265 Hidden Cloud Peak (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Masama ang tingin ni Ke Cang Ju kay Mu Chen at sinulyapan si Jun Wu Xie. Wala siyang nakitang saya sa muka ni Jun Wu Xie kundi isang simangot ng pagtanggi.

"Bata, karangalan mong matanggap sa Hidden Cloud Peak. Kung tatanggihan mo ako, umalis ka nalang sa Cloudy Peaks."

Mula sa pang-aagaw hanggang sa pananakot, dominante ang mga pamamaraan ni Ke Cang Ju at ang mukha ni Mu Chen ay nangingitim na sa galit. Ang ibang Tanda ay hindi sumasangayon sa mga pamamaraan ni Ke Cang Ju ngunit nanatili silang tahimik. Kahit na sinubukang ipakita ni Qin Yue ang patas na pagtrato sa lahat ng Tanda, alam ng lahat na mas binibiyayaan niya si Ke Cang Ju.

Wag kakalimutan na inaagaw ni Ke Cang Ju ang isang disipulo sa mukha ni Mu Chen, kahit na pilayan ni Ke Cang Ju ang batang Jun Xie ngayon, hindi siya itutugis ng angkan ng Qing Yun.

Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie at tinignan ang pangit na Ke Cang Ju, nanlalamig ang mga mata. Biglaan, may naramdaman siyang humihila sa kanyang manggas at bumulong si Qiao Chu sa kanyang tenga: "Jun Xie, wag ka nang gumawa ng ano pang padalus-dalos. Gusto mo lang makapasok sa angkan ng Qing Yun, at walang pinagkaiba ang pagpasok sa pamamagitan ng Cloud treading Peak o Hidden Cloud Peak, diba?"

Hindi angkop ang boses ni Qiao Chu sa kanyang pagaatubili, alam niya na sa kaalaman ni Jun Xue sa medisina, wala nang maituturo pa ang angkan ng Qing Yun sa kanya. May lihim na motibo siguro siya sa kanyang pagpasok sa angkan ng Qing Yun, at sa halip na tanggihan si Ke Cang Ju at matanggal, bakit hindi nalang siya sumunod sa mga nais niya sa ngayon?"

Pumikit si Jun Wu Xie at pinigilan ang kanyang giit para pumatay.

"Tama." Malamig niyang dinura ang kanyang sagot.

Napangiti ng pangit si Ke Cang Ju.

"Bata, malalaman mo rin na tama ang iyong desisyon ngayon." Tumatawa si Ke Cang Ju, at hindi pinansin ang naguusok na Mu Chen at umalis lang.

Tinignan nia Jun Wu Xie ang likod ni Ke Cang Ju nang may mga matang puno ng lamig.

Malalaman rin niya, na nakamamatay ang pagkakamaling ginawa niya.

Huminga ng malalim si Mu Chen, at pinilit na pigilan ang galit niya. Nahirapan siyang panatiliin ang kalma niya, ngunit ang higpit sa kanyang bibig ang nagtaksil sa kanya.

"Kung may pangangailangan ka parin sa hinaharap, pwede mo akong hanapin sa Cloud Treading Peak. Ang aking imbitasyon sa iyo, ay hindi mawawala." Sinabi ni Mu Chen kay Jun Wu Xie.

Wala siyang pakialam sa mga kasamaang ginawa ni Ke Cang Ju, ngunit ang binata sa harap niya ay isang napaka-talentadong indibiwal at hindi niya nais na masira sa mga kamay ni Ke Cang Ju. Hindi niya bibitawan kahit na maliit lang ang posibilidad, ang pagkakataong mabuhay ang pinagpalang bata.

"Salamat." Tinignan ni Jun Wu Xie si Mu Chen, totoong nagpapasalamat. Randam rin ni Jun Wu Xie ang katapatan ni Mu Chen.

Tumango lang si Mu Chen. Sa pangingialam ni Ke Cang Jun, nawalan na ng gana si Mu Chen na tumanggap ng iba pang disipulo. Nakuha na ang mga pinakamahusay, at hindi na niya pinansin ang mga naiwan.

Hindi alam ni Mu Chen, na ang alok na binigay niya ngayon, ang babago sa kanyang buhay.

Sa pag-alis ng dalawang Tanda, ang mga naiwang mga kabataan ay nahiya. Ngunit para makuha ang mga nananatiling pwesto, ginawa nila ang kanilang pinakamahusay.

Para kau Qiao Chu at Jun Wu Xie na napili sa Hidden Cloud Peak, nagpunta sila sa tabi at pinanood ang ibang mga kabataan.

"Alam kong gusto mong pumunta sa Cloud Treading Peak, pero wala tayong magagawa. Wag kang mag-aalala, ngayong kasama mo ako, kahit na ang halimaw na 'yon ng Hidden Cloud Peak ay walang magagawa sa'yo." Sinabi ni Qiao Chu para mapanatag si Jun Wu Xie.

avataravatar
Next chapter