233 Ikaapat na Sampal (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang hula ni Qin Yu Yan ay ang batang kasama ni Jun Wu Xie ay taga-labas na hiniginan lang nito ng tulong sa foreign powers.

Ngunit iniisip ni Qin Yu Yan ano naman ang maibibigay ni Jun Wu Xie sa foreign powers? Anuman ang ibinigay ni Jun Wu Xie sa mga ito, kaya iyong doblehin ng Qing Yun Clan.

Hindi totoong hindi nabubuwag ang pagkakampihan. Kung mananatiling determinado at tapat ang mga tao, marahil ay hindi sapat ang suhol sa mga ito.

Naniniwala ang Qing Yun Clan na kapag pinqgpilian ang Lin Palace at Qing Yun Clan, di hamak na sila ang mas pipiliin.

Mapanuyang tinignan ito ni Drunk Lotus nang ito ay kaniyang lingunin.

"Tapos ka na ba sa kahibangan mo? Kung tapos ka na, umupo ka at manahimik at mag-antay ng iyong kamatayan! Ni hindi ka nga bagay kahit magbitbit man lang ng aking sapatos!" Gumamit ito ng angkan ng mga tao bilang pain sa ring spirit!? Hindi ba't isang malaking katangahan iyon?

Natigilin si Qin Yu Yan. Wala pang tumatanggi sa Qing Yun Clan kahit kailan. Nagngingitngit ang loob ni Qin Yu Yan ngunit pinili nitong manahimik.

Qing Yun Clan, ang tatlong salitang iyon ay nagmamarka sa kahit sinong makakarinig noon. Ito ang unang beses na sila ay tinanggihan at para itong malaking sampal sa kaniya!

"Drunk Lotus." Tawag ni Jun Wu Xie.

"Dito!"

"Patahimikin ang sumasatsat na iyan." Sumimangot si Jun Wu Xie. Hindi siya interesado sa anumang pakiusap o negosasyon sa kanila ng Qing Yun Clan. Noong galawin ng mga ito ang mag-amang Jun, nagdesisyon na rin ang mga itong mamatay.

Bakit siya makikinig sa mga mamamatay na?

"Opo, Miss!" Napangisi si Drunk Lotus ng marinig ang utos ni Jun Wu Xie. Bumakas ang itsurang mangpapatay ng tao sa mga mata ni Drunk Lotus. Bigla namang lumapit kay Jiang Chen Qing si Little Black at handa nang umatake.

"Little Black."

"MEOW... ROARRRR!!"

"Sunduin mo siya." Kalmadong utos ni Jun Wu Xie.

Ang isip ng black beast ay diretsong nakakonekta sa isip ni Jun Wu Xie kaya alam niya agad ang ibig nitong sabihin. Walang iba kundi si Mo Qian Yuan na nasa bingit ng kamatayan!

Kumaripas agad si Little Black patungo sa gitna ng main hall kung nasaan si Mo Qian Yuan.

Walang ibang magawa si Qin Yu Yan kundi ang manood lang. Hindi niya akalaing susunod agad sa kaniya ang makapangyarihang bata na hindi na kailangan ng anumang suhol. Agad lang itong tumalima at handa nang pumatay!

Hindi papaligtasin ni Jun Wu Xie ang Qing Yun Clan sa kaniyang galit anuman ang mangyari!

"Jun Wu Xie! Huwag kang masyadong mayabang! Ang lakas ng loob mong kalabanin kami! Makinig kayong lahat! Kung sino man ang makakapugot sa ulo ni Jun Wu Xie at ni Drunk Lotus ay tatanawin naming malaking utang na loob. Bilang kabayaran, tutuparin namin anuman ang maging kahilingan niyo sa hinaharap. Makakarating ang usapang ito sa aking ama!" Nag-aamok si Qin Yu Yan kung kaya't nagbitaw siya ng salita at pangako!

Kaunti lang ang Qing Yun Clan disciples na naroroon. At ang mahigit sampung delegado na taga-ibang angkan ay naroroon lamang dahil sa imbitasyon ng Qing Yun Clan at dahil kailangan din nila ang tulong ng Qing Yun Clan. Dahil sa pangako ng Qing Yun Clan, hindi sila nagdalawang-isip na umatake at kumilos!

Mabilis ang mga itong tumayo at handa nang sundin ang kahilingan ni Qing Yun Clan. Lahat ng mga ito ay nasa blue spirit level maliban sa isa. Katulad ito ni Wen Xin Han na nakarating sa indigo level!

Patuloy na tinitigan ni Qin Yu Yan si Jun Wu Xie habang nagtatagis ang bagang. Nang ibato niya ang kaniyang alok patungkol kay Jun Wu Xie, naisantabi niya ang gwapong nilalang sa likod ni Jun Wu Xie.

Nanatiling tahimik ang lalaking iyon at wala siyang kaalam-alam tungkol dito. Handa siyang dalhin ito sa Qing Yun Clan pagkatapos niyang itumba si Jun Wu Xie.

Nagyeyelo ang mga tingin ni Qin Yu Yan. Napakarami niyang sisidlan ng medisina para dito!

avataravatar
Next chapter