1043 Hindi Ko Kailangang Gawin (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa mga salitang sinabi ni Jun Xie, napanatag ang puso ni Xiong Ba at Qing Yu.

Subalit sa apat na salitang sinabi ni Jun Xie, nabigyan sila ng malaking seguridad.

"Sa tingin mo mayroong kakaiba ky Lin Feng ngayong araw? Maganda na ang mga nangyayari subalit

ipinipilit niyang hanapin ang sariling kamatayan sa mga kamay ng matandang si Qu Xin Rui? Karaniwan

ay masyado siyang mayabang, ngunit sa harap ni Qu Xin Rui si ay tila isang masunuring tagasilbi. Ngunit

sa araw na ito, parang maling gamot ang kaniyang ininom at parang nawala sa sariling pag-iisip. Dahil sa

napanatag na ang loob ni Xiong Ba, mabilis niyang inilipat ang kanilang pinag-uusapan.

Ang mga ikinikilos ni Lin Feng ngayon araw ay ikina-bigla ng lahat sa salu-salo.

Ang mapangahas na pagsubok na sampalin si Qu Xin Rui sa mukha sa mismong kaarawan niya, tanging si

Lin Feng ang kauna-unahang gumawa noon sa buong Thousand Beast City. Dahil si Xiong Ba ay hindi

talaga gusto si Lin Feng, ikinagalak niya nang masaksihan ang galit ni Qu Xin Rui.

"Talagang maling gamot ang kaniyang nainom." Walang emosiyong sinabi sa kaniya ni Jun Wu Xie, ang

mga gilid ng labi niya na ngumiti na para bang nanunya.

Walang nakaka-alam ng nag-alok ng tagay si Lin Feng, nilagyan niya ng gamot ang alak.

Nang inilabas ang mga baso ng alak, nalagyan na ito ng lason. Walang kahit sino ang makakapansin nito,

ngunit napansin ni Jun Wu Xie na mayroon kahina-hinala sa amoy. Ang mahinang amoy ng lason ay

natabunan ng amoy ng alak at pwedeng paghinalaang pabango ito ng alak ngunit hindi ito nakatakas sa

pang-amoy ni Jun Wu Xie.

Isang malaking panghihinayang, sa ilalim ng kalangitan, wala pang lason ang nagagawa para mapatay

siya.

At dahil tinangkang subukin ni Lin Feng ang ganoong laro, hindi pwedeng hindi niya ibalik ang pabor.

Lahat ng pador na ibinigay sayo ay dapat na ibalik mo din, at iyon ang "nararapat" na gawin.

Nang ibinuhos ni Jun Wu Xie ang alak para ky Lin Feng, kinuha na niya ang pilak na karayom at itinago sa

gitna ng daliri. Sa ilalim ng takip ng alam, binuhos niya ang alak sa dulo ng karayom bago ito mahulog sa

kopa ni Lin Feng. Masyadong maliit ang kaniyang pilak na karayum kung kaya walang kahit na isa sa mga

naroon ang nakapansin dito.

Tinitigan ni Qing Yu si Jun Wu Xie. Pinagtibay ng mga binitawang salita ang kaniyang hinala sa loob ng

kaniyang puso at hindi napigilang tanungin ito "Young Master Jun, Ikaw ba…. Nilason mo ba si Lin Feng

kanina?"

Nanlaki ang mga mata ni Xiong Ba. Halatang wala siyang kaonting ideya na kayang lasunin ni Jun Xie si

Lin Feng.

"Mmm." Tumango si Jun Wu Xie at di tinangkang itago.

Ang mukha ni Xiong Ba ay punong-puno ng pagkagulat habang si Qing Yu ay nahulaan na ito ng kaniyang

isip.

"Kaya napaisip ako kung bakit biglang nasiraan ng ulo si Lin Feng. Mayroon na akong hinala hanggang sa

makita ko ang mga senyales mo at mabilis kong naintindihan na ikaw ang may kagagawan ng lahat."

Saad ni Qing Yu.

Kung hindi dahil sa sulyap na iyon galing ky Jun Xie, hindi siya tatayo at sabihin ang mga salitang iyon.

"Ano ang ibinigay mo sa kaniya na lason?" Tanong ni Qing Yu.

"Isa lang iyong walang kabuluhan. Hindi niya iyon ikamamatay, ngunit pinapahina nito ang kaniyang

pagpigil sa sarili." Malamig na sabi ni Jun Wu Xie. Hindi maiituturing na lason iyon subalit maapektuhan

nito pag-iisip at emosyon ng tao, hinuhukay nito ang lahat ng negatibo sa loob niya at inilalabas lahat na

pinipilit ng puso na itago. Isa iyon sa mga ginawa niyang gamot base sa kaukulan ng samahan para

gamitin sa miyembro ng kanilang samahan na mayroon itinatagong emosyon sa kanilang sarili at para

mailabas ito. Ang epekto ng gamot na iyon ay napaka-ikli hanggang sa mailabas nila ang nararamdaman,

ang kailangan lang ay katamtamang dami ng paghamon at ang epekto ay mapapawalang bisa, at ang

biktima at babalik sa dating katinuan.

Base sa pinsala, ito ang gamot na may pinaka mababa ang epekto na pwede niyang gamitin.

Ngunit….

Sa ibang pagkakataon, at espesyal na okasyon, pwede itong magdulot ng kakaibang epekto.

Ang walang halaga at masamang katangian ni Qu Xin Rui, bakit niya pahihintulutan na ang isang hindi

importanteng bata gaya ni Lin Feng ay magalit sa piging ng kaniyang kaarawan?

avataravatar
Next chapter