1017 Heavenly Cloud Chambers (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagak na tumawa si Qu Xin Rui. Matapos niyang makamit ang purple level sa kaniyang spirit power, nilisan niya ang lugar na iyon sa imbitasyon ng Soul Return Palace ng Twelve Palaces. Nagpunta lang siya dito sa Thousand Beast City dahil may mahalagang bagay na kailangan niya ditong gawin.

"Walang silbi ang anak ni Lin Que, ngunit si Lin Que ay may malaking pakinabang pa rin sakin. Kung papatayin ko ang kaniyang anak, tiyak na hindi na ako pagsisilbihan ng Lin Que na iyon. Lahat naman sila mamamatay sa huli, pero si Lin Que, kailangan ko munang ipatapos sa kaniya ang mga bagay na dapat niyang gawin bago ko siya tuluyang patayin."

"Kung tama ang aking pagkakaintindi, gagamitin mo muna si Lin Que sa paghahanap ng puntod ng Dark Emperor?" Tanong ng isa sa mga lalaki.

Hindi sumagot si Qu Xin Rui, bagkus ay nanlisik lang ang mga mata nito.

"Kahit na hindi ganon kahalaga ang Devious Wyvern tulad ng puntod ng Dark Emperor, mayroon pa rin iyong malaking pakinabang. Ang tangang iyon ay ipinamigay na lang ang buhay ng Devious Wyvern dahil sa galit. Paano ko siya papatawarin ng ganun na lang?"

"Tapat naman sa'yo si Lin Que. Alam naman nating napakahirap hanapin ng Devious Wyvern pero ginawa niya pa rin ang lahat para hanapin iyon nang maibigay sa'yo. Kaya lang kung dinala mo noon ang Devious Wyvern, sana ay nasa'yo na ito ngayon." Nakangiting saad ng isa sa mga lalaki.

Tinignan lang ito ni Qu Xin Rui. Mukhang hindi ito naapektuhan sa sarkastikong saad nito.

"Isipin niyo na lang 'to. Maaaring wala na nga ang Devious Wyvern, pero hindi ba't parang pinalitan nila iyon ng mas maganda?"

"Mas maganda? Ang Guardian Grade Spirit Beast ba ang tinutukoy mo?"

Umiling si Qu Xin Rui. "Kahit na bihira ka lang makahanap ng Guardian Grade Spirit Beast, hindi iyon gaanong makakatulong sa misyon natin dito. Mas may pakinabang ang Little Emperor ng Fire Country. Ang Fire Country ang pinakamalaking bansa sa Lower Realm at wala nang tutumbas pa sa kanila. Kung magagawa nating makuha ang loob niya, pwede nating mapakilos papunta ng Heaven's End Cliff ang army na hawak niya. Mas maganda ang kinalabasan ng resulta."

"Hmmm. Kung gayon ay naisip mo na ito agad kanina. Ang buong akala ko ay nagbago na ang pag-uugali mo kanina at napagdesisyunang huwag nang pahirapan pa si Lin Que. Ibig sabihin pala ay mayroon nang planong nabuo sa'yong isipan nang sabihin mo kaninang padalhan ng imbitasyon si Jun Xie sa iyong kaarawan." Kilalang-kilala ng lalaki ang buong pagkatao ng Great Aunty at agad niyang naintindihan ang binabalak ni Qu Xin Rui.

Ngumiti si Qu Xin Rui at sinabing: "Wala gaanong bagay sa Lower Realm ang nakakakuha ng aking interes. Kung pwede naman silang magamit, bakit hindi? Kung nakuha ng Little Emperor ang aking atensyon, magiging mabuti ako sa kaniya." Binasa ni Qu Xin Rui ang kaniyang mapulang labi matapos magsalita.

"Maganda nga kung mangyayari ang iyong pinaplano."

"Nasa Little Emperor ang desisyon na iyon, kung alam niya kung anong makakabuti sa kaniya. Sa mga darating na araw, mag-aayos na si Lin Que ng mga taong magtutungo sa Heaven's End Cliff at isa sa inyo ay sasama sa kanila. Kahit na wala ni isa sa taga-Thousand Beast City ang makakabalik ng buhay, dapat ay mayroon sating makaalam kung ano ang sitwasyon doon sa baba." Saad ni Qu Xin Rui sa mga lalaking nasa kaniyang harapan.

"Sige."

Pagkatapos non ay pinaalis na ni Qu Xin Rui ang mga ito.

Nagpalitan ng tingin ang tatlong lalaki, lahat sila ay napansin na minamaliit sila ngunit pinili nilang huwag nang magsalita. Nagpanggap na lang silang walang napansin saka bumaba ng Heavenly Cloud Chambers.

'Di nagtagal ay nagmamadaling umakyat paitaas ang mga lalaki at agad na pinalibutan si Qu Xin Rui. Pumikit si Qu Xin Rui sa saya.

avataravatar
Next chapter