615 Hinahanap-hanap Mo na Ako? (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

[Ano ang sinabi niya? Bakit natural lang ang pagsabi niya noon?]

Nagulat si Ye Sha sa sarili niya at nagtago sa likod ng isang puo para magisip at humingi ng tawad.

"*Ahem*, Ginoong Wu Yao.: Matapos paoorin ni Long Qi ang dalawa sa kanilang paguusap, hindi na niya napigilang lumapit.

Medyo kakaiba, ang Ginoong Wu Yao ay myembro rin ng pamilya ng Jun, ngunit hindi alam ni Long Qi kung bakit siya nakalimutan agad. Kung hindi nakita ni Long Qi si Jun Wu Yao, hindi niya ito maaalala, ngunit pag nasa harap niya si Jun Wu Yao, parang walang nangyari.

Sa pagalala niya, wala pang sinasabi si Pangulong Lin at ang Hari patungkol kay Ginoong Wu Yao.

Maganda ang pakiramdam ni Jun Wu Yao at walang pinakitang sama ng loob nang biglaang magsalita sa Long Qi at ang kanyang matangkad na anyo ay binuhat si Jun Wu Xie.

"Hmm?" Tinanong ni Jun Wu Yao.

"Sasama ba ang Ginoo sa amin pabalik sa Palasyo ng Lin?" Tinanong ni Long Qi.

"Hindi." Nagsungit si Jun Wu Yao. Wala ang kanyang sinta doon, bakit siya babalik?

Tumabi si Long Qi at hindi na nagsalita. Sanay siya sa labanan, ngunit hindi niya maintindihan kung bakit sa harap ni Jun Wu Yao, ay napupuno ang kanyang puso ng takot at respeto kay Jun Wu Yao, na ibang klase ng respeto kumpara sa binibigay niya sa ibang myembro ng Pamilya ng Jun.

Pumayag si Jun Wu Xie na hawakan ni Jun Wu Yao at hindi nagpakita ng pagayaw dito. Bagaman hindi niya makikita ang kanyang lolo at tiyuhin, ang pagkita kay Jun Wu Yao ay isa paring magandang bagay.

Sa pangunguna ni Long Qi, nagkaroon na ng lakas ng loob sila Qiao Chu para lumapit.

"Li… Little Xie... Sino 'to?" Tinanong ni Qiao Chu ng nanginginig. Hindi maintindihan ni Qiao Chu ang takot na nararamdaman niya patungo sa lalaki sa kanyang harapan. Nakangiti ang lalaki, ngunit ramdam niya na isang malakas at nakakatakot na halimaw ito, at kaya siyang punitin nito.

"Si Jun Wu Yao, ang aking nakatatandang kapatid." Sumagot si Jun Wu Xie.

"Ku… Kuya mo?!" Nagulat si Qiao Chu, ngunit kung magkapatid sila, naintindihan na niya kung bakit walang problema si Jun Wu Xie sa paglapit sa kanya ni Jun Wu Yao.

Pero…

Bagaman parehas silang may walang kupas na magagandang itsura, ang layo parin ng mga itsura nila.

[Little Xie, sigurado ka bang kapatid mo siya?]

Ang mga salitang iyon, walang lakas si Qiao Chu para sabihin ang mga iyon.

"Ang pangalan ko ay Hua Yao."

"Fei Yan."

"Qiao Chu."

"Rong Ruo."

Matapos malaman ang pagkatao ni Jun Wu Yao, hindi na masyadong maingat sila Qiao Chu.

Si Rong Ruo lang ang walang pinagbago sa ekspresyon.

Sinabihan na siya dati ni Yan Bu Gui, na si Jun Wu Yao ay isang taong hindi dapat gagalitin, ngunit walang balak na magsabi sa kanya ng kahit ano patungkol sa kanyang sarili. Bagaman isang beses palang nakikita ni Rong Ruo si Jun Wu Yao bago ito, wala siyang pagdududa sa matinding lakas na mayroon ang lalaking ito.

Kahit na hindi pa pinapakita ki Jun Wu Yao ang kanyang kapangyarihan sa kanila, ramdam nila sa aura nito ang kapangyarihang higit pa sa mga nakita nila dati. Alam nila na mas malakas pa si Jun Wu Yao kay Yan Ba Gui mismo.

Ngunit bakit magpapakita ang ganito kalakas na lalaki sa Lower Realm? At paano siya naging kapatid ni Jun Wu Xie?

Maraming tanong ang pumasok sa isip ni Rong Ruo, ngunit wala siyang sinabi, kahit kela Qiao Chu.

Sa pagiwan sa kanya ng utos ni Yan Bu Gui, wala siyang balak na suwayin ang mga ito.

Tinignan ni Jun Wu Yao sila Qiao Chu, at napayuko. Nagningning siya habang nakatingin kay Jun Wu Xie, ang ngiti sa kanyang mukha, ay mas maganda pa sa kahit saang magandang lugar.

"Mukhang habang wala ako, masaya ang pamumuhay ni Jun Wu Xie."

Sa apat niyang kasama, isa lang ang babae.

avataravatar
Next chapter