1016 Heavenly Cloud Chambers (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi sukat akalain ni Lin Que na may ganoong pagkatao ang Jun Xie na iyon. Sa Thousand Beast City, kahit na siya ay isang Clan Chief, hindi pa rin iyon papantay bilang isang taong kakalaban sa kasalukuyang Emperor ng pinakamalaking bansa. Natagpuan ni Lin Que ang kaniyang sarili na balot na balot ng malagkit na pawis.

Lihim niyang minumura ang kaniyang anak dahil lagi siya nitong pinapahamak.

Sa lahat ng taong pwede niyang bastusin,ang Emperor ng Fire Country pa ang napili nito. Mukhang nabulilyaso pa ang kaniyang plano na ibaling ang galit ng Great Aunt kay Jun Xie.

"Isang batang nasa labing-apat o labing-lima ang edad ay naging Emperor ng Fire Country? Isa ba iyong biro?" Nag-aalinlangang tanong ng Great Aunt.

"Narinig kong ang Jun Xie na iyon ay hawak ang Ring of Imperial Fire na orihinal na pagmamay-ari ng pamilya ng mga naunang Emperor. Ang Emperor na iyon ay bigla na lang naglaho at ang trono ay pansamantalang pinamunuan ng kaniyang nakababatang kapatid. Nang tuluyan nang ipasa ang trono sa kaniya, ang nakababatang kapatid ay nag-isyu ng Imperial Decree na nagsasabing, sa oras na ang taong may hawak ng Ring of Imeperial Fire ay magpakita, ang taong iyon ay magiging Emperor at kailangang bumaba sa trono ang kasalukuyang Emperor." Pagsasalaysay ng lalaki.

"Hmm. Ganon pala ang nangyari." Tumang-tango ang babae. "Kakaupo lang ng batang iyon sa trono. Kung gayon, anong ginagawa niya dito saking Thousand Beast City sa halip na nagpapakasarap siya sa Fire Country?"

"Tungkol diyan...wala po akong ideya."

Ikinumpas ng Great Aunt ang kaniyang kamay para paalisin na ang lalaki, saka humarap kay Lin Que na nakaluhod pa rin sa sahig.

"Kalimutan mo na. Isa lang naman iyong Beast. Dahil gusto iyon ng Little Emperor ng Fire Country, ibibigay na natin sa kaniya bilang regalo mula sakin."

Nakahinga ng maluwag si Lin Que matapos niyang marinig ang sinabi ng Great Aunt.

"Nalalapit na ang aking kaarawan. Dahil sa nagkataong naririto sa Thousand Beast City ang Emperor ng Fire Country, padalhan niyo siya ng imbitasyon para saking kaarawan."

"Opo!" Mabilis na sagot ni Lin Que.

""Hindi ko na ipipilit ngayon. Ginawa mo naman lahat ng makakaya mo. Ligtas na ang iyong anak ngayon. Oras na rin siguro para ang susunod na grupo ay magtungo sa Heaven's End Cliff. Alam mo na ang dapat mong gawin." Saad ng babae kay Lin Que. 

Sumagot naman si Lin Que: "Alam ko na po at gagawin ko iyon ng tama. Pero nang sabihin ko iyon sa Grand Chieftain, batid kong hindi niya gusto ang ideya ng ekspedisyong iyon." Bahagyang nag-angat ng tingin si Lin Que para tignan kung ano ang magiging reaksyon ng Great Aunt.

Tumawa ng pagak ang babae: "Hindi na dapat bago 'yon sa'yo. Bakit kailangan mong maapektuhan sa kaniyang nararamdaman?" 

"Opo...opo. Gagawin ko ang inyong nais, Great Aunt." Sagot ni Lin Que.

Tumango naman ang babae. "Makakaalis ka na."

"Opo." Tumayo na si Lin Que at inutusan ang kaniyang mga tauhan na ibaba ang mga regalo bago umalis ng Heavenly Cloud Chambers.

"Kayo din, makakaalis na kayo." Ikinumpas ng babae ang kaniyang kamay at pinaalis ang mga lalaking nasa silid.

Nang ang Great Aunt na lang ang natitira sa silid, agad na bumalik ang matangkad na lalaki kanina kasama ang dalawa pang lalaki.

"Lahat ng napag-usapan kanina, narinig mo ba ng mabuti?" Tanong ni Qu Xin Rui. Nakaharap ito sa tatlong lalaking kaniyang kasama na nagpunta dito sa Thousand Beast City.

"Narinig namin ng mabuti. Malayo sa personalidad mo ang basta na lang patawarin si Lin Que. Naisip kong kailangan mong pira-pirasuhin ang kaniyang anak bago ka makuntento." Tumawa ng malakas ang lalaki. Ang marespetong tono nito kanina nang may ibang tao sa silid ay agad na naglaho.

avataravatar
Next chapter