720 Ika-walong Sampal (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang araw na iyon ay nagkakagulo sa Zephyr Academy. Dahil iyon na ang katapusan ng taon

dapat ay hinihintay nila ang mga bagong pasok mula sa mga napili sa branch division, bago ang

magaganap na annual Spirit Battle Tournament at lahat ay masayang uuwi sa kanilang mga

tahanan pagkatapos at muling magsasama-sama sa susunod na taon.

Ngunit biglang nagbigay ng pahayag si Ning Rui na lahat ng disipulo ng Zephyr Academy ay

kailangan makilahok sa bagong pagsubok para sa kanilang pagsasanay,at dahil ang lugar ay

malayo sa Zephyr Academy, nangangailangan ng isang buwan na paglalakbay papunta doon at

pabalik, kaya ang lahat sa Zephyr Academy ay kailangan maghanda upang umalis pagkatapos

ng tatlong araw.

Pinaalalahanan din ni Ning Rui ang mga disipulo na ihandang maigi ang kanilang mga sarili,

dahil ayon sa kaniya sa pagkakataon na iyon ang pagsasanay ay hindi gaganapin sa Battle Spirit

Forest, kundi sa ibaba ng isang great cliff.

Nang kumalat ang balitang iyon, ang noo'y magulo ng Zephyr Academy ay biglang sumabog.

Ang mga munting alon ng damdamin dahil sa matinding pagkagulat ng malaman ang

pagpaslang sa Headmaster ay hindi pa tuluyang kumakalma at ang Academy ay binato silang

muli ng isang bomba. Ang mga disipulo na nagsimula ng maghanda para sa kanilang pag-uwi ay

nagsimulang dumaing at humagulgol ng protesta.

Subalit, ang kasalukuyang namumuno sa Zephyr Academy ay hindi na ang mabait at

mapagkawanggawa na si Fan Qi, kundi si Ning Rui na.

Nang si Ning Rui ay Vice Headmaster pa lamang, ang kaniyang kilos ay naging mabuti din.

Ngunit ng mapaslang si Fan Qi, at si Ning Rui ay naging Acting Headmaster, ang pamumuno

niya sa academy ay naging malupit at strikto. At idagdag pa doon ay ang pagdating ni Gu Ying

na walang awa sa pagpaslang kung gusto niya!

Kamakailan lamang, ang Zephyr Academy ay nagkaroon ng maraming kaso ng mga

nawawalang disipulo, at karamihan sa kanila ay alam na ang mga nawawalang disipulo na iyon

ay walang awa na pinaslang ni Gu Ying. Sa simula, ang iba ay nagtungo kay Ning Rui upang

magmakaawa na humingi ng hustisya para sa mga pinaslang, ngunit ng makita nang lahat ang

mga katawan ng mga nagrereklamo na itinapn sa tarangkahan ng Zephyr Academy ng

sumunod na araw, wala na ni isa man sa kanila ang nagtangkang magsalita pa tungkol doon.

Malinaw na nilang napagtanto na si Ning Rui ay kasabwat ni Gu Ying, at kahit anuman ang

gawin nilang iyak at pagtangis, ay hinsi sila papanigan ni Ning Rui.

Sa mga ganitong pagkakataon na nangungulila sila sa mabait na si Fan Qi na handa silang

protektahan anuman ang mangyari. Takot at aligaga, wala ni isa man sa kanila ang hindi

humiling na sana ay matapos na ang taon sa eskwelahan upang makauwi na sila at makalayo

sa mamamatay tao.

Ngunit sa nalalapit na araw na iyon, bigla na lamang maiisip ni Ning Rui na maglalakbay sila

para sa kanilang pagsasanay!

Marami sa kanila ang labag ang kalooban doon, ngunit sa tuwing makikita nila si Gu Ying na

nakatayo sa tabi ni Ning Rui, wala silang magawa kundi lunukin ang mga protesta nila. Mabigat

ang mga paa na sumunod sila, ang mga ulo ay nakayuko upang maghanda ng kanilang mga

gamit para sa mahabang paglalakbay na magsisimula pagkatapos ng tatlong araw.

Ang biglaan at sariling desisyon ni Ning Rui tungkol sa pagsasanay ay hindi maintindihan ni

Nangong Xu. Nagtungo siya sa opisina nito upang makipagkita kay Ning Rui ng ilang beses

ngunit palagi siyang pinipigilan ni Gongcheng Lei na nagbabatay sa labas ng pintuan.

At dahil isang araw na lamang ang natitira bago sila umalis, hindi na mapigilan ni Nangong Xu

ang kaniyang sarili kaya hinagis niya si Gongcheng Lei palayo sa pintuan at malakas na sinipa

ang pintuan ng opisina ni Ning Rui!

Sa loob ng opisina ay makikitang nakaupo sa likod ng lamesa si Ning Rui at sa ibabaw ng

lamesang iyon ay ang abo na katawan ni Ning Xi na nakalagay sa kahon. Itinaas ni Ning Rui ang

kaniyang ulo ng makita si Nangong Xu na papasok sa opisina, ang paligid ng mata niya ay

nangingitim at tila pagod na pagod ito.

Puno ng galit si Nangong Xu ngunit ng makita niya ang kaawa-awang anyo ni Ning Rui ay saglit

siyang nagulantang.

"Vice Headmaster... Anong nangyari sa'yo?" nakita ni Nangong Xu si Ning Rui na tila hinigop

lahat ng lakas nito ang lahat ng galit na gusto niyang sabihin kanina ay bumikig sa kaniyang

lalamunan.

Tumaas ng kaunti ang kilay ni Ning Rui ng tumingin siya kay Nangong Xu at sinabing: "Tila

nakakalimutan mo ata Senior Nangong na dapat mo na akong tawagin na Headmaster."

Habang sinasabi iyon ay marahan na itinabi ni Ning Rui ang abo ni Ning Xin.

Sumagot si Nangong Xu: "Sige, Headmaster. Ngayon, pwede ba ipaliwanag ng Headmaster ang

lahat sa akin? Ano ang tungkol sa mapa na ito?" tanong ni Nangong Xu, ibinalibag niya ang

isang piraso ng mapa sa lamesa ni Ning Rui.

Ang mapang iyon ay katatanggap lamang niya at ang destinasyon na may marka sa mapa ay

ang lugar kung saan gaganapin ang pagsasanay para sa mga disipulo ng Zephyr Academy.

Sinulyapan siya ni Ning Rui at sinagot: "Ang mapang iyan ay ipinapakita ang lokasyon kung

saan gaganapin ang pagsasanay. Ano ang bumabagabag sa'yo tungkol sa bagay na iyan, Senior

Nangong?"

avataravatar
Next chapter