559 Heaven’s End Cliff (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tumitig si Fan Zhuo sa mga mata ng bawat isa. At ilang saglit lang ay nanumbalik na ang mahinahong itsura nito.

"Pasenya na kung tinakot ko kayo." Nanghihinging paumanhin ni Fan Zhuo.

Nanatiling gulat ang reaksyon ni Qiao Chu dahil hindi niya alam kung paano tutugon.

Lukot naman ang mukha ni Hua Yao habang nakatitig kay Fan Zhuo. Ayaw niyang banggitin iyon kay Fan Zhuo ngunit sa lalaki na mismo nanggaling iyon. Kung narinig lang nito ang mga bagay na tungkol sa Middle Realm, bakit ganon na lang ang reaksyon nito? Kung hindi siya nagkakamali, nakitaan niya ang mga mata ni Fan Zhuo kanina ng galit.

Galit ito sa Twelve Palaces?

Bakit?

Sa wakas ay nagsalita si Hua Yao: "Ikaw ay galing sa Middle Realm."

Hindi naman itinago ni Fan Zhuo ang katotohanang iyon, tumango ito. Nakangiti itong tumingin sa lahat at sinabing: "Gayon din kayong lahat, tama ba? Kuya Hua, Qiao, Little Yan, Little Ruo...at Little Xie? Hindi hindi hindi...Hindi kasali si Little Xie dahil wala itong reaksyon sa sinabi ko kanina."

Hinimas ni Fei Yan ang kaniyang baba saka ngumiti.

"Tama ang iyong hula." Tumatangong sagot ni Hua Yao.

"May galit ka sa Twelve Palaces?" Naguguluhang tanong ni Hua Yao. Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang bakas ng galit sa mga mata nito kanina na agad ding naglaho. Bakit?

"Hindi kami pwedeng magkasundo." Nakangiting tugon nni Fan Zhuo.

"Bakit?" Pagpupumilit ni Hua Yao.

"Sa parehong rason na katulad ng sainyo." Ngayon ay tumatawa na ulit si Fan Zhuo.

Nagulat si Hua Yao.

Nagpatuloy naman si Fan Zhuo: "Una kong hula ay kayo ay galing sa Twelve Palaces, ngunit nang nagpakita ako ng galit tungkol doon, mayroon kayong matinding reaksyon ngunit hindi kayo nagpakita na gusto niyo akong patayin. Nang malaman niyong mayroon akong galit sa Twelve Palaces, wala sainyo ang kumilos laban sakin. Dahil doon, naisip kong hindi kayo nagmula sa Twelve Palaces. At naniniwala akong walang taong katulad niyo ang nanggaling sa Twelve Palaces."

Isa lang pagsubok ang tinging ibinigay niya kanina. Kaya naman nakahinga ng maluwag si Fan Zhuo sa kaniyang nakuhang kasagutan.

Buti na lang, hindi sila kaaway.

"Sabi mo ay katulad ka rin namin. Anong ibig sabihin non?" Mayroon nang nahuhulaan si Hua Yao pero itinanong niya pa rin.

Bahagyang tumawa si Fan Zhuo at nagsalita: "Matagal na panahon na, sa kanilang paglalakbay para hanapin ang puntod ng Dark Emperor, nagpadala ng mga tauhan ang Twelve Palaces para hanapin iyon at ilan sa kanila ang Natagpuan iyon. Ang mga taong iyon ay nagmula sa iba-ibang palasyo. Para mapatahimik ang bawat isa, iginuhit nila sa kanilang likuran ang mapa at bumalik sa kani-kanilang palasyo. Ngunit hindi nila inaasahan ang naghihintay sa kanila. Lahat sila ay pinatay maging ang kanilang mga pamilya..."

Ang nakangiting mata ni Fan Zhuo ay may bakas ng galit. Inilibot niya ang kaniyang tingin kina Hua Yao, Qiao Chu, Fei Yan at Rong Ruo. "Nang isinasagawa ang pagpatay sa kanila, may isang tao na lihim na in iligtas ang mga bata ng mga pamilyang iyon. Isa sa mga batang nailigtas ay nanggaling sa Bone Shifters' Tribe. Kung hindi ako nagkakamali, kayo ang mga batang iniligtas?"

Labis na ikinagulat nina Hua Yao ang sinabing iyon ni Fan Zhuo. Lahat sila y gulat na nakatingin kay Fan Zhuo.

"Kung gayon...sino ka?" Alam nito ang nangyari sa Middle Realm. Alam din nito ang paghahanap ng Twelve Palaces sa puntod ng Dark Emperor. Ano ang tunay na pagkatao ni Fan Zhuo?!

Mapait na ngumiti si Fan Zhuo.

Isa lang akong ampon nainabanduna sa Heaven's End Cliff."

avataravatar
Next chapter