1051 Hindi ka Nilalamig? Ako Oo (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isang baritonong boses ang umalingawngaw sa silid. Natigil si Jun Wu Xie sa kaniyang ginagawa. Nanatili siyang nakatayo doon habang nakatitig sa namumula niyang kamay na inaagusan ng malamig na tubig.

Isang gwapong binata ang lumapit kay Jun Wu Xie. Inabot nito ang kamay ni Jun Wu Xie at inalis iyon sa tubig.

Napakalamig ng kamay ni Jun Wu Xie at halos manigas na iyon. Ngunit ang malaking kamay na nakadaop sa mga kamay ni Jun Wu Xie ay nagdudulot ng init.

"Napakalamig, hindi mo ba maramdaman?" Tanong ng gwapong binata. Malamlam ang tingin nito kay Jun Wu Xie dahilan para ang maputi nitong mukha ay mamula.

"Ayos lang." Mahinang sagot ni Jun Wu Xie.

"Pero Nilalamig ako."

Hindi sumagot si Jun Wu Xie.

Sa sumunod na sandali ay nakakulong na si Jun Wu Xie sa yakap ng gwapong binatang iyon.

Nag-iinit ang buong katawan ni Jun Wu Xie hanggang sa pati ang kaniyang mga daliri ay nararamdaman iyon. Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang maamong tingin ni Jun Wu Yao.

Gustong kumawala ni Jun Wu Xie sa bisig na nakayapos sa kaniya ngunit parang ayaw siyang sundin ng kaniyang katawan. Walang nagawa si Jun Wu Xie kundi ang kusang sumiksik sa matipunong dibdib na iyon.

Natupok ang lamig na kanina ay nararamdaman niya at napalitan iyon ng init.

"Lamig." Nakasimangot na saad ni Jun Wu Xie.

Tiningnan ni Jun Wu Yao ang namumutlang mukha ni Jun Wu Xie pagkatapos ay ngumiti. Inabot niya ang kamay ni Jun Wu Xie at hinawakan iyon. Ilang sandali lang ang lumipas at napalitan ng init ang nagyeyelong pakiramdam kanina ni Jun Wu Xie.

"Ngayon mo lang naramdaman na malamig. Pero bakit hindi mo iniwasan kanina?" Nakaangat ang isang kilay na tanong ni Jun Wu Yao.

Nanigas ang labi ni Jun Wu Xie at yumuko na lang.

Napansin ni Jun Wu Yao na kakaiba ang ikinikilos ngayon ni Jun Wu Xie. Matagal-tagal din siyang nawala kaya napansin niya ang pagbabago sa mga kilos ni Jun Wu Xie.

Noon, sa tuwing sila ay magtatagpo ulit, namumula ang mukha nito ngunit hindi ito ganito kalamig makitungo. Ngunit ngayon, hindi lang ang balat nito ang nanlalamig kundi pati ang tinging binibigay nito. 

Hinila ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie at niyakap ito para palisin ang panlalamig na nararamdaman nito. Napansin naman ni Jun Wu Yao ang itim na pusa sa kanilang paanan.

Agad na nanginig ang pusa sa tinging binibigay sa kaniya ni Jun Wu Yao. Napakalambing ng tingin ng lalaking ito sa kaniyang Mistress ngunit bakit pagdating sa kaniya ay para itong demonyo!?

Halos manigas sa kaniyang kinatatayuan ang itim na pusa!

Naiintindihan naman ng pusa kung bakit ganon ang tinging ibinibigay sa kaniya ni Jun Wu Yao. Hindi nito pinilit si Jun Wu Xie na magsalita. Kaya naman siya ang iinterogahin nito!

Dahil sa malademonyong tinging natatanggap ng pusa, wala siyang nagawa kundi ang sabihin ang kaniyang nalalaman.

"Ngayon-ngayon lang...erm...isang matandang mangkukulam ang humalik sa Mistress."

avataravatar
Next chapter