821 Huwag mong Hilingin ang Iyong Kamatayan at Ika'y Maliligtas (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ang mga ipinag-uutos saakin ng aking Panginoon ay maayos na isasagawa. Bukas, ipagpapatuloy kong ipagkalat ang tungol doon at ipinapangako kong hindi kita bibiguin." Saad ni Zhao Xun. 

Tumango ang black robed man at agad na umalis. 

Nang makaalis ang lalaki ay nakahinga ng maluwag si Zhao Xun. 

Kapag maayos nang naisagawa lahat, naghihintay sa kaniya ang kaban-kaban ng yaman! 

Sumisipol-sipol si Zhao Xun habang pabalik sa academy's inn. Ang galak sa kaniyang mukha ay animo walang haharapin kaaway. Nagsimula namang magbulung-bulungan ang mga kapwa disipulo nito. Naghihinala ang mga itong natanggap ni Zhao Xun ang "Crown Prince's benefits" at hindi nito itutuloy ang laban nito bukas, kaya heto ito ngayon at parang kampanteng-kampante. 

Noong lumalalim na ang gabi, masayang bumalik si Zhao Xun sa kaniyang kwarto. Nag-iisip na itong siya ay magkakaroon ng mahimbing na tulog bago niya isagawa ang ipinag-uutos sa kaniya. Ngunit nang kaniyang itulak ang pinto ng kaniyang kwarto naabutan niyang sobrang dilim ng silid. May nagsindi ng kandila sa loob. 

Nakita niya ang ilang hindi pamilyar na mukha ng mga kabataan sa kaniyang silid! 

"Sino kayo?" Gulat na tanong ni Zhao Xun. Nakatitig ito sa mga taong nasa kaniyang harapan. 

"Mukhang hindi mo kami nakikilala." Saad ng isang binatang nakaupo sa upuan habang nakatitig kay Zhao Xun. Agad namang isinara do ng isa pang lalaki ang pinto sa tabi ni Zhao Xun. 

"Anong kailangan niyo?" Tanong ni Zhao Xun, nagsisimula na itong kabahan. Muli itong tumingin sa grupong nasa kaniyang harapan at napagtanto niyang nakasuot ang mga ito ng uniporme Zephyr Academy! 

"Taga-Zephyr Academy kayo?" Agad na tanong ni Zhao Xun. 

"Para mas eksakto, ako ang makakalaban mo bukas." Saad ng lalaking nakaupo. 

Nagulat si Zhao Xun na tinignan ang lalaking sa tingin niya ay nasa labing-apat na taong gulang. Nanlaki ang kaniyang mga mata. "Ikaw si Jun Xie?!" 

Tumango naman si Jun Wu Xie. 

Namuo ang butil-butil na pawis sa noo ni Zhao Xun. Tumingin siya sa tatlo pang nasa silid at nahulaan na niya agad kung sino ang mga iyon. 

"Maaari ko bang itanong kung ano ang inyong pakay sa pagbisita sa aking silid, Young Master Jun?" Pinipilit na kumalma ni Zhao Xun. Hindi siya pamilyar sa mga taga Zephyr Academy, nang kaniyang mapagtantong haharapin niya si Jun Xie sa kaniyang susunod na laban ay nag-alala siya. Ngunit nang siya ay lapit ng Panginoon, nawala ang lahat ng kaniyang agam-agam. Ngunit hindi niya inaasahang sa gabi bago ng kanilang laban ay makakaharap niya si Jun Xie! 

"Wala naman. Narito lang ako para tanungin ka kung sisipot ka ba bukas sa kompetisyon." Mahinang tanong ni Jun Wu Xie. Walang bakas ng kahit anong emosyon ang mga mata nito. 

Nang marinig ni Zhao Xun ang mga salitang iyon, agad itong ngumiti. Tungkol lang pala sa kompetisyon bukas ang ipinunta nito! 

Nakakamangha ang ipinapakita ng galing ng Zephyr Academy sa Spirit Battle Tournament ngayong taon, maliban kay Jun Xie na hindi pa nakikipaglaban kahit isang beses. Ang mga kasama nito ay malalakas. Simula sa unang round, wala pang ginagawa si Jun Xie. Narinig niyang may kaugnayan si Jun Xie sa Crown Prince. Ang tanging alam lang ni Zhao Xun ay si Jun Xie ang pinakabata sa kompetisyong ito. Ngunit dahil wala pang kahit isang laban si Jun Xie na kinabilangan, naisip niyang hindi ito kasing lakas ng tatlo nitong kasamahan. 

avataravatar
Next chapter