1015 Heavenly Cloud Chambers (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Magandang umaga po, Great Aunt." Bati ni Lin Que sa kaniyang nasa harapan.

Marahang tinignan ng magandang babae si Lin Que saka nagsalita: "Nabanggit sakin ni Little Yun na mayroon ka daw sasabihin sakin? At iyon daw ay may kaugnayan sa Devious Wyvern. Naalala ko, sinabi mo sa akin na ibibgay mo sakin ang Devious Wyvern bilang regalo saking kaarawan. Para maparito ka ngayon,ibig sabihin ba niyan ay mayroong problema?"

Malumanay ang pagkakabigkas ng babae sa bawat salitang kaniyang binibitawan ngunit para iyong karayom na tumutusok kay Lin Que.

Pinagpawisan si Lin Que ng malamig habang nakaluhod sa harap ng babae. Ang kaniyang mukha ay putlang-putla na.

"Patawarin niyo ako! Nabigo akong pagsabihan ang aking anak kaya naman nahulog siya sa bitag na pinlano ng mga taong may maitim na balak. Kaya naman nawala niya ang Devious Wyvern, patawarin niyo ako Great Aunt!"

Bahagyang nagsalubong ang mga mata ng Great Aunt habang nakatingin sa nakaluhod na si Lin Que. Pagkatapos ay humalakhak ng matinis.

"Lin Que, kaya ka ba naparito ay para sabihin sakin na naiwala ng anak mo ang aking Devious Wyvern?"

Nagsimulang manginig si Lin Que habang patuloy na nakaluhod sa sahig. Kahit na ang kaniyang narinig ay tawa, ngunit naging dahilan iyon para mas lalo pa siyang pagpawisan ng malagkit.

"Dahil sa kapabayaan ko kung bakit ang anak ko ay…"

Isang malakas na pagkabasag ang narinig bago pa man matapos ni Lin Que ang kaniyang sinasabi!

Isang puting jade wine cup ay nabasag sa sintidio ni Lin Que. Agad na tumulo ang dugo mula doon. Dire-diretsong tumulo iyon papunta sa kaniyang mukha at sa mga basag na piraso ng wine cup.

Hindi nangahas si Lin Que na gumalaw. Agad siyang nagsalita: "Dahil sa katangahan ng aking anak kaya siya nauto ng mga taong iyon. Nag-imbestiga na ako tungkol doon at nalaman kong itinago ng mga taong iyon ang tunay na anyo ng kanilang Guardian Grade Spirit Beast. Handa akong tanggapin ang parusa sa ginawa ng aking anak."

Kumunot ang noo ng magandang babae at umupo sa upuang nasa kaniyang tabi. "Guardian Grade Spirit Beast?"

Lihim na natuwa si Lin Que nang mapagtanto niyang tama ang kaniyang inisip na plano. Mabilis siyang sumagot: "Opo. Nasisiguro kong iyon ay isang Guardian Grade Spirit Beast. Ang taong nagmamay-ari sa kaniya ay dinala ng mga taga-Fiery Blaze Clan at ang kaniyang pangalan ay Jun Xie. Ang taong iyon ay kailanman hindi pa nakakatapak sa Thousand Beast City, ngayon lang."

"Jun Xie? Hmm. Mayroon talagang nangahas na pakialaman ang mga bagay na pinagkakainteresan ko." Isang malisyosong ngiti ang bumakas sa mukha ng magandang babae saka ipinalakpak ang kaniyang kamay.

Isang matangkad na lalaki ang biglang sumulpot.

Nang makita ni Lin Que ang lalaki ay kinabahan siya. Ang lalaking iyon ay isa sa mga malalakas na tauhan ng Great Aunt.

"Mag-imbestiga ka tungkol sa kung sino ang Jun Xie na iyon." Saad ng babae. Batid sa tono ng kaniyang boses na hindi siya natutuwa sa sitwasyon.

Nagulat ang lalaki at saglit na nag-alinlangan. Para bang mayroon itong biglang naalala. Humarap ito kay Lin Que at nagtanong: "Ang Jun Xie na iyon, ilang taon na siya? At babae ba siya o lalaki?"

Agad namang sumagot si Lin Que: "Nasa labing-apat o labing-lima ang kaniyang edad. Maliit lang siyang lalaki."

Nagtaas ang isang kilay ng lalaki: "Narinig ko na ang pangalang Jun Xie noon."

"Oh?" Nagtatanong ang itsura ng babae sa lalaking kaniyang kausap.

"Nitong mga nakaraang araw, ang aming mga espiya mula sa Fire Country ay nagbigay ng balita, ayon sa kanila ay mayroong isang taong nagpabagsak sa Imperial Family na namumuno ng Fire Country. Ang rehime ng pamumuno ay biglang napalitan dahil sa isang taong ang pangalan ay Jun Xie! Isang batang nasa labing-apat o labing-limang taong gulang. Si Xiong Ba ay kakarating lang galing sa Fire Country. Kung tama ang aking hula, ang Jun Xie na tinutukoy ni Lin Que ay ang bagong Emperor ng Fire Country!" Marahang saad ng lalaki.

Gulat na gulat si Lin Que sa kaniyang nalaman!

avataravatar
Next chapter