225 Ikatlong Sampal (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nawalan ng kulay ang mga mukha ng mga lalaki sa grupo ng Qing Yun Clan nang marinig ang sinabi ni Drunk Lotus. Maaaring hindi ang lalaking ngayon ay nakahandusay sa lupa ang pinakamagaling sa kanila sa pakikipaglaban ngunit ito ang may pinakamakapangyarihan at pinakamalakas na kamay sa kanila. Ipinagyayabang nito ang kamao nito ngunit ang kamaong iyon mismo ay nagkawatak-watak sa isang suntok lang ng batang nasa kanilang harapan! Hindi nila maisip kung gaano talaga kalakas ang suntok ng batang iyon!

Lahat sila ay green leveled spirit ngunit wala ni isa sa kanila ang nangahas na labanan ang kamaong iyon.

Ngunit, nag-utos si Jun Wu Xie. Walang maliligtas ni isa sa kamay ni Drunk Lotus!

Nanatili ang tingin ni Drunk Lotus sa isang Qing Yun Clan disciple. Nanlamig ang buo nitong katawan sabay nakarinig siya ng sigaw. "Patayin mo siya! Senior Wen! Ngayon din!"

Nang marinig niya iyon, ang indigo spirit user ay naguluhan siya. Wala siyang kasunduan sa Qing Yun Clan bago nito. Nagpunta siya dito ng labag sa kaniyang kalooban dahil kailangan niya lang talaga ng tulong nag malalakas na angkan. Nakatanggap siya ng imibitasyon na sumama sa delegasyon patungong Kingdom of Qi at napilitan siyang tanggapin iyon. Kaya naman nang harapin nila ang Rui Lin Army, hindi siya gumagalaw. Saka lang siya gumalaw nang sila ay sugurin ng Jun Family. Doon lang siya kumilos ngunit nagpalabas lang siya ng kaniyang spirit aura para sana pigilan ang kanilang kalaban. Pinigilan niyang kumilos laban sa Lin Palace hindi dahil sa hindi niya kaya. Kundi dahil ay ayaw niya.

Para makamit ang indigo spirit, madalas sila ay ang mga taong may kakaibang kakayahan at pagkatao.

Halos isang siglo na siyang buhay at marami na siyang nalaman sa mundo. Ang tuwid na reputasyon ng Jun Family ay narinig na niya. Marahil hindi man ito gaanong kamangha-mangha, ngunit tiningala niya ang mga ito dahil sa integridad nila. Kaya naman nagdadalawang isip siyang kalabanin ang mga ito.

Kung kaya lang sana ng Qing Yun Clan ang mga sarili nila, mananatili lang siyang nanunuod sa mga ito. Ngunit nag-iba ang ihip ng hangin sa paglitaw ni black beast at Drunk Lotus. Dalawa na sa kanila ang nabawas. Ang isa pang delegado ay nagsimulacnang labanan ang black beast at si Drunk Lotus. Ngunit sa kaniyang nakikita, sa antas ng kakayahan nito, malinaw na malinaw kung paano ito tatapusin.

Kumilos o manatili?

Ngunit nang maaalala niya ang mga sugat nang kaniyang pamilya, napabuntong hininga siya at nalipat ang tingin kay Jun Wu Xie.

Nakita niyang ang nag-utos sa black beast ay itong batang babaeng nakatayo sa malayo.

"Ibigay mo ang Soul Jade at matatapos lahat ng ito." Sabi niya kay Jun Wu Xie.

Mataman lang siyang tinignan ni Jun Wu Xie at lumapit sa kaniya. "Nangahas kayong saktan ang pamilya ko. Hindi ito matatapos ng ganon ganon lang. Sa araw na ito ihinahayag kong kaaway ko na ang Qing Yun Clan. Hindi lang ang mga tauhan Qing Yun Clan na nasa Kingdom of Qi ang mamatay. Ako mismo ang tutungo sa pintuan ng Qing Yun Clan! Wala akong ititra kahit isa!"

Gulat na tumingin ang indigo spirit user kay Jun Wu Xie. Hindi nakatakas ang malamig nitong mga titig. Ang determinasyon nito ay hindi niya aakalaing nanggaling sa batang babaeng katulad nito! Ang ihinayag nito ay isang napakalaking suliranin, posible ba iyon!?

Patumbahin ang nangungunang angkan? Masyadong nagiging mayabang ang babaeng ito!

"Ignoranteng bata, alam mo ba ang sinasabi mo?" Tanong ng lalaki.

Sumagot naman si Jun Wu Xie: "Tingin ko'y ang dapat mong tanungin niyan ay ang Qing Yun Clan. Alam ba nila ang pinapasok nila?"

Nagpatuloy si Jun Wu Xie: "Nakita kong hindi gumawa ng kilos laban sa amin. Kung aalis ka ngayon, hahayaan kita. Ngunit ang mga nanakit sa aking Lolo at Tiyuhin ay mamamatay."

Natigilan muli ang indigo spirit user. Kahit sa panaginip ay hindi pa siya pinagbantaan ng isang batang babae na kakarating lang sa orange level.

Habang siya ay nakatayo sa harap nito, may isa nanamang napatumba si Drunk Lotus na Qing Yun Clan dsiciple. Lasog-lasog ang buto nito sa lupa!

avataravatar
Next chapter