555 Heaven’s End Cliff (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lahat ng maaari nilang batayan ay nagtuturo na ang puntod ng Dark Emperor ay posibleng matatagpuan sa Heaven's End Cliff. At ang mga miyembro ng Twelve Palaces ay hindi talaga sinama ang baba ng Heaven's End Cliff.

Sa tapang ng Twelve Palaces, imposibleng hindi pa rin nila nahahanap ang puntod ng Dark Emperor.

Ngunit kung puro patibong ang lugar at natatakpan ng makapal na hamog, kailangan nila ng kompletong mapa para matunton ang lugar.

"Nabanggit ni Mu Qian Fan mayroong lumapit sa kanila para kanilang tignan ang sitwasyon sa baba ng Heaven's End Cliff. Ibig sabihin, ang mga taong iyon ay may hawak ng parte ng mapa. Posible kayang sila ay nagmula sa Twelve Palaces? O di kaya'y ang taong lumapit kay Mu Qian Fan ay ang taong may hawak ng mapa na nasa Zephyr Academy?" Nakakunot-noong hinimas ni Fei Yan ang kaniyang baba.

"Maaaring taga-Twelve Palaces nga iyon na naririto sa Lower Realm." Saad ni Jun Wu Xie na parang siguradong-sigurado.

"Bakit?" Tanong naman ni Fei Yan.

Sumagot naman si Jun Wu Xie: "Sinisikap pa rin ng Twelve Palaces na makumpleto ang mapa. Ibig sabihin lang non ay hinihila rin nilang nasa baba ng Heaven's End Cliff ang puntod ng Dark Emperor at alam nila ang sitwasyon doon. Kaya naman nag-utos sila ng ibang tao para alamin ang kalagayan sa cliff. Kung tama ako ng hula, hindi siguradong-sigurado ang Twelve Palaces kung talaga nga bang nasa baba ng Heaven's End Cliff ang puntod ng Dark Emperor. Ang ekspedisyon nina Mu Qian Fan ay maaaring gawa ng isa sa Twelve Palaces."

Saglit na nag-isip muna si Jun Wu Xie bago nagpatulyo: "Base sa sinabi ni Mu Qian Fan, ang taong nag-utos sa kaniya ng misyong iyon ay alam ang panganib na nasa baba ng Heaven's End Cliff at naiisip kong hindi ito kikilos anumang oras ngayon."

Ang Heaven's End Cliff ay hula lang ng Twelve Palaces at hindi talaga sigurado ang mga ito. Kaya naman hindi nila ito gaanong pinagtuunan ng pansin dahil sa mapanganib nga ang lugar na iyon.

Dahil diyan, ang mga taong taga-Twelve Palaces ay nanggaling na sa Heaven's End Cliff noon at wala ring napala. Ang usap-usapan tungkol sa Heaven's End Cliff ay kalat sa Twelve Palaces para kunin ang interes ng mga tao at magtungo sa mapanganib na lugar na iyon para sila ay mabigyan pa ng karagdagang detalye tungkol sa lugar.

"Dapat ba tayong magtungo sa Heaven's End Cliff?" Nasabik si Qiao Chu sa isiping iyon. Kung talaga ngang nasa baba ng Heaven's End Cliff ang puntod ng Dark Emperor, kahit na kinakailangang nilang manatili doon ng isang dekada ay gagawin nila para lang mahanap ang puntod!

Sumagot naman si Hua Yao: "Masyadong mahina ang pagkakaintindi mo doon. Kung ganon kadaling matagpuan ang puntod ng Dark Emperor, hindi na gaanong mag-aalala ang Twelve Palaces. Nabanggit nga ni Mu Qian Fan na dalawang araw lang ang tinagal nila sa baba at isang daang metro lang ang kanilang nalakad doon. Isa lang ang natirang buhay galing sa labing isang nagtungo roon. Ngayon may ideya ka na kung gaano kapanganib ang lugar na iyon. Kung wala ka ng kompletong mapa na pupunta doon, panigurado ang iyong kamatayan."

Hindi siya nag-aalalangang pumunta pero marami siyang bagay na dapat ikonsidera.

Kung lahat sila ay mamamatay sa Heaven's End Cliff, walang makakapaghiganti para sa hustisyang hindi nakamit ng kanilang mga magulang.

Natahimik si Qiao Chu. Naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin ni Hua Yao.

Pinisil-pisil ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh at nagsalita: "Pwede tayong magpunta, pero hindi para hanapin ang puntod ng Dark Emperor. Mainam kung aktwal nating makikita at masasaksihan ang sitwasyon sa baba ng Heaven's End Cliff."

avataravatar
Next chapter