558 Heaven’s End Cliff (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Mag-isa kang pumunta at huwag mong kakalimutang magpalit ng anyo." Hindi nakaligtas ng ipaalala ni Jun Wu Xie iyon kay Hua Yao.

Nakilala silang lahat ni He Chang Le kahapon sa Chan Lin Auction House. Kung sila ay muling magtutungo doon gamit ang kanilang tunay na pagkakakilanan, maraming balita ang kakalat tungkol sa kanila.

Para iwasan ang maaaring maging problema, inihabilin iyon ni Jun Wu Xie kay Hua Yao.

"Sige." Saad ni Hua Yao. Nag-iisip siya anong klaseng itsura ang gagawin niya.

Matapos ang ilang oras na paghahanda, nagpalit ng anyo si Hua Yao bilang lalaking naglalaro sa trenta o kwarenta ang edad, saka nagtungo sa Chan Lin Auction House kung saan ipinagkatiwala niya kay He Chang Le ang kaniyang mga dala.

Tanghali na nang siya ay makabalik. At sina Jun Wu Xie ay inaantay na siya upang sabay-sabay silang mananghalian.

"Kuya Hua, ayos na ba?" Tanong ni Qiao Chu nang kaniyang makita si Hua Yao na naglalakad palapit at may malaking ngiti sa mga labi.

Labis namang nagulat si Fan Zhuo nang makita ang hindi pamilyar na lalaki at narinig niyang tinawag ito ni Qiao Chu na "Kuya Hua".

Naramdaman ni Hua Yao na hindi niya na kailangang itago iyon kay Fan Zhuo. Bahagya niyang tinakpan ang kaniyang mukha at ang kaniyang mga buto ay agad na nagbago sa isang kisapmata lang. Nanumbalik ang kaniyang itsura sa orihinal nitong anyo.

Nanlaki ang mga mata ni Fan Zhuo at nanginig ang mga labi habang nakatitig kay Hua Yao.

"Little Zhuo, kumalma ka. Madali lang kay Kuya Hua ang baguhin ang kaniyang anyo." Pagpapakalma ni Fei Yan kay Fan Zhuo at tinapik-tapik ito sa balikat.

"Bone Shifters' Tribe..." Lumabas ang tatlong salitang iyon sa bibig ni Fan Zhuo.

Sa oras na iyon, nagbago ang ekspresyon sa mukha ng lahat ng nasa silid maliban kay Jun Wu Xie.

Ang Bone Shifters' Tribe ay isang pangkat sa Middle Realm. May kakayahan silang kontrolin ang kanilang mga buto. At ang pangalang iyon ay kilala lang ng mga taong nanggaling sa Middle Realm.

Nang mapagtanto nilang alam ni Fan Zhuo ang tungkol sa Black Jade Stone at Black Silver, iniisip na lang nila na narinig nito iyon sa mga taong may koneksyon sa kaniyang ama. Ngunit ipinapakita pa nito ngayon na nakikilala nito si Hua Yao na nagmula sa Bone Shifters' Tribe! Kaunti lang ang nasa pangkat ng Bone Shifters' at hindi sila madalas makita sa Middle Realm. Kahit na alam ng mga taong galing sa Twelve Palaces ang tungkol sa pangkat na iyon, wala naman silang nakikitang dahilan para kailanganing banggitin iyon dito sa Lower Realm.

Paanong nalaman ni Fan Zhuo ang tungkol dito?

Ang lahat ay nakatingin kay Fan Zhuo. Unti-unting naglaho ang pagkagulat ssa mukha ni Fan Zhuo saka yumuko. Ang namumutla nitong mukha ay natatakpan ng anino kaya hindi nila makita ang ekspresyon sa mukha nito ngayon.

Subalit, nang nagsisimula pa lang magtaka ang lahat, tinakpan ni Fan Zhuo ang kaniyang mukha at malakas na tumawa.

"Hindi na ako nagtataka...na nang banggitin ko ang tungkol sa Black Jade Stone at Black Silver ay ganon na lang ang gulat niyo...Kaya pala lahat kayo ay interesado sa Heaven's End Cliff...bakit ba hindi ko nahulaan iyon..." Hindi matigil si Fan Zhuo sa pagtawa.

Mayamaya ay nag-angat ng tingin si Fan Zhuo at nakangisi silang tiningnan.

"Alin sa Twelve Palaces kayo nagmula?"

Nanigas sina Qiao Chu sa kanilang kinauupuan. Ang sinabing iyon ni Fan Zhuo ay nagbibigay sa kanila ng hudyat...

May alam ito tungkol sa Middle Realm, at alam din nito ang tungkol sa Twelve Palaces!

"Little Zhuo, anong nangyayari dito..." Dahil sa nakita nilang pagbabago sa reaksyon ng mukha ni Fan Zhuo, hindi alam ni Qiao Chu anong gagawin o sasabihin sa oras na iyon.

Ang mahinahong binata, ngayon ay may malademonyong titig sa kanila!

Tumitig si Fan Zhuo sa mga mata ng bawat isa. At ilang saglit lang ay nanumbalik na ang mahinahong itsura nito.

avataravatar
Next chapter