98 Hukbo ng Rui Lin (Pangatlong Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Jun Wu Xie, magmula ng kanyang muling pagkasilang, ay nakarinig na ng marami tungkol sa hukbo ng Rui Lin at ngayon, nakita na niya ito gamit ang kanyang sariling mga mata.

Isang daang libong pangat ang nagsasanay sa ilalim ng nakasisilaw na araw, at walang maririnig na kahit anong reklamo. Hindi maniniwala si Jun Wu Xie hanggang sa nasaksihan niya ng sarili nyang mata ay katakot takot at napakadisiplinang hukbo!

"Ang hukbo ng Rui Lin na isang buo, kayang pabagsakin ang kalabam, at hiwahiwalay ay kayang kunin ang ulo ng heneral ng kalaban. Tandaan mo to, Wu XIe, walang hukbo sa Qi ang kayang tumugma sa kahit praksyon ng hukbo ng Rui Lin. Kaya tayo hinahayaan ng emperador sa ating palasyo dahil tayo ang tagapagutos sa napakahirap talunin na hukbo!" Di na makikita ang malambing na titig ng kayang tiyuhin, kung hindi ang titig lamang ng isang komander ng isang hukbo. Matatag at mapagmataas.

Kahit anong sundalo ang piliin mo sa hukbo ay kayang pagsabay sabayin ang limang malaking lalaki sa isang laban. Maraming nagtataka kung ano ang naibigay natin para makomanda ang isang napakahirap talunin na hukbong handang lumaban para sa pamilya natin.

Walang may alam.

Maraming nagtangkang kumuha ng tao sa hukbo ng Rui Lin, at sila'y namatay o napatalsik papalayo.

Sila ang pinakamatalas na espada na kahit kailan ay hindi babaliktad sa pamilya ng Jun!

"Naiintindihan ko po, tito." Sagot ni Jun Wu Xie, tinatago ang kanyang pagkamangha. Ang paglakbay patungo sa hukbo ng Rui Lin ay hindi lang basta pasyal, dahil dito ay napagdesisyunan ni Jun Qing na karapat dapat na si Jun Wu Xie na malaman ang kanilang mahusay na hukbo, at hindi na lamang siya isang inosenteng mangmang, ngunit isang haligi na ng pamilyang Jun.

They are the sharpest blade, a blade that will never point at the Jun Family!

Lumambot ang titig ni Jun Qing at tumango.

"Ang pagpunta natin sa hukbong ito, ay intensyon namin ng lolo mo. May kailangan kaming ibigay saiyo."

May sinenyas si Jun Qing kay Long Qi.

May inabot na isang maleta kay Jun Wu Xie.

Nakabalangkas sa maleta gamit ang pilak na sinulid ay isang Qilin, na nakatuntong sa mga ulap. May tatlong tubo, kasing lapad ng kanyang daliri sa loob ng maleta at napatingin si Jun Wu Xie sa kanyang tiyuhin ng may pagtaka.

Nagpaliwanag ang kanyang tiyuhin. "Yan ang Soaring Cloud Signals ng hukbo ng Rui Lin. Pag hinatak mo ang baras sa Soaring Cloud Signal at isang pagsiklab na apoy ang iilaw sa langit, pagdala ng hukbo ng Rui Lin papunta sayo. Nagalala kami ng lolo mo, na baka ika'y hindi masyadong magisip pag binigay namin ito sa kabataan mo, at di mo maintindihan ang bigat ng bagay na ito. Gayunpaman, ginulat mo kami sa malaking pagbabago saiyo and nagkasangayon kami ng lolo mo na kaya mo nang hawakan at maintindihan ang bigat ng Soaring Cloud Signal" Ang tubong ito ay pinakaiingatan ng pamilya ng Jun. Sa sandaling naisiklab ang signal, ang buong hukbo ay kanilang mapapapunta.

Dito naipakita ang tiwalang ibinigay kay Jun Wu Xie galing kay Jun Xian at Jun Qing. Inabot na nila ang pinakamatalas na espada kay Jun Wu Xie.

"Salamat po" ito lang ang nakayanang masabi ni Jun Wu XIe. Magaan lamang yung tatlong maliit na tubo ngunit napakabigat ng implikasyong nakadawit dito.

"Isang pamilya tayo. Hindi kailangan ng mga pasalamat." Ngumiti si Jun Qian, at alam nyang nasa mabuting kamay ito ni Jun Wu Xie.

Kamakailan lang, nasa mabuting relasyon sila ng tagapagmanang prinsipe, at ang kalusugan ng tagapagmanang prinsipe ay gumaganda, pati narin ang kanyang ugali. Ang kanyang reputasyon ay gumaganda pareho sa korte at pati sa mga pangkaraniwang tao. Ito'y isang magandang bagay, ngunit para sa iba, hindi iyon ang lagay.

Poprotektahan ng palasyo ng Lin si Jun Wu Xie sa kahit na anong kapahamakan at kung sino man ang magbabalak at dapat mag isip ng dalawang beses, kung kakayanin ba nila ang kapangyarihan ng hukbo ng Rui Lin na susugod sakanila sa paghihiganti.

avataravatar
Next chapter