222 Ikatlong Sampal (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isa-isang tinignan ni Jun Wu Xie ang mga naglalaban. Napako ang tingin nito kay Jun Xian at Jun Qing na sugatan. Agad naman siyang nagbaga sa galit.

Sinadya niyang gamitin ang kayabangan ng Qing Yun Clan upang matutunan ni Mo Qian Yuan paano maging Emperor, at para na rin maging handa ito sa tulong ni Jun Wu Yao para matigil na ang gulo sa pagitan ng Qing Yun Clan at ng Qi. Hindi niya inaasahan na agad darating ang kaniyang pag-usad papunta sa susunod na level ng spirit. Sa mga oras na siya ay walang malay,siya ring pag-atake ng Qing Yun Clan sa kanila!

Abala din si Jun Wu Yao na protektahan siya habang siya ay sumisila ng spirit. Hindi rin nito namalayan na nasa panganib na pala ang Lin Palace.

Nang makita ni Jun Wu Xie ang duguang sina Jun Xian at Jun Qing, isang bagay lang ang pumasok sa isip nito!

Gusto niyang lahat ng taga-Qing Yun Clan ay mamamatay dahil sa libo-libong sugat na tatamuhin nito. Wala siyang ititira kahit isa!

Ang biglaang pagsulpot ng dalaga at ng black beast ay ikinagulat ng Qing Yun Clan. Nang makita nila ang batang itsura ni Jun Wu Xie ay nakahinga sila ng maluwag.

Isa lang pala iyong dalaga na sa kanilang tingin ay nasa labinlimang taong gulang pa lang. Maging si Jun Xian at Jun Qing ay sugatan dahil sa kanila, anong laban ng maliit na babaeng ito?

Sa gitna ng mga umaatakeng iyon, tanging ang may indigo spirit lang ang nag-alala sa presensiya ni Jun Wu Xie.

Pinamalas niya na ang kaniyang lakas sa gitna ng labanan at lahat nasa green level spirit o mas mababa pa ay malalang naapektuhan, ngunit ang babaeng ito ay parang hindi man lang naapektuhan. Ang mas higit niyang ipinag-alala ay hindi siya sigurado sa level ng contractual ring spirit ng black beast na sinakyan nito.

Napakunot siya ng noo sa kaniyang naisip, sa kaniyang kapangyarihan ay agad niyang natukoy ang spirit level ni Jun Wu Xie. Ngunit ikinagulat niya ang kaniyang nakita.

Ang maliit na babaeng ito, sa murang edad nito ay naabot na agad nito ang orange level spirit!?

Sa edad nito, dapat ay kakasimula pa lang ng spirit nito. Sa loob lang ng maiksing panahon ay agad nitong naabot ang orange level spirit!?

Hindi siya makapaniwalang nagawa nitong mapagtagumpayan ang orange level spirit.

"Little Black." Malamig na tawag ni Jun Wu Xie.

"Patayin, ngayon din!"

Pagkatapos na pagkatapos niyang mag-utos ay tumalon ito pababa. Maaaring kakaabot niya lang sa orange level spirit. Ngunit ang makita ang kaniyang mga kapamilya na sugatan ay naglabas ng kaniyang galit sa mga nanakit dito.

Umungal ang black beast at tumalon sa mga disipulo ng Qing Yun Clan. Ang unang layunin niyang atakehin ay ang disipulo ng Qing Yun Clan na kasalukuyang inaatake si Jun Xian.

Masyadong mababa ang tingin ng lalake sa black beast. Ang tingin niya lang dito ay parang ang batang contractual ring spirit ni Jun Wu Xie kung kaya naman ay hindi niya ito gaanong pinagtuunan ng pansin. Ngunit bigla siyang sinakmal ng black beast dahil dito ay bigla itong natigilan!

Paanong napakabilis nito!?

Bago pa man siya makatugon, ang kaniyang leeg ay binali nito sa isang kagat lang!

"ROAR!!!" Inangat ng black beast ang ulo nito sa ere at iwinasiwas sa ere. Nang maputol iyon ay itinapon nalang nito sa kung saan.

Tumilapon naman sa kung saan ang lalaking napugutan at nagkalat ang dugo nito. Tumalsik ang dugo nito sa ibang Qing Yun Clan disciples.

Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi nila inaasahan iyon. Ang isang ring spirit na may hindi siguradong spirit level ay sadyang napakabilis umatake!

"Ngayon, walang aalis sa inyo ng buhay." Singhal ni Jun Wu Xie at inilabas ang kaniyang bagong kamit na orang spirit level sa sukdulan.

avataravatar
Next chapter