei Yan. Sa grupo, si Fei Yan ang magaling sa ganoong bagay.

Umiling si Fei Yan at sinabing: "Hindi gaanong makita ang paligid dito at hindi ko iyon matukoy sa mapa. Kung ganito talaga ang lugar na ito, kahit na mayroon tayong mapa, mahihirapan pa rin tayong sundin ang direksyon. Maliban na lang kung tinuturo sa mapa kung saan huhugpa ang mga taong bumaba sa Heaven's End Cliff."

Hindi nila matutukoy kung nasaan talaga sila mapa. Kaya naman nawalan iyon ng silbi.

"Magtingin-tingin muna tayo at intindihin ang lugar. Anuman ang makita natin dito ay makakatulong sa atin sa susunod."

Tumango naman si Fei Yan bilang pagsang-ayon.

Nagdesisyon na silang kumilos para suriin ang paligid.

avataravatar
Next chapter