1014 Heavenly Cloud Chambers (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Naghintay si Lin Que sa labas ng Heavenly Cloud Chambers para tawagan papasok habang ang kaniyang mga alalay ay buhat ang mga regalo.

Ilang sandali lang ang lumipas at isang gwapong lalaki ang lumabas sa Heavenly Cloud Chambers. Nakasuot ito ng mahaba ngunit manipis na kasuotan. Nang makita niya si Lin Que ay nagsalita ito: "Abala ang Great Aunt ngayon. Kung wala kayong importanteng sasabihin ay makakaalis na kayo."

Nagsalubong ang mga kilay ni Lin Que. Alam niyang maraming tauhan ang Great Aunt sa loob ng Heavenly Cloud Chambers bukod pa sa mga malalakas na tauhan nito. Naroon ang mga alalay nito sa loob upang tugunan ang anumang ipinag-uutos nito at ang lahat ng iyon ay puro lalaki. Tanging ang Great Aunt lang ang nag-iisang babae sa loob ng Chambers.

Base sa alituntunin ng Heavenly Cloud Chambers, walang ibang babae ang maaaring pumasok doon. Maging si Qu Ling Yue ay hindi pwedeng pumasok.

Ang mga naggugwapuhang kalalakihan ay pinili sa siyudad at karamihan sa mga ito ay may mababang spirit power. Ngunit mayroon naman itong mga gwapong mukha at makikisig na pangangatawan.

Nagtimpi ng kaniyang inis si Lin Que. Ngumiti muna siya bago sumagot: "Maaari sanang iparating mo sa Great Aunt na ang aking ipinunta dito ay ang tungkol sa Devious Wyvern. Naniniwala akong importante ito sa kaniya." May inilabas si Lin Que na isang kahon at inilagay sa kamay ni Young Master Yun.

Nagtaas ng kilay si Young Master Yun at binuksan ang kahon. Nakita niya ang isang kumikinang na gintong Ruyi. Agad na naglaho ang bakas ng pagkainis sa kaniyang mukha at napalitan iyon ng isang ngiti.

"Kung gayon, sisikapin kong ihatid ang inyong mensahe, Clan Chief Lin." Ipinasok ni Young Master Yun ang kahon sa kaniyang damit saka pumasok sa Heavenly Cloud Chambers.

Agad na nanlisik ang mga mata ni Lin Que nang makaalis na ang lalaki.

"Clan Chief, bakit kailangan mong magpakumbaba sa taong iyon." Tanong ng isang alalay na nasa tabi ni Lin Que.

Agad na nalukot ang mukha ni Lin Que saka sumagot: "Tingin mo talaga nagpapakumbaba ako sa mga taong 'yo? Kung hindi sila tauhan ng Great Aunt hindi ko gagawin to! Ni hindi nga sila karapat-dapat na magpunas ng sapatos ko!"

Makalipas ng ilang saglit ay bumalik na si Young Master Yun at sinabi nitong maaari nang makausap ni Lin Que ang Great Aunt.

Ngumit si Lin Que at pinasalamatan si Young Master Yun bago siya iginiya papasok ng Heavenly Cloud Chambers.

Ang taas ng Heavenly Cloud Chambers ay umaabot sa pitong palapag at ang Great Aunt ay nananatili sa pinakatuktok.

Nakasunod lang si Lin Que kay Young Master Yun habang nagtatanong-tanong tungkol sa Great Aunt. Dahil sa regalong natanggap ni Young Master Yun kanina ay masaya naman itong sumasagot sa mga katanungan ni Lin Que.

Ang buong sahig ng ika-pitong palapag ay nababalot ng puting-puting carpet na gawa sa balat ng sora. Ang buong palapag ay elegante at makikitaan ng karangyaan. Makikita ang mga gintong muwebles at alahas sa paligid. Nakakalat din ang mga gwapong lalaki. Ang iba ay naglalaro at mayroon ding tumutugtog.

Isa pang grupo ng mga makikisig na lalaki ang malapit sa upuan at hawak ang plato ng prutas at wine.

Sa upuang iyon ay nakaupo ang isang magandang babae na nakasuot ng mahabang pulang damit. Kung titignan ito ay naglalaro sa bente ang edad nito. Nakalugay ang buhok nito habang sinusuklay ng isang lalaki sa likod.

Tipid na ngumiti si Lin Que sa babae.

Sinong mag-aakalang ang magandang babae na ito ay nasa mahigit isang-daan na ang edad?

avataravatar
Next chapter