616 Hinahanap-hanap Mo na Ako? (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang kanyang munting sinta ay hindi nagbulakbol.

Sa ilalim ng tingin ni Jun Wu Yao, nakaramdam ng bigat sila Hua Yao na bumabalot sa kanilang mga katawan, isang mapang-api na aura na sumasakal sa kanila, na nagdulot ng pagpawis ng kanilang mga likod!

Delikado ang lalaking ito!

Ang mga itim na mata ay nagtimpla ng pagpatay at may madilim na lilang lilim na lumitaw dito.

*Smack*

May maliit na puting kamay na nagtakip sa mga mata ni Jun Wu Yao.

"Mata." Sinabi ni Jun Wu Xie ng mahinhin.

Nanigas si Jun Wu Yao, at natawa nalang bigla. Dahan-dahan niyang tinanggal ang maliit na kamay mula sa kanyang mata. Ang delikadong kislap sa kanyang mga mata ay nawala habang nakatingin kayla Qiao Chu: "Malaki ang pasasalamat ko sa inyo sa pagbabantay kay Little Xie."

Ang mapang-api na bigat sa kanilang mga katawan ay agad na nawala.

Huminga ng malalim sila Qiao Chu. Kani-kanina lang, akala na nila'y papatayin sila!

Nang maisip na nakasabit nalang ang kanilang mga buhay, naisip nilang, ang kapatid ni Jun Wu Xie ay hindi isang ordinaryong tao!

Ngunit nagtataka parin sila kung bakit gusto niya silang patayin!

Ang bigat ng mapang-api niyang aura ay alam ni Hua Yao at ni Qiao Chu. Ang saglit na paglabas ng aura ni Jun Wu Yao, ay mas malakas pa sa naramdaman nila mula sa dalawa mula sa Flame Demons Palace sa Cloudy Peaks!

[Ibang klase na ito!]

"Hindi totoo iyan. Si Little Xie ang nagalaga sa amin." Naunang makahinga si Hua Yao.

Nakangiti lang si Qiao Chu sa tabi, nanginginig parin.

Ngumiti at tumango si Jun Wu Xie. Wala siyang pinakitang intensyon na ipagpatuloy ang paguusap kayla Hua Yao. Binuhat ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie at lumayo bago umupo para magpahinga. Parang wala lang sa kanya ito kaya nagmukhang walang bigat si Jun Wu Xie.

"Nagalala ka ba para sa akin kanina?" Tinanong ni Jun Wu Yao habang hawak ang maliit na kamay ni Jun Wu Xie na nagtakip sa mga mata niya.

"Baka lang takutin mo sila." Sinabi ni Jun Wu Xie.

Hindi niya sinasadya, nakaugalian lang niya.

Walang nakakaalam sa pagkatao ni Jun Wu Yao. Magmula pa ng mabuhay muli si Jun Wu Xie, wala pa siyang nakikitang mayroong lilang mga mata. Nang maisip ang hirap ng pagkadalang ng isang plant ring spirit, pinagtakpan niya ang pagkaiba ni Jun Wu Yao.

Hindi dahil wala siyang tiwala kayla Qiao Chu, ngunit ayaw lang niya ng gulo.

Ngumiti si Jun Wu Yao habang hawak ang kamay ni Jun Wu Xie, at hinalikan ito.

Ang kanyang sinta'y nagsisimula nang magnais na protektahan siya, at natuwa siya dito.

"Para sa'yo." Binuksan ni Jun Wu Yao ang kamay ni Jun Wu Xie, at naglagay ng isang maliit na gintong butung sa kanyang palad.

Ang maliit na gintong butung ay nagdulot ng init sa palad ni Jun Wu Xie na nagsimulang kumalat. Bagaman magaan lang ang hawak niya dito, ramdam niya ang pagkalat ng init galing sa butung sa kanyang buong katawan. Napahinahon nito ang kaluluwa niya.

"Ano 'to?" Tinanong ni Jun Wu Xie.

Ngumiti si Jun Wu Yao: "Matutulungan nitong pagalingin ang kaluluwa mo. Bagaman hindi agad-agad, dahan-dahan ka nitong pagagalingin."

Tahimik na tinitigan ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao. Nabanggit ni Ye Sha na wala sa Lower Realm si Jun Wu Yao ngayon, kaya't may kinalaman siguro ang kanyang pagkawala sa gintong butung na ito.

[Hinanap ba niya ito para sa kanya?]

avataravatar
Next chapter