819 Huwag Mong Hilingin Ang Kamatayan at Mabubuhay Ka (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ikaw ang bahala? Ngunit… paano mo ito aaksyunan?" Si Lei Chen ay tila hindi naniniwala habang nakatingin kay Jun Wu Xie. Pinaimbestigahan niya si Jun Wu Xie noon, at kahit mayroon siyang taglay na Spirit Healing Technique na kamangha-mangha, hindi pa rin nito mababago ang katotohanan na siya ay isa pa ring paslit.

At ngayon lalong lumala ang sitwasyon na kahit mismong siya ay hindi malaman kung ano ang gagawing susunod na hakbang, anong solusyon kaya ang mayroon si Jun Wu Xie?

"Gusto lamang nilang ipagpatuloy ang gulo. At para matapos na ang gulong ito, simple lang naman ang dapat na gawin."

Nagulat si Lei Chen sa naging sagot ni Jun Wu Xie. Ang kumakalat na balita sa kapitolyo ay dahil ang lahat ng kalaban ni Jun Wu Xie ay isa-isang umaatras sa laban at ang huling disipulo ay hindi lamang umatras sa laban kung hind imaging ang buhay jito ay kinitil rin. Kung gusto nila na mawala ang kumakalat na balita, ang kailangan na lamang nilang gawin ay ang makalaban ni Jun Xie ang susunod niyang kalaban sa kumpetisyon.

Ngunit…

"At dahil ang taong iyan ay ginagamit ang relasyon ko sa Zephyr Academy para makagawa ng isyu, siguradong magpapadala iyon ng tauhan para maging susunod mong kalaban. Kahit na mayroon akong mga tauhan, hindi ito papantay sa galing ng mga iyon…" saad ni Lei Chen. Gusto niya nang matapos an gang gulo ngunit ang taong iyon ay ayaw na tapusin ang gulo kung hindi ay mas lalong sinisilaban at ang taong iyon ay siyang nakaupo sa tuktok ng Yan Country, at hindi kakayan in ng kapangyarihan niya bilang isang tagapagmanang prinsipe na kalabanin ito.

"Hindi kita kailangan." Saad ni Jun Wu Xie.

Nagdududang tiningnan ni Lei Chen si Jun Wu Xie, kuryuso kung ano ang naisip ng batang ito para resolbahin ang suliraning tinutuos. Kung magpatuloy pa rin ang gulong ito, ang kaniyang pangalan at reputasyon ay siguradong mawawasak ng tuluyan habang ang Zephyr Academy naman ay kamumuhian at si Jun Wu Xie na siyang ginamit para sirain siya ay masisira din ang pangalan at reputasyon.

Marami pang gustong itanong si Lei Chgen ngunit mukhang ayaw na siyang kausapin pa ni Jun Wu Xie.

Pagkaalis ni Lei Chen, si Jun Wu Xie ay tinawag kaagad si Fei Yan at tinanong kung sino ang susunod niyang makakalaban.

"Si Zhao Xun mula sa Hua Wan Academy. Bakit ka nagtatanong tungkol sa kaniya?" Tanging ang listahan lamang ng mga pangalan ang nakuhang impormasyon ni Fei Yan para sa Spirit Battle Tournament. At ang magtanong si Jun Wu Xie tungkol sa makalaban nito sa susunod na laro ay pinagtatakahan ni Fei Yan.

Base sa mga nauna niyang dapat na makalaban, ang mga disipulo ay sinasabing umatras dahil sa sobrang takot at dahil sa misteryosong pagkamatay at kung titingnan niya ang mga bagay, si Jun Wu Xie ay maaring hindi rin makakalaban ang susunod nitong katunggali.

"Tulungan mo akong alamin kung saan siya naglalagi nitong mga nakaraang araw." Simpleng utos ni Jun Wu Xie.

Kumibit lang si Fei Yan ng balikat at mabilis na lumisan upang mag imbestiga.

Ang zpirit power ni Zhao Xun ay hindi din ganoon kababa ngunit nag-aaral ito sa hindi kilalang Hua Wan Academy, at hindi rin marami ang nakakakilala dito. At sa Spirit Battle Tournament ngayong taon, naging maganda ang kaniyang pakikipaglaban na nakakuha na ng interes sa iilang talent scount. At higit pa diyan, ang susunod niyang kalaban ay si Jun Wu Xie, ang sentro ng usap-usapan ngayong taon. Sa oras na natapos ang paghahayag ng pag-atras, umalingawngaw ang pangalan ni Zhao Xun.

Sa isang mamahaling kainan sa loob ng Imperial Capital, si Zhao Xun kasama ang ilang mga disipulo ay nasa isang mesa sa ikalawang palapag.

"Ang masasabi kko Senior Zhao, makatunggali mu kinabukasan si Jun Wu Xie, kailangan mong bantayng maigi ang iyong sarili. Sa likod ng batang iyon ay ang kamahalan, ang tagapagmanang prinsipe. Ang ilan na naipares sa batang iyon mabilis na nabili ng pera. Ang dapat niyang kalaban sa nakaraang laban ay… alam mo na." isa sa mga disipulo na kasama niya ay puno ng pag-aalala na pahayag. Ang pangalan ni Jun Wu Xie ay sumikat, hindi dahil sa magandang balita kung hindi dahil kakaibang pangyayari.

avataravatar
Next chapter