614 Hinahanap-hanap Mo na Ako? (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napapikit-pikit si Jun Wu Xie, ngunit hindi siya umimik at nahulog lang sa yakap ni Jun Wu Yao, na parang nasaktang hayop, na naghahanap ng ginhawa sa kilala niyang amoy.

Ang ngiti ni Jun Wu Yao ay nanatili sa kanyang mukha. Ang biglaang pagsandal ni Jun Wu Xie ay nagpalito sa kanya. Ang pares ng maliliit na kamay ay nakakapit sa kanyang damit, ang malambot niyang katawan ay nakasandal sa kanyang dibdib, nagsama ang dalawa sa isang yakap.

Malapit sila sa isa't isa para marinig ni Jun Wu Yao ang mga paghinga niya kasabay ang kanyang dibdib.

Matapos ang panandaliang hindi pagkibo, hinigpitan ni Jun Wu yao ang kanyang yakap kay Jun Wu Xie. Ang ngiti niya ay mas lumaki pa, at pinahinga niya ang kanyang baba sa buhok ni Jun Wu Xie habang bumubulong ng mahimbing na tila nagpapatahan sa isang bata.

"Linapastangan ka ba? Huwag kang magalala, nandito na ang kuya mo. Wala nang makakalapit sa'yo."

Isang braso ang nakayakap sa bewang ni Jun Wu Xie, at isa naman ay humahaplos sa buhok niya. Ang malalim at mahinhing boses na iyon ay nagpahinahon, at ang lahat ng makakarinig ng boses na iyon ay malalasing.

Umiling si Jun Wu Xie na nagpapahinga sa dibdib ni Jun Wu Yao, ngunit hindi parin siya umimik.

Hindi siya nahirapan at walang lumapastangan sa kanya. Inasam lang niya ang kanyang tahanan…..

Inaasam niya ang tahanan, ngunit hindi pa siya makakabalik.

Hindi na alam ni Jun Wu Yao kung ano pa ang kanyang gagawin maliban sa pagyakap sa kanya ng mahigpit. Hindi niya alam kung bakit nangangailangan ang kanyang kapatid, ngunit natuwa siya.

Hindi siya magrereklamo kung magtitiwala pa siya sa kanya.

Ang eksena ng dalawang anyong magkayakap sa ilalim ng nakakalat na sinag ng araw na sumisilip sa mga dahon ay nanatili, na tila silang dalawa lang ang naroroon.

Ang lahat ng ibang tao sa kampo ay tumigil sa paghinga, may takot na sirain ang eksenang mayroong katahimikan at kalawilian.

Nanlaki ang mga mata ni Qiao Chu habang nakatitig kay Jun Wu Yao na hawak si Jun Wu Xie sa isang malalim na yakap, at hindi makapaniwala.

Ang nanginginig niyang daliri ay nakaturo sa dalawang anyo habang ang kanyang gulat na mukha ay tumingin kay Hua Yao, na nagtataka kasabay ang pagkagulat.

[Ah! Sino iyon?! May lakas siya ng loob na yakapin si Little Xie?! Pagod na ba siyang mabuhay?!]

[Bakit hinahayaan ni Little Xie na mangyari ito? Gusto ko rin iyan! Pero ayaw kong magsalita! ARRRRGH!]

Hindi na nagsalita si Hua Yao, gulat parin, dahil mahirap sikmurain ang nangyayaring eksena sa harapan nilang lahat.

Si Rong Ruo lang ang may kakaibang ekspresyon.

Nakasandal lang si Jun Wu Xie sa yakap ni Jun Wu Yao, nagtatampisaw sa presensya niyang nagpapahinahon sa mga pagaatubili sa ilalim ng kanyang malamig at malayong dayag.

Kaya niyang tapusin ang kanyang paglalakbay ng mag-isa, ngunit pinahahalagahan niya ang pagmamahal ng kanyang pamilyang kanyang pinaghirapan.

Mayroong kaunting pagbitiw, linayo niya ng kaunti ang maliit na anyo na nakakapit sa kanyang dibdib. Ang pagkakapos ng hangin ay nagdulot ng pamumula sa mukha ni Jun Wu Xie. Nagmukhang nahihiya si Jun Wu Xie at nang makita ito ni Jun Wu Yao, tila may kuko ng pusa na kumalmot sa kanyang puso, na napuno ng pagnanasa.

"Magsabi ka ng totoo, hinanap mo ba ako?" Sinabi ni Jun Wu Yao sa isang malalim na boses, ang kanyang mga kamay, nasa bewang ni Jun Wu Xie, para pigilan siya sa paglayo sa kanyang sarili.

Medyo namumula ang ilong ni Jun Wu Xie, kaya't hinawakan niya ito, bago tumango ng hindi halata.

Inaasam niya ang tahanan niya.

Parang sinubuan si Jun Wu Yao ng pulot, at uminit ang kanyang puso. Agad niyang hinila ulit si Jun Wu Xie pabalik sa kanyang yakap.

Ngunit…..

Nakatago sa mga anino, pinanood ni Ye Sha ang lahat ng ito sa katahimikan. Sa kanyang deretsong mukha, walang makakahula sa kanyang iniisip. Ngunit sinabi niya sa sarili niya: "Kailan ba makikita ng Ginoo, na namumula ang Binibini dahil inaasam niya ang umuwi? Ang layo sa iniisip niya! Ginoo! Gumising ka!"

Sa pagtapos niya sa kanyang pangungusap, nanigas si Ye Sha. Tinakpan niya ang kanyang bibig sa gulat.

avataravatar
Next chapter