749 Hindi Inaasahang Surpresa (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mayroon pang isang buwan bago ang Yan Country's Spirit Battle Tournament. Habang sila ay naghihintay sa pagdating ng araw na iyon, napagdesisyunan nina Qiao Chu na magtungo muna sa Phoenix Academy para balita an si Yan Bu Gui sa kanilang mga susunod na planp.

Espesyal na nagpadala ng sulat si Jun Wu Xie para iabot nina Qiao Chu kay Yan Bu Gui. Hindi siya maaaring sumama dahil patuloy pa rin siya sa paggamot kay Fan Jin at Lord Meh Meh. Sinamahan naman siyang magpaiwan ni Jun Wu Yao at Fan Zhuo sa Zephyr Academy.

Bumubuti na rin ang kalagayan ni Lord Meh Meh ngayon. Ang nasunog at nangitim nitong balat ay unti-unti nang nawawala at may parte nang tinutubuan ng bagong balat. 

Ngunit maaaring dahil sa pagkasunog nito ay hindi pa rin ito tinutubuan ng balahibo. Nawalan ito ng proteksyon sa lamig lalo na ngayon at magtatapos na ang taon, panahon na ng tag-lamig. Madalas nanginginig si Lord Meh Meh at sinisiksik ang sarili sa makakapal na kumot o di kaya'y kay Jun Wu Xie.

Mayroon namang matamang nanonood sa ginagawang iyon ni Lord Meh Meh.

"Maghanap ka ng maaari nitong maisuot." Utos ni Jun Wu Yao kay Ye Sha at Ye Mei habang nakatitig sa nakayakap na tupa sa bisig ni Jun Wu Xie.

Agad namang tumayo sa kinauupuan sina Ye Mei at Ye Sha.

[Saan sila hahanap ng damit na pwedeng isuot ng tupa?]

Nagtaas ng kilay si Jun Wu Xie at tinignan si Jun Wu Yao.

Ngumisi si Jun Wu Yao at sinabing: "Dahil irerepresenta mo nag Zephyr Academy sa Grand Battle Spirit Tournament, kailangan mo din ng panahon para magsanay. At kung iyan ay lagi mong karga, tingin ko ay hindi ka magkakaroon ng sapat na oras."

Parang totoong-totoo ang dahilang sinabi nito!

Kumurap-kurap naman si Jun Wu Xie. Ang kaniyang cultivation ay iba kumpara sa kaniyang mga kasama. Kaya naman hindi makakaapekto ang kaniyang pag karga kay Lord Meh Meh. Para siya ay makapag cultivate ng kaniyang kapangyarihan, kailangan niya lang ilabas ang Snow Lotus at maaari na siyang magpatuloy sa kaniyang ginagawa.

"Tingin ko ay nalalapit nanaman ang pag-angat ng iyong spirit powers, Little Xie?" Tanong ni Jun Wu Yao. Nakatitig ito sa Snow Lotus na nasa mesa.

Tumango naman si Jun Wu Xie bilang sagot.

"Nakapili ka na ba ng ring spirit na gagamitin mo?"

Umiling si Jun Wu Xie.

[Wala siyang panahon para maghanap.]

Agad namang nagbato ng panibagong gawain si Jun Wu Yao kina Ye Sha at Ye Mei. Matapos maghirap ng magkapatid sa pagkuskos ng mga palayok, pagluluto, pag desisyon kung sino sa kanilang dalawa ang magtatahi ng damit para kay Lord Meh Meh, mayroon nanaman silang panibagong gagawin...ang maghanap ng ring spirit na magagamit ni Jun Wu Xie para sa kaniyang spirit power breakthrough!

Hindi magtatagal ay makikilala na sina Ye Mei at Ye Sha sa kanilang husay sa pagluluto, paghuhugas, pagpatay ng mga kaaway at paglagay ng kolorete sa mukha... Lihim na nagpunas ng luha ang dalawa.

[Aking Panginoong Jue, sa iyong antas, nakikipagkumpetensiya ka talaga sa isang Spirit Beast? Yung totoo, kailangan ba talaga iyon?] Matapos na iutos sa kaniyang dalawang alalay ang gawaing iyon, nagkaroon ng dahilan si Jun Wu Yao para kunin sa bisig na Jun Wu Xie si Lord Meh Meh. Inilapag nito si Lord Meh Meh sa makapal na kumot at narinig ang pagprotesta ng tupa. Akmang lalapitan na sana iyon ni Jun Wu Xie.

Ngunit mabilis si Jun Wu Yao, agad na nitong binalot ang kaniyang braso sa bewang ni Jun Wu Xie at lumipad paalis sa kakahuyan.

"Marunong ka bang magtahi?" Tanong ni Ye Sha kay Ye Mei. Nakatitig ito sa kalbong tupa na nakasiksik sa makakapal na mga kumot. Nagkibit-balikat si Ye Mei at sumagot: "Pwede bang bilhin na lang natin?"

Halos mangiyak si Ye Sha nang siya ay sumagot: "Saan naman tayo makakahanap ng damit na magkakasya sa kaniya?"

"Ako na ang magtatahi…"

avataravatar
Next chapter