747 Hindi Inaasahang Surpresa (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Humarap ang Zephyr Academy sa isang malaking unos, at kahit na nalagpasan na nila iyon, nanatili pa rin ang nerbiyos at takot ng mga disipulo.

Malinaw iyon kay Fan Jin. Kahit na hindi nagsasalita ang mga disipulong iyon noong sila ay umuwi para sa isang buwang bakasyon, inaasahan na niyang kalahati na lang ang babalik sa acadmy.

Hinahanda na niya ang kaniyang sarili para doon. Ngunit kapag pati ang mga guro ay hindi rin magsisibalik, ano nang mangyayari sa Zephyr Academy?

Patay na ang kaniyang ama, ang dalawang pinakamalapit na Faculty Member ay trinaydor sila. Humaharap sa isang malaking krisis ang Zephyr Academy ngayon at parang isa pa rin itong panaginip para kay Fan Jin. 

"Dahan-dahan lang, magiging maayos din ang lahat. Ang mahalaga ay buhay pa rin tayo." Pagpapakalma ni Fan Zhuo sa kaniyang kapatid.

Mapait namang ngumiti si Fan Jin at sinabing: "Tama. Kapag naibalik ko ang dating sigla ng Zephyr Academy, maraming tao pa rin ang gugustuhin makapasok dito. Hindi ko hahayaang bumagsak pa ang Zephyr Academy." Ayaw na ni Fna Jin na danasin muli ang kaniyang dinanas noon. "Hindi na ako pwedeng maging mahina. Kailangan kong alagaan ang aking sariling kalusugan para makapaghanda ako sa Spirit Battl Tournament ng iba't-ibang academy sa susunod na taon."

Nakahinga naman ang lahat ng maluwag dahil sa nakikita nilang progreso kay Fan Jin: "Mayroon din palang Spirit Battle Tournament sa pagitan ng iba't-ibang academy?"

Tumango si Fan Jin: "Mayroong kani-kaniyang Spirit Battle

Tournament ang mga academy. Taon-taon ang pangunahing sampu galing sa bawat Academy ay magtutungo sa Yan Country para sa inter-academy competition. Noong nakaraang taon ay isa ang Zephyr Academy sa mga itinanyag."

Nang marinig iyon nina Qiao Chu ay napangisi sila at tumingin kay Fan Jin.

"Saan nga ulit iyon?"

Inulit ni Fan Jin ang kaniyang sinabi: "Yan Country. Ang Yan Country ay ang kasalukuyang pinakamakapangyarihan sa lahat. Ang inter-academy na ito ay sila ang namumuno. Sila ang nagpapadala ng imbitasyon para makisali sa kompetisyong ito. Kung hindi ako nagkakamali, isang buwan na lang mula ngayon ay magsisimula na ulit iiyon."

Ang Spirit Battle Academy sa Zephyr Academy ay hindi natuloy dahil nga sa nangyari nitong nakaraan. At ang top ten noong nakaraang taon ay kalahati na lang ang natira. Nagpapagaling si Fan Jin para mairepresenta niya ang Zephyr Academy sa kompetisyong iyon.

Nagpalitan naman ng tingin sina Qiao Chu at ang grupo.

Naagaw ng mga sinabi ni Fan Jin ang kanilang atensyon dahil ang susunod na mapang kanilang hinahanap ay nasa Yan Country!

"Saan sa Yan Country iyon magaganap?" Tanong naman ni Jun Wu Xie.

Hindi naman napansin ni Fan Jin ang nabuhay na interes sa grupo kaya nagpatuloy ito: "Sa Yan Country's Imperial Capital. Marami ang nakikilahok sa Spirit Battle Tournament at ang punong-abala ay ang Yan Country mismo. Mayroong bali-balitang sikretong nag-oobserba ang Yan Country upang makahanap ng disipulong may angking talento. Lihim nila itong lalapitan at aalukin maging kabilang nila. Hindi ko iyon naranasan noong nakaraang taong sumali ako. Ngunit ayon sa aking narinig may ilang nagpaiwan na sa Yan Country pagkatapos ng Spirit Battle Tournament."

Mas lalong nasabik ang grupo dahil sa kwentong iyon ni Fan Jin.

Mababakas ang tuwa sa mga mata ni Jun Wu Xie. Ang unang plano nila ay sila ay magtutungo sa Yan Country sa oras na magising si Fan Jin. Ngunit ngayon ay para silang itinutulak talaga ng pagkakataon para maparoon. Hindi nila inaasahang ang inter-academy ay magaganap pala sa Yan Country. Maaari silang magtungo doon bilang mga representative ng Zephyr Academy. Sa ganoong paraan, hindi sila makakakuha ng atensyon.

avataravatar
Next chapter