859 Hindi Inaasahang Pagpapahirap (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan ni Jun Wu Xie ang mga kandado at kadena. Kumpara sa kadenang nasa kaniyang kamay at paa ngayon, ang bago ay mas pahirap. Nagyeyelong nakangiti ang mga mata ni Jun Wu Xie. Tumingin siya kung nasaan nagtatago si Qiao Chu. Inabot niya ang kaniyang mga kamay sa guwardiya.

Nagpalitan ng tingin ang dalawang nagbabantay. Malapad na nakangiti ang mga ito habang tinatanggal ang kasalukuyang kadena ni Jun Wu Xie: "Naging komportable ka ba nitong mga nakaraang araw, Young Master Jun? Wala kang kasama dito sa kulungan, wag kang mag-alala, dahil kaibigan ka ng Crown Prince, pangakong hindi ka namin papahirapan."

"Tama. Kailangan mo lang magtiis ng ilang araw. At kapag humupa na ang tensyon, maaari ka nang makalabas."

Pinipilit ng dalawang guwardiya na kalmahin si Jun Xie. Inilagay nila ang bagong kadena kay Jun Xie. Lihim na sumusulyap ang dalawa sa reaksyon ni Jun Xie. Nang makita nilang parang hindi naghihinala si Jun Xie, nakahinga sila ng maluwag.

Tumunog ang pagkakandado ng dalawang kadenang nasa kamay at paa ni Jun Wu Xie. Ang kaniyang kamay ay nakakadena na ngayon sa kaniyang paa. Naging medyo mahirap iyon para kay Jun Wu Xie.

Tahimik naman na nag-obserba si Qiao Chu sa kaniyang pinagtataguan. Kahit na hindi siya gaanong pamilyar sa kandado at kadenang inilagay kay Jun Wu Xie, tingin pa lang ay alam niyang mas mahihirapan si Jun Wu Xie.

Mahigpit na magkakadikit ang kamay at paa ni Jun Wu Xie. Mahihirapan itong maglakad o kahit umupo man lang. Mukhang hindi iyon ginagamit sa mga ordinaryong preso. 

Matapos masiguro ng dalawang guwardiya na nai kandado nila ang kadena ng maayos, tumayo ang mga ito. Naglaho na ang ngiti sa mga labi ng mga ito. 

Jun Xie, matagal-tagal ka na ring naririto, sigurado akong pamilyar ka na dito. Alam mo bang lahat ng mga nabibihag dito ay nakakatanggap ng tinatawag nilang 'tender loving care'?" Saad ng isang guwardiya. Magkasalubong ang mga kilay nito. Inilabas nito ang isang latigo.

"Mukhang nagiging komportable ang pagtira mo dito Young Master Jun. Katapusan na ng maliligayang araw mo. Kahit na wala kaming intensyon na pahirapan ang buhay mo, hindi maaaring salungatin ang panuntunan ng kulungang ito. Halimbawa nalang itong latigo. Lahat ng bilanggo dito ay natikman ito. Mayroong mga tinik ang lationg ito, isang hampas lang sa'yo nito ay paniguradong matatanggap ang balat mo. Sa makinis mong balat, ilan kaya ang kakayanin mo?" Saad ng guwardiya. Biglang nag-iba ang ekspresyon sa mukha nito. Kitang-kita ang mga tinik na nasa latigo.

"Maaga pa, hindi mo kailangang matakot, Young Master Jun. Ngayong gabi, hahayaan ka naming maging pamilyar sa mga torture equipment na ginagamit dito. Ipinapangako naming hinding-hindi mo ito makakalimutan!"

avataravatar
Next chapter