224 Ikatlong Sampal (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Magyabang ka hanggat kaya mo! Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo bata..." Hamon ng disipulo ng Qing Yun Clan kay Drunk Lotus. Hindi pa rin nila alam kung saan nanggaling ang bata sa kanilang harapan.

Nagtaas naman ng kilay si Drunk Lotus sa nagsalita. Nang ito ay ngumiti, isang buhawi ang nabuo galing sa kaniya. Hindi siya makita sa loob ng buhawi.

Natigilan ang lalaki dahil hindi niya na makita si Drunk Lotus!

Ang bilis nito ay mas mabilis pa kay black beast!

Ang isang puting kidlat ay lumitaw sa harap ng lalaki. Ang mukha ni Drunk Lotus ay bakas ang pagkalasing. Sinuntok nito ang lalaki bago pa man ito makagalaw!

Napangiti ang disipulo ng Qing Yun Clan nang makitang mahina lang ang suntok na iyon ni Drunk Lotus. Inipon niya lahat ng kaniyang spiritual energy sa kaniyang gwantes na nasa kaniyang kamao. Simula pa noon, marami nang natalong Rui Lin Army ang kaniyang ring spirit. Sa tingin niya ay hindi na siya dapat gaanong mag-alala sa kaniyang kaharap dahil ito ay isang mahinang bata lang naman!

Punong-puno ng kumpiyansa, sinalubong ng lalaki ng kaniyang pinakamalakas na suntok ang kamao ni Drunk Lotus!

Sa oras na iyon, narinig ng lahat ang malakas na tunog ng pagkabali ng buto. Nabali ang kamay na nababalot ng gwantes at hindi iyon pinakawalan ni Drunk Lotus!

Alas! Hindi pa siya tapos. Mas lalong lumapad pa ang ngiti ni Drunk Lotus habang tinutulak niya ito gamit ang kamao. Nagkawatak-watak ang mga daliri ng lalaki at nabali ang buong kamay nito.

Ang isang suntok ni Drunk Lotus ay naitulak ang braso ng lalaki paatras dahilan para mabali at lumabas ang buto nito sa siko!

Kitang-kita nilang lahat ang buto nitong nakausli. Nagsimula ring umagos ang dugo doon.

Nakita ni black beast ang mga butong nagkalat habang ito ay abala rin sa pakikipaglaban sa isa pang disipulo ng Qing Yun Clan. Bumakas sa mukha nito ang pagpintas.

Akala talaga ng mga lalaking ito ay kaya nila ang suntok ni Drunk Lotus?

"ARGGGHHHHHH!!!" Natumba ang Qing Yun Clan disciple sa kaniyang sariling dugong dumadanak sa kaniyang katawan. Unti-unting naglalaho sa itsura nito ang yabang. Dumadaing ito habang nakahandusay sa lupa.

Hindi pa tapos ang kaniyang paghihirap dahil lumapit sa kaniya di Drunk Lotus at iritable siyang tinitigan. Namumula ang mga mata ni Drunk Lotus gawa ng wine. Maya-maya lang ay pinaulanan na ito ng suntok ni Drunk Lotus.

Bawat suntok ay bumabali sa butong tatamaan niyon at lalabas ang buto sa laman nito!

Napupuno na ng dugo ang suot nito. Sa isang kisapmata lang ay nagdurusa na ang isang lalaki sa kamay ni Drunk Lotus. Wala itong itinirang butong hindi pa nababali.

Ang brutal na pangyayaring iyon ay nagdulot ng takot sa iba pang Qing Yun Clan disciples. Maging si Jun Xian na marami nang nasaksihang patayan sa digmaan ay namutla sa kaniyang kasulukuyang napanood. Gulat na gulat ang itsura nito ngunit si Jun Wu Xie ay nanatiling diretso at malamig ang mga titig. Para itong hindi apektado sa nangyayari.

"Lolo, dapat lang iyon sa kanila." Galit na saad ni Jun Wu Xie. Kung ganon lang siya kalakas siya mismo ang babali sa mga buto nito at ikakalat itong parang abo.

Tumayo ang nakukuntentong si Drunk Lotus. Ang nakakaloko nitong ngiti ay nanatili sa mukha nito. Pinatunog nito ang sariling mga daliri at lumingon sa grupo ng Qing Yun Clan ang tanong nito ay nakapagpatayo sa balahibo ng bawat isa sa kanila, "Next, sino ang gustong sumunod?"

avataravatar
Next chapter