234 Ikaapat na Sampal (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi na mapigilan ang gulo sa main hall ng Imperial Palace. Ang mga katulong at eunuchs ay nagtatago sa sulok dahil sa takot.

"Hmmm? Sabay-sabay kayong aatake sa akin? Mahusay!" Sampung lalaki ang sabay-sabay na palapit sa kaniya at hindi man lang natinag si Drunk Lotus. Sa halip ay mas lalo pa siyang nabuhayan. Tinungga niya lahat ang natitirang alak sa jar bago ito itinapon at nabasag sa dingding. Umepekto ang wine sa buong katawan ni Drunk Lotus at ang kaniyang pisngi ay lalong namula. Sumigaw ito: "WHOA! Ako bilang si Lord Drunk Lotus, magagalak ako sa patayang ito!"

"Tignan natin kung hanggang saan ang yabang mo! Makinig kayong lahat! Pugutin niyo iyan!" Nagdidilim ang ekspresyon sa mukha ni Jiang Chen Qing habang nakatitig kay Drunk Lotus. Kailanman ay hindi pa siya napapahiya katulad ng nangyayari ngayon. Hindi siya makapag-intay na durugin ang mga buto at ikalat ang magiging abo nito!

Nagtulong-tulong ang Qing Yun Clan disciples at sumabay sa blue spirit users para atakehin si Drunk Lotus. Nagkaroon naman ng pagkakataon ang black beast na makatakas sa gitna ng gulo ngunit siya ay nakita ng dalawang blue spirit users at sinubukan itong pigilan. Ngunit masyadong mabilis at tumakbo ito sa 'zigzag' na direksyon, huli na ng mamalayan ng dalawang iyon na nakaalis na ang black beast.

[Mga tanga! Magsaya kayo sa ipapatikim sa inyo ni Drunk Lotus! Dahil ako ay may ibang utos na susundin!]

Maingat siyang naglakad nang malampasan niya ang mga ito. Wala siyang intensyon na makipaglaban sa dalawang iyon.

Napako ang tingin ng indigo spirit user kay Jun Wu Xie. Tumawag ito ng tatlo pang blue spirit user para makuha si Jun Wu Xie. Alam nilang ito ang pinuno ng grupo. Para pumatay ng ahas, kailangang putulin ang ulo nito. Kapag napatay na nila ang babaeng ito, magkakagulo ang black beast at ang bata.

Ngunit hindi napansin ng mga ito ang matangkad na lalaking nakatayo sa likuran ni Jun Wu Xie.

Nakangiti lang si Jun Wu Yao sa buong pangyayari. Habang pinapanuod niya ang apat na lalaking pasugod kay Jun Wu Xie, bahagyang napaangat ang kaniyang isang kilay. At nang malapit nang mahawakan si Jun Wu Xie ng indigo user, binalot niya ang kaniyang mga braso kay Jun Wu Xie at inilipad ito paangat. Elegante ang bawat galaw nito.

"Huwag mong dudumihan ang damit ng aking munting prinsesa gamit ng iyong maruruming kamay." Nakangiting saad ni Jun Wu Yao, ngunit ang ngiti nito ay hindi umaabot sa kaniyang mga mata.

Napatalon naman ang indigo spirit user at tumitig sa mapang-akit na mukha ni Jun Wu Yao.

Ipinitik ni Jun Wu Yao ang kaniyang daliri at ang ilang itim na guhit ang tumama sa mukha ng apat lalaki!

Nang nasa mukha na ng mga ito iyon, naging buhay ang mga guhit na iyon at naging itim na ahas na kasing-taba ng daliri! Ang kaliskis nito ay may lason at matatalas na parang kutsilyong bagong hasa. Ang mga ahas ay nagdulot ng sugat habang gumagapang sa mga mukha ng mga ito. Nagsimula rin silang balutan ng itim na ulap sa kanilang buong katawan!

Naaagnas ang kanilang balat na parang may mainit na bakal ang dinidikit sa kanilang mga mukha. Hindi nila makayanan ang sakit at huli na ng mapansin nilang kumakalat sa buong katawan ang kirot!

"Ang mga ahas na ito ay may lason! Protektahan niyo ang inyong katawan gamit ang inyong spiritual energy!" Sigaw ng indigo user at agad nitong nilabas ang kaniyang spiritual energy sa kaniyang katawan. Lumabas dito ang indigo glow at kumalat aa buo nitong katawan. Sumunod naman ang tatlo.

"Napakahina ng spiritual energy niyong iyan at gusto niyong makawala sa aking Snakes of Ink?" Humalakhak si Jun Wu Yao.

Ginamit ng apat na lalaki ang kanilang spiritual energy para protektahan ang kanilang mga katawan sa atake ng Ink Snake. Ngunit walang nagawa ang kanilang spiritual energy sa mga ahas. Maliliksi ang mga ito. Dumulas ang mga ahas sa kuwelyo at nagngingit ang sakit na dulot nito sa kanilang mga balat!

Walang naitulong kahit kaunti ang mga spiritual energy ng ito!

Hindi lang ang mga blue spirit, maging ang pinakamalakas sa kanila. Wala rimg nagawa ang indigo spirit sa kamandag ng Ink Snakes.

Ang mga Ink Snake ay maliliit at mabibilis kumilos. Bago pa man nila ito mahawakan ay nakagapang na ito papasok sa ilalim ng kanilang mga damit. Ilang sandali lang ay kumakalat na ang dugo sa kanilang kasuotan at wala silang nagawa kundi humandusay sa sakit na dulot non.

Tumingin lang sa mga ito ang naglabas ng mga Ink Snake. Hawak nito si Jun Wu Xie sa kaniyang mga kamay. Malapad itong ngumiti nang makita ang naging resulta ng kaniyang gawa.

avataravatar
Next chapter