1054 Hindi ka Nilalamig? Ako Oo (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakahinga ng maluwag ang itim na pusa nang makita niyang napakalma na ni Jun Wu Yao ang kaniyang Mistress.

Kahit na takot na takot siya sa Demon Lord, masasabi niyang kakaiba ang epektong naidudulot nito sa kaniyang Mistress.

Pasimpleng nagpunas ng luha ang itim na pusa. Naramdaman niyang maaagaw sa kaniya ang kaniyang Mistress at hindi niya maiwasang maramdaman ang paninikip sa kaniyang dibdib.

"Kailangan ko munang magbihis." Maya-maya ay sabi ni Jun Wu Xie. Basa pa rin ang kaniyang damit na suot.

"Sige." Agad na kumalas sa pagkakayakap si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie.

Nang mapag-isa na si Jun Wu Xie sa silid, nakatitig siya sa nakasaradong pinto. Sa hindi niya malamang dahilan ang kaninang nagngangalit niyang kalamnan dahil sa inis ay biglang humupa nang dumating si Jun Wu Yao.

Nang makalabas si Jun Wu Yao sa silid ay agad naglaho ang ngiti sa mukha ni Jun Wu Yao.

Agad ding sumulpot sila Ye Sha at Ye Mei at lumuhod sa harap ni Jun Wu Yao.

"Lord Jue."

Nagsalubong ang mga kilay ni Jun Wu Yao. Nagawa nitong iangat si Ye Sha na malayo dito!

Mayroong itim na usok na hugis kamay ang nakapalibot sa leeg ni Ye Sha.

"Nandoon ka ba nung mga oras na iyon?" Nakakakilabot ang boses ni Jun Wu Yao sa mga oras na iyon.

"Opo…" Nahihirapan nang huminga si Ye Sha. Namumutla na rin ang mukha nito.

"At wala ka man lang ginawa?" Galit na tanong ni Jun Wu Yao. Nanlilisik ang mga mata nito!

"Iyon ang utos ng Young Miss...huwag daw akong kikilos...kapag hindi niya sinabi…"

Sunod ay narinig ang pagtunog ng mga buto sa leeg ni Ye Sha. Si Ye Sha na nakaluhod sa tabi nito ay pinagpapawisan na rin ng malagkit.

Wala pang sinuman ang nakayang labanan ang galit ni Jun Wu Yao.

Bago pa tuluyang maputol ang leeg ni Ye Sha ay binitwan iyon ni Jun Wu Yao. Bumagsak ito sa sahig.

"Kung mangyari ulit iyon sa susunod, sisiguraduhin kong ikakamatay mo na iyon." Malamig na saad ni Jun Wu Yao.

Hindi inalintana ni Ye Sha ang sakit na kaniyang nararamdaman sa kaniyang leeg. Agad itong lumuhod at nagsalita. "Inaamin kong ang iyong lingkod ay nabigong gawin ang kaniyang tungkulin. Kung mangyayari ulit iyon sa susunod, handa akong ibayad ang aking buhay."

Laging kalmado si Jun Wu Xie, kaya naman nang lumapit si Qu Xin Rui dito ay wala itong gaanong reaksyon. Nagpatuloy lang si Ye Sha sa pag-oobserba sa sitwasyon. Nang makita ni Ye Sha na dinampian ni Qu Xin Rui ng halik si Jun Wu Xie sa pisngi, kikilos sana si Ye Sha ngunit naalala niya ang utos ni Jun Wu Xie bago sila nagtungo sa Heavenly Cloud Chambers.

Ngunit nang sundan ni Ye Sha si Jun Wu Xie sa silid, doon pa lang niya napagtantong hindi pala alam ni Jun Wu Xie kung ano ang tamang reaksyon nito sa nangyari. 

Sinisi ni Ye Sha ang kaniyang sarili dahil hinayaan niyang mangyari iyon.

Muling nagsalita si Jun Wu Yao. "Kung hindi dahil sa niligtas mo ang buhay ni Little Xie noon, pinatay na kita ngayon."

Nanatiling tahimik si Ye Sha. Tungkol sa nauna niyang buhay, wala siyang gaanong matandaan. Hindi niya maalalang niligtas niya ang buhay ni Jun Wu Xie noon.

avataravatar
Next chapter