561 Heaven’s End Cliff (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagtaas ng kilay si Fan Zhuo at sinabing: "Kung gayon, isabay niyo na ako sa bilang."

Ngumiti ng malapad si Qiao Chu.

"Seryoso ka?"

"Oo naman." Tumango si Fan Zhuo at bumaling kay Jun Wu Xie. "Little Xie, hindi ka ulila na galing sa Twelve Palaces. Bakit ka kasali dito?"

Nag-angat ng tingin si Jun Wu Xie at kalmado ng sumagot: "Para makauwi."

Naguluhan naman ang itsura ni Fan Zhuo.

Inangat ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay at isang hamog ang lumabas sa kaniyang palad. May nabuong pigura galing doon.

"MEH!!" Napatayo naman si Lord Meh Meh sa isang banda nang kaniya iyong makita, ang mga mata nito ay kumikinang!

[Napaka...bango!]

"Argh! Huwag mo akong kagatin!" Lumabas si Little Lotus at agad itong dinamba ni Lord Meh Meh. Dinila-dilaan nito ang mukha ni Little Lotus.

Sa oras na iyon, naluha si Little Lotus dahil sa "atakeng" iyon.

Nararamdaman niya ang kagustuhan nitong nguyain siya!

Ang mga plant type spirits ay sensitibo sa kagustuhan ng herbivores.

Lumaki naman ang mga mata ni Fan Zhuo habang nakatitig kay Little Lotus.

"Ang ring spirit ni Little Xie ay plant type spirit." Pagbibigay-alam ni Qiao Chu.

Ngayon ay nakuha na ni Fan Zhuo. Lahat ng mga taga-Middle Realm ay malaki ang interes sa mga plant spirit. Ang plant based spirit ni Jun Wu Xie ay magiging dahilan para ito ay hagilapin.

Kung gusto niya pang mabuhay, kailangan niyang mas maging malakas sa Twelve Palaces para matakot ang mga itong pagnasaan ang kaniyang ring spirit.

Tumawa ng malakas si Fan Zhuo at nagningning ang mga mata.

"Pagkatapos sabihin ang mga iyan, lahat ng nasa silid na ito ay kaaway ng Twelve Palaces?"

"Tama." Sagot naman ni Hua Yao.

"Dahil diyan, hanapin nating lahat ang Dark Emperor's treasure at gamitin iyon sa tama!" Matapos sabihin iyon ay may inilabas si Fan Zhuo sa kaniyang bag at binuksan iyon. Isang matandang mapa na nakaguhit sa balat ng tao ang nakalatag sa mesa.

Sa kanilang nakikita, kamukhang-kamukha iyon ng mapang kanilang hawak!

Naglahad naman ng eksplanasyon si Fan Zhuo: "Bumaba ang aking mga magulang galing sa Heaven's End Peak noon. Ang isang bahagi ng mapa ng puntod ng Dark Emperor ay nakaguhit din sa likod ng aking ina. Nang bumalik ang aking ama sa Twelve Palaces ay hindi na niya ito muling nakita. Naghinala na ang aking ina kaya naman pinatanggal nito ang mapa sa kaniyang likod at ibinigay sakin para aking itago. Kaya naman, ang mapa patungo sa puntod ng Dark Emperor ay kailanman hindi nakumpleto dahil walo talaga ang nagtungo don at hindi pito."

At ang huling bahagi ng mapa ay hawak ni Fan Zhuo, ang tanging batang nakaligtas laban sa Twelve Palaces.

Sina Qiao Chu naman ay nagulat dahil sa kanilang bagong kaalaman.

"Nalaman namin noon na ang isa sa taga-Zephyr Academy ay may koneksyon sa Twelve Palaces. Ang Twelve Palaces ay binigay na ang bahagi ng kanilang mapa sa nakatataas. Ang hawak mo ay hindi galing sa Twelve Palaces, kung gayon...May hawak din ba ang iyong ama?" Matapos nilang sabihin ang kanilang mga mithiin, hindi na nag-alanganin si Hua Yao na sabihin ang kaniyang naiisip.

Umiling si Fan Zhuo.

"Ang aking kinikilalang ama ay walang koneksyon sa Twelve Palaces. Alam niya ang aking tunay na pagkatao at imposibleng makikipag-ugnay siya sa mga iyon. Kung tama ang impormasyong inyong nakuha, ibig sabihin hindi ang aking ama ang may ugnayan sa Twelve Palaces, maaaring ibang tao iyon."

Kung hindi si Fan Qi, sino kaya?

Muling nabalot sa malalim na pag-iisip sina Hua Yao at ang buong grupo.

avataravatar
Next chapter