1052 Hindi ka Nilalamig? Ako Oo (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Biglang nanlisik ang mga mata ni Jun Wu Yao!

Kahit na alam ng itim na pusa na hindi para sa kaniya ang panlilisik ng mga matang iyon, nanginig pa rin siya sa takot ng masalubong niya ang mga tinging iyon!

Sinakop ni Jun Wu Yao ang mukha ni Jun Wu Xie at inangat iyon. Nang masalubong ang kanilang mga tingin ay agad naglaho ang galit sa kaniyang mga mata at siya ay napangiti na lang.

"Matandang babae lang naman iyon. Babae pa rin naman si Little Xie hindi ba?" Pang-aasar ni Jun Wu Yao.

Umiling-iling si Jun Wu Xie.

"Nakakadiri pa rin."

Hindi alam ni Jun Wu Xie kung bakit diring-diri siya sa tuwing naaalala niya iyon. Sa mga halik ni Jun Wu Yao sa kaniyang noo noon ay kailanman hindi siya nakaramdam ng pandidiri. Ngunit nang halikan siya ni Qu Xin Rui sa kaniyang mukha ay halos magsuka siya sa sobrang pandidiri.

Noong oras na iyon ay gusto niyang punitin ang mukha ng matandang babae!

Mahinang tumawa si Jun Wu Yao: "Saan ka hinalikan?"

Tinuro ni Jun Wu Xie ang kaniyang pisngi.

Agad na nilapit ni Jun Wu Yao ang kaniyang labi sa parte ng mukhang tinuro ni Jun Wu Xie pagkatapos ay dinampian niya iyon ng halik.

"Nandidiri ka pa rin ba?" Tanong ni Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie.

Ilang segundong natigilan si Jun Wu Xie sa kaniyang kinatatayuan at tumingin sa nakangiting si Jun Wu Xie. Ang pandidiring kaniyang nararamdaman ay agad na naglaho at napalitan ng mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.

Umiling si Jun Wu Xie bilang sagot kay Jun Wu Yao.

Muling hinawakan ni Jun Wu Yao ang mukha ni Jun Wu Xie at nanunudyong tinanong ito: "Hindi nakakadiri ang halik ko?"

Saglit na nag-isip si Jun Wu Xie saka tumango.

Tumawa ng malakas si Jun Wu Yao at niyakap ng mahigpit si Jun Wu Xie.

"Kung hindi nakakadiri, hahalikan pa kita ng maraming beses para makalimutan mo ang sa matandang babaeng iyon." Agad na dinampian ng mga halik ni Jun Wu Yao ang mukha ni Jun Wu Xie.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Jun Wu Xie dahil sa ginawang 'yon ni Jun Wu Yao. Hindi niya naisip na ang dahilan pala ng kaniyang panlalamig ay dahil sa panlulumbay niya kay Jun Wu Yao. At ngayong nasa bisig siya ni Jun Wu Yao ay ayaw na niyang umalis doon.

"Natanggap ko ang mensaheng dala ni Ye Sha." Biglang sabi ni Jun Wu Yao.

Naguguluhang tumingin si Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao. Alam niyang nagbabalita si Ye Sha kay Jun Wu Yao ng mga nangyayari sa kanila gamit ang Ink Snakes...pero siya ay bihira makatanggap ng balita tungkol kay Jun Wu Yao.

Wala siyang alam sa pinagkakaabalahan ni Jun Wu Yao, noon ay wala siyang pakialam ngunit ngayon ay may parte sa kaniyang gusto niyang malaman.

"Ang sabi niya ay na-mimiss mo daw ako?" Tudyo ni Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie. Ang kaniyang itim na itim na mata ay diretsong nakatitig sa mga mata ni Jun Wu Xie. 

Sa mga oras na iyon ay wala siyang ibang nakikita kundi si Jun Wu Xie lang.

Bumuka ang bibig ni Jun Wu Xie ngunit walang katagang lumabas sa kaniyang bibig. Marahan lang siyang tumango bilang sagot.

Biglang nagbago ang mga mata ni Jun Wu Yao. Ang itim na itim na mga mata nito ay nagkulay-lila.

"Saan ka nagpunta?" Tanong ni Jun Wu Xie. Seryoso siyang nakatingin kay Jun Wu Yao.

avataravatar
Next chapter