330 Ika-anim na Sampal (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sino ka?!" Ang galit ni Qin Yue ay napalitan ng takot. Hindi nito alam na patay na si Ke Cang Ju at ngayon ay ginaya ng ibang tao! Kailan pa ito nagsimula? Kailan pa nangyari ng ang kaniyang Ke Cang Ju na hinaharap ay ito pinalitan nitong binatilyo sa kaniyang harapan!

Higit sa lahat, wala siyang napansing kakaiba dito!

Dahil sa hindi niya malaman kung ano ang nangyayari, mas lalo siyang nilulukob ng takot.

"Narito kami para kunin ang iyong buhay!" Tumitig si Jun Wu Xie kay Qin Yue, inoobserbahan nito ang takot sa mukha nito.

Ang nangungunang angkan sa lahat, ang Sovereign ng Qing Yun Clan, na may Mukhang binabalot ng takot ay labis niyang ikinatutuwa.

At naniniwalang siyang ang takot na iyon ay mananatili dito hanggang sa kamatayan nito!

"Anong katapangan iyon?! Buong oras, ginagawa mo lang si Ke Cang Ju!? Ikaw ang responsable sa pagpatay ng mga disipulo ng bawat pangkat!" Saad ni Qin Yue habang nagtatagis ang mga ngipin nito. May bumakas na pag-asa sa kabila ng takot nito!

Kung si Ke Cang Ju ay ang lalaking nasa kaniyang harapan, magagawa niyang ibato dito ang lahat ng sisi ng mga Elder at dito magalit!

"Ako ang nagbigay ng suhestiyong iyon." Sagot ni Jun Wu Xie kay Qin Yue habang nakangiti.

"Napakatuso mo! Nangahas kang magtanim ng galit sa pagitan ngg Sovereign at ng kaniyang mga Elder!? Mga Elder, narinig niyo siya, ang lahat ng ito ay sila ang salarin! Pinagplanuhan nilang hatiin ang kapangyarihan ng Qing Yun Clan at lihim na isagawa iyon!" Kumapit si Qin Yue sa kaniyang munting pag-asa at sinubukang akusahan ang mga lalaki!

Gaya ng inaasahan, dahil sa paglantad ni Hua Yao ng kaniyang katauhan, nakabawi ang mga Elder sa kanilang pagkatuliro. Mabilis ang mga pangyayari at ito ay nakakagulat at hindi kapanipaniwala. Ang galit kay Qin Yue ay nabaling sa hindi kilalang kaaway.

Malinaw sa mga Elder na sa mga ganitong pagkakataon, dapat silang magkaisa laban sa banta na galing sa labas!

"Naisip ko nang hindi gagawa si Elder Ke ng ganoong kasamaan! Kayo pala ang salarin! Sabihin niyo na ang totoo, ano ang ginawa niyo kay Elder Ke!?" Nakita ni Qin Yue na parang Unti-unting humuhupa ang galit ng mga Elder at nabaling niya ang galit ng mga ito.

Kahit sino pa man ang mga batang ito, hindi sila makakalabas ng Blue Cloud Peak ng buhay!

Nagdiwang ang kalooban ni Qin Yue, iniisip na nitong walang gaanong karanasan ang tatlong batang ito. Kung hindi nila inilantad ang kanilang mga sarili at ginamit ang katauhan ni Ke Cang Ju para udyukan ang galit ng mga Elder, siya ang sasalo ng galit ng mga Elder.

Ngunit bago pa man lumala ang sitwasyon nilantad na ng mga baliw na ito ang kanilang sarili na Ikinagulat ng mga Elder, dahilan para humupa ang galit ng mga ito sa kaniya!

Halos humalakhak na si Qin Yue. Ang kalangitan ay nasa kaniyang panig!

Napansin naman iyon ni Jun Wu Xie at lumapad naman ang kaniyang ngiti dahil doon. "Si Ke Cang Ju? Makikita mo siya sa nalalapit na panahon---sa impyerno.''

Nanigas naman si Qin Yue. "Pinatay mo siya?" Nanlalaki ang kaniyang mata sa gulat.

Hindi lingid sa kaalaman ni Qin Yue ang kakayahan ni Ke Cang Ju. Kahit na ang isang blue spirit level ay hindi maitatapat dito. Maaaring wala itong spiritual power, ngunit namumukod tangi ang kakayahan nito sa lason!

Ang tatlong batang ito ay hindi kakayaning mapatay ng ganon kadali ang isang katulad ni Ke Cang Ju.

"Oo." Diretsong sagot ni Jun Wu Xie.

Nagsalubong ang kilay ni Qin Yue at nagsalita: "Ang lakas ng loob niyong patayin ang isang Elder ng Qing Yun Clan pati ang aming mga disipulo! At ngayon ay inuudyukan niyo ang mga Elder na magalit saakin! Walang lalabas sa inyo ng buhay!"

avataravatar
Next chapter