824 Huwag mong Hilingin ang Iyong Kamatayan at Ika'y Maliligtas (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Takot na takot si Zhao Xun. Hindi pa siya kailanman nakakahanap ng isang malupit na batang katulad nito. 

"Magsalita ka." Malamig ang pagkakasambit ni Jun Wu Xie sa mga salitang iyon. 

Nanginig si Zhao Xun at agad na inilahad ang kaniyang nalalaman. 

Sinabi nitong may nakausap itong black robed man noong gabing matapos ang draw lots at siya ay pabalik sa inn. May inutusan itong mga tauhan para siya ay kunin at hindi ito nagpakilala. Sinabi nito kay Zhao Xun na kapag naisagawa nito ang ipinag-uutos niya, makukuha ni Zhao Xun ang anumang Hilingin nito. 

"Hindi niya sinabi kung sino siya, sinabi niya lang na tawagin siyang Panginoon. Napansin kong mamahalin ang kaniyang suot, at ang kaniyang mga tauhan ay malalakas. Inutusan niya rin akong magkalat ng balita laban sa Crown Prince. Tingin ko ay may mataas din siyang posisyon." Pagkukwento ni Zhao Xun. Noong una ay naghihinala din siya sa black robed man dahil wala namang mangangahas na sumalungat sa Crown Prince. Ngunit nang malaman niya ang sinapit ng nauna nitong kinausap ay wala siyang nagawa kundi ang sundin ito. Hindi na siya nagtanong pa. 

"Sinabi niyang kapag hindi ko ginawa ang pinag-uutos niya, kalimutan ko na raw kung paano mabuhay! Hindi na ako nangahas na hindi siya sundin!" Umiiyak na saad ni Zhao Xun. 

Hindi naman sumagot si Jun Wu Xie sa mahabang pahayag ni Zhao Xun. Nakatingin lang ito sa sahig at mukhang nag-iisip. Ang mga sinabi ni Zhao Xun ay malapit sa kaniyang hinuha. Kung ang intensyon ng salarin ay gamitin ang Spirit Battle Tournament para yurakan ang pangalan ni Lei Chen, ibig sabihin nito ay halos pareho sila ng pag-iisip ng dating Emperor ng Qi Kingdom. Siguro ay pinag-utusan lang din ang lalaking nakausap ni Zhao Xun. 

"Brother Hua." Tawag ni Jun Wu Xie. 

Lumapit naman si Hua Yao. 

"Napag-aralan mo bang maigi ang kaniyang itsura?" Saad ni Jun Wu Xie na ang tinuturo ay ang nakahandusay sa sahig na si Zhao Xun. 

"Oo." Sagot ni Hua Yao matapos na suriin saglit ni Hua Yao si Zhao Xun. 

Marahang Tumango si Jun Wu Xie at muling tiningnan si Zhao Xun. Umalingawngaw ang kaniyang malamig na boses. 

"Pwede ka nang mamatay." 

Nagulat si Zhao Xun at pinilit na bumangon. "Si...sinabi ko nang lahat...Sinabi ko na lahat ng nalalaman ko...bakit...Hindi niyo ako pwedeng patayin..." 

Isang malakas na pagkabali ang narinig at walang kahirap-hirap na binali ni Qiao Chu ang leeg ni Zhao Xun. 

Bumagsak si Zhao Xun sa sahig. 

avataravatar
Next chapter