220 Ikatlong Sampal (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ikakamatay mo na ang susunod kong atake." Saad ni Long Qi na hindi pa rin nawawaglit ang titig sa kaniyang nasa harapan.

Nagdilim ang mukha ng lalaki, hindi pa rin siya makapaniwala na nasugatan siya ni Long Qi.

"Oras na para tumigil sa pakikipaglaro. Hindi na dapat natin sayangin ang ating panahon sa basurang ito. Kailangan muna nating magawa ang utos ng Eldest Miss bago natin aliwin ang ating sarili gamit ang mga hangal na ito." Lumapit ang isa pang disipulo ng Qing Yun Clan nang makita ang kaniyang kasamang sugatan.

Masyado nang maraming oras ang kanilang sinayang para sa mga ito.

"Huwag mong papatayin ang kawawang 'yan. Sakaniya ko isusubok ang mga gamot…" Saad ng sugatang disipulo at matalim na tinitigan si Long Qi.

"Ikaw ang masusunod."

Sunod ay lumapit ang apat na disipulo ng Qing Yun Clan kay Long Qi.

Ilang sandal lang lang ay inatake na si Long Qi ng apat na green leveled spirits dahilan para mahirapan siyang huminga.

Natigilan sila ng makarinig ng paygpag ng ibon. Nakita nila ang Bone Crushing White Owl sa pintuang daan ng Lin Palace sakay ang matangkad na lalaki,

"Ama, hindi ko na matiis ang manahimik." Saad ni Jun Qing nang magsimula na siyang gumalaw.

Si Long Qi ay parang kapatid na niya. Kaya lalaban siya para sa kaniyang kapatid. Hindi niya maatim na makitang sinasaktan ang kaniyang kapatid habang siya ay nanunuod lang.

Napabuntong hininga lang si Jun Xian ngunit ang mata nito ay nagbabaga.

Show quoted text

"Tama na ang pagtitimpi! Maghanda kayo Rui Lin Army! Patayin ang lahat ng iyan!" Sa utos ni Jun Xian, agad na sumugod ang Rui Lin Army sa sampung tauhan ng Qing Yun Clan!

Agad ding nagsimula ang laban sa pagitan ng daan-daang sundalo ng Rui Lin Army, ang anim na kanina ay nanunuod lang ngayon ay sumali na din!

Totoo nga ang pangamba ni Jun Xian, higit na mas malakas ang anim na iyon kaysa sa apat na disipulo! Limang guhit ng blue spiritual energy ang bumakas sa kalangitan, ngunit may isang kulay lila ang nangibabaw!

Noong bumakas ang indigo light sa kalangitan, nakaramdam ng diin sa kanilang mga katawan ang mga sundalo ng Rui Lin Army!

Ang lakas ng indigo spirit ay nag sanhi ng hirap sa paghinga sa mga nasa green level spirit at sa mga mas mababa pa doon. Nawalan sila ng kakayahang makipaglaban, ang iba pa nga ay halos hindi makalakad.

Nagliliwanag pa lalo ang indigo spirit sa buong katawan ng matanda na may kulay abong balbas. Nasa likuran nito ang kaniyang mga kamay at nakatayo sa likod ng lahat na para lamang itong nag-oobserba sa mga nangyayari.

Nagpagalaw ang Qing Yun Clan ng dalawang indigo spirit. Ang isa sa kanila ay sumama kay Jiang Chen Qing at Qin Yu Yan patungo sa Imperial Palace at ang isa naman ay nasa Lin Palace.

Halos walang magawa ang Rui Lin Army dahil sa lakas ng pwersa ng indigo spirit. Tanging si Long Qi, Jun Xian, Jun Qing at konti lang nilang kasamahan ang nakakaya pang tiisin iyon. Ngunit sila ay humaharap sa apat na high leveled green spirit at limang blue spirit sabay-sabay!

Masyado nang hindi maganda ang nangyayari!

Nasa gitna ng malalang digmaan ang Jun Family, nagsisimula na ring lumabas ang magkahalong malaki at maliit na sugat sa kanilang mga katawan. Dumadanak na ang dugo sa lupain ng Lin Palace.

Saktong nakarinig silang lahat ng nakaririnding ugong sa paligid!

Lumabas ang black beast sa pintuang daan ng Lin Palace sakay sa likod na ito ay isang maliit na babae.

"Sino kayo sa tingin niyo para saktan ang aking tiyuhin!?" Dumagundong ang boses nito sa mga lalaking abala sa pakikipaglaban. Nahinto ang mga ito para tignan kung kanino nanggaling iyon.

Natagpuan nila ang isang malaking black beast na may sakay na magandang babae sa likod niyon na nagtatapon ng malalamig na titig sa bawat isa sa kanila!

avataravatar
Next chapter