861 Hindi Inaasahang Pagpapahirap (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang tagabilanggo ay binato sa dingding at isang mahinang ungol lang ang narinig mula sa kanya bago siya mahulog sa sahig at mahimatay.

"Roar!" Nakatayo ang itim na halimaw sa gitna ni Jun Wu Xie at ng isa pang tagabilanggo, nakakagat sa latigo.

Nang makita nito ang laki ng halimaw, nanlambot ang kanyang mga tuhod at napaupo siya sa sahig sa takot.

"Sinabihan na kita. Magsisisi ka." Matapos ang dalawang lagutok, ang bakal at ang mga gapos sa mga kamay at paa ni Jun Wu Xie ay nahulog sa sahig. Tumalikod siya para tignan ang lalaking nakaupo sa sahig, at ang isa pang tagabilanggong namumutla ang mukha.

"Ar…." Binuksan palang ng tagabilanggo ang kanyang bibig at nagsalita si Jun Wu Xie: "Isa pang salita, at sasabihin ko sa pusa na punitin ang lalamunan mo."

Nagningning ang mga pangil ng itim na halimaw sa ilaw ng kandila, ang kislap nito'y nagpakilabot sa kanyang katawan.

Takot na takot ang tagabilanggo at muntik na siyang maihi sa kanyang pantalon. Wala na siyang nagawa kundi manatiling nakatago sa sulok ng kwarto at titigan lang si Jun Xie. Ang dalawang mayayabang na mga tagabilanggo ay nakasiguradong walang magagawa si Jun Wu Xie para makatakas mula sa mga gapos. Isang green spirit na hindi makagalaw ay walang magagawa sa kanila, at wala na silang kailangang isipin. Ngunit nakalimutan nila, na maliban sa spirit power ni Jun Xie, ang kanyang ring spirit ay hindi pa nagpapakita sa kanila!

Ang makapangyarihan at malaking itim na halimaw ay lumitaw na parang diyos ng kamatayan, at agad na natakot ang dalawang mapangahas na tagabilanggo.

Ang bagong gapos na inasahan ng mga tagabilanggo ay parang laruan lang sa mga kamay ni Jun Xie. Parang saglit lang ang kinailangan niya para makatakas.

Nakatitig sa itim na halimaw, at sumusulyap sa malayang Jun Xie, ang tagabilanggong may malay pa ay hindi na makakibo, nawala lahat ng yabang.

"Si Lei Fan ba ang nagpautos na pahirapan ako?" Tinanong ni Jun Wu Xie sa nanginginig na tagabilanggo.

"Little Black." Tinawag ni Jun Wu Xie.

Tinaas ng itim na halimaw ang malaki at makapal nitong paa, at hinampas ang dibdib ng tagabilanggo!

Sa sobrang bigat nito, muntik nang sumuka ng dugo ang tagabilanggo. Ang matalas na mga kuko ng halimaw ay bumaon sa dibdib ng tagabilanggo at pumunit sa laman nito!

Isang nakakaawang ungol ang lumabas sa kanyang bibig habang dumadaloy ang dugo sa mga sugat. Ang kanyang mga kamay ay nakakapit sa kanyang dibdib habang siya'y gumagapang dahil sa biglang paghilab ng kanyang katawan.

"Alam ni Little Black kung hanggang saan lang dapat. Nakasisigurado akong pagkatapos mong magpalit, walang makakakita ng mga sugat mo." Sinabi ni Jun Wu Xie ng nakatingin ng malamig sa tagabilanggong namumutla na ang mukha sa kanyang pagbalik ng kanyang mga salita.

"Kapag hindi ka pa nagsalita, hindi ka na makakapagsalita." Mas lumamig pa ang boses ni Jun Wu Xie.

Hindi na nagpigil ang tagabilanggo. Nagatubili lang siya bago siya hampasin ng ring spirit ni Jun Wu Xie. Kapag hindi pa siya nagsalita, papatayin na talaga siya ng binata!

"Ang Pang-apat na Prinsipe! Siya ang nag-utos sa amin! Sinabi niya na alagaan ka namin. Ginoong Jun… Wala talaga kaming balak na pahirapan ka ngayon, ngunit inutos ng Pang-apat na prinsipe, at wala kaming magagawa kundi sumunod!" Para iligtas ang kanyang sarili, wala siyang nagawa kundi sabihin ang tungkol kay Lei Fan.

avataravatar
Next chapter