748 Hindi Inaasahang Surpresa (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Mayroon ka na bang napiling makikilahok?" Tanong muli ni Jun Wu Xie.

Mapait na ngumiti si Fan Jin at umiling. "Halos karamihan sa mga sumali sa Spirit Battle dito sa Zephyr Academy nitong nakaraang taon ay wala na. Hindi ko alam kung ilan na lang sa mga natira ang babalik pa."

Noon ay kasali si Lu Wei Jie at Ning Xin bilang representative ng Zephyr Academy. Pinatalsik si Lu Wei Jie habang si Ning Xin naman ay patay na. Para sa maga natira, hindi sigurado si Fan Jin sa kung ilan pa ang babalik dito.

"Ang naiisip ko lang sa ngayon ay ang sarili ko." Kibit-balikat na saad ni Fan Jin. Ang pagkamatay ng kaniyang ama, ang unos sa academy at mga problemang kinakaharap nito ay nabagsak lahat sa kaniyang balikat. Parang hindi siya makahinga ng maayos dahil sa isiping iyon. Pero kailangan niyang tumayo at magpakatatag kung hindi ay mapupunta sa wala ang dugo at pawis ng kanilang ama.

Nagtaas ng kilay si Jun Wu Xie at isa-isang tiningnan ang grupo. Gaya ng inaasahan, nakuha niya sa mga mata ng kaniyang mga kasamahan ang sagot.

"Kung wala ka nang ibang maisip, pwede mo kaming isali." Kalmadong sagot ni Jun Wu Xie.

Hindi makapaniwalang tumingin si Fan Jin kay Jun Wu Xie.

"A...anong sinabi mo?"

"Tingin mo hindi namin kaya? Alam mo sagot diyan. Kung ipapasok mo kami, sinisiguradong kong isa ka sa mangunguna." Tumatawang saad ni Qiao Chu at inakbayan si Fan Jin.

"Kayo...sigurado ba kayo? Tutulungan niyo talaga ako?" Paniniguro ni Fan Jin. Hindi pa rin ito makapaniwala sa kaniyang narinig. Noong magising siya ay sinabi sa kaniya ni Fan Zhuo na sila ay aalis kasama sila Jun Wu Xie. Hindi sakaniya idinetalye ni Fan Zhuo at hindi na rin siya nagtanong. Kahit na hindi talaga sila magkapatid sa dugo, itinuring na niya si Fan Zhuo na parang tunay na kapatid. Kaya naman hindi na niya kinuwestiyon ang desisyon nito.

Nakahinga ng maluwag si Fan Jin nang marinig niya ang kagustuhan nina Jun Wu Xie na makilahok sa Spirit Battle Tournament bilang representative ng Zephyr Academy.

Alam niya ang husay ni Hua Yao at ng grupo. Bukod pa sa ipinakita ng mga ito sa Spirit Battle na naganap sa loob ng academy, kundi pati na rin ang husay ng mga ito sa labas. Ilang tao ang kailangan para matapatan ang mga ito?

Kung sila ay sasali, makakuha ng magandang resulta ang Zephyr Academy panigurado!

Kapag nangyari iyon, magkakagulo ang mga tao at mga gurong makapasok sa academy!

Hindi maiwasang hindi masabik ni Fan Jin sa isiping iyon!

"Matutulungan din namin ang aming mga sarili habang tinutulungan ka." Saad ni Jun Wu Xie. Pareho nilang makukuha ang kanilang mga gusto. Matutulungan nilang maiangat muli ang pangalan ng Zephyr Academy at sila naman ay magkakaroon ng dahilan para magtungo sa yan Country.

"Nakakatuwa! Magsisimula na akong maghanda! Dahil wala namang naganap na Spirit Battle Tournament ngayong taon, hindi tayo magkakaroon ng problema sa ranking." Malapad ang ngiti ni Fan Jin, halatang labis itong nasisiyahan. Ngayon ay nagkaroon na ito ng pag-asa.

Napayuko si Jun Wu Xie nang makita ang malapad na ngiti ni Fan Jin.

Siguro ay hindi sinadya o masasabing sinasadya talaga. Simula nang magising si Fan Jin ay hindi nila ni minsan binanggit si Ning Rui at Gongcheng Lei. Sinabi lang dito na Fan Zhuo na nakakulong na ang dalawang iyon pero sa mga kilos ni Fan Jin ay parang wala itong alam. Hindi rin naman nila binubuhay ang usapang iyon pwera na lang kung ito mismo ang magsimula.

avataravatar
Next chapter