554 Heaven’s End Cliff (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

'Glug...Glug...'

Natagpuan ni Mu Qian Fan ang kaniyang sarili na pinilit inumin ang hindi niya kilalang elixir.

Nang tuluyang malunok ni Mu Qian Fan ang elixir at ang maligamgam na tubig, doon pa lang siya binitawan nina Qiao Chu.

Halos mabulunan naman si Mu Qian Fan. Wala siyang nagawa kundi ang tumitig sa grupo ng kabataang nasa kaniyang harapan. Magrereklamo na sana siya nang makaramdam siya ng banayad na pakiramdam sa kaniyang katawan. Naibsan ang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang mga sugat.

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa labis na pagkasurpresa.

"Ang elixir."

"Ay magdudulot lang ng banayad na pakiramdam." Simpleng saad ni Jun Wu Xie. Hindi niya pa matukoy kung anong lason ang dumapo kay Mu Qian Fan at kailangan nitong maghintay bago siya makagawa ng lunas para doon.

Gulat na gulat si Mu Qian Fan. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit gusto ni Jun Wu Xie na kumuha ng kaniyang laman. Ang batang nasa kaniyang harapan ay nais gamutin ang lason sa kaniyang katawan!

Tumayo si Mu Qian Fan at yumuko sa harap ni Jun Wu Xie.

"Tatandaan ko ang iyong kabaitan. Habang ako ay nabubuhay, pagsisisilbihan kita Young Master!"

Hindi sumagot si Jun Wu Xie at sumulyap lang kay Mu Qian Fan.

Labis na nagpapasalamat si Mu Qian Fan. Ngunit tumayo lang ang grupo nina Jun Wu Xie at umalis. Mayroon pa silang importanteng bagay na kailangang gawin.

Naipadala na ang Black Jade Stone sa Inn. Pagkarating nila sa Inn ay tinanong nila sa innkeeper kung saan sila makakahanap ng smithy. Matapos ituro sa kanila, nagrenta naman ng karwahe si Fan Zhuo at nagtungo roon. Gusto niyang makuha ang Black Silver sa Black Jade Stone. Kasama niya si Rong Ruo patungo roon.

Sa silid ni Jun Wu Xie, tanging si Qiao Chu, Fei Yan at Hua Yao lang ang naroon.

"Tungkol sa sinabi ni Mu Qian Fan, Kuya Hua, anong masasabi mo?" Nakaupo sa lamesa si Fei Yan nang kaniya iyong itanong.

Sumagot naman si Hua Yao ng bahagyang nakalukot ang mukha: "Ang hinala ko, nasa baba ng Heaven's End Cliff ang puntod ng Dark Emperor."

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ni Jun Wu Xie na nabubuhayan ng interes sa kanilang usapan.

"Mayroon kaming mapa at alam mo iyon Little Xie. Nahawakan namin iyon noong tayo ay nasa Qing Yun Clan. At nitong nasa Zephyr Academy tayo, iniimbestigahan naman ang lokasyon ng ikalawang piraso ng mapa na mayroon kami. Kinumpara na ni Fei Yan ang bawat mapa sa mapa na hawak namin at wala iyong katulad. Kung titignan mong maigi, patag na patag ang nasa mapa at walang bundok o burol na makikita roon. Nong una, inisip namin na nasa isang malawak na kapatagan iyon, ngunit matapos marinig ang mga sinabi ni Mu Qian Fan, ang lokasyon na tinutukoy sa mapa ay ang mismong baba ng Heaven's End Cliff." Mahabang salaysay ni Hua Yao.

Ang puntod ng Dark Emperor ay nasa Lower Realm at alam iyon ng lahat. Matindi ang preparasyong isinagawa nila bago makuha ang mapa. Nagikot-ikot si Fei Yan at ginawan ng mapa ang mga lugar na kaniya nang napuntahan. Gusto nilang ihanda ang kanilang mga sarili para sa araw na makukumpleto nila ang mapa sa balat ng tao para matunton ang puntod ng Dark Emperor sa lalong madaling panahon.

Ngunit ang unang piraso ng mapa na hawak nila ay hindi nagtutugma sa mga mapang inipon ni Fei Yan. Inisip nilang hindi kumpleto ang mapang kanilang natanggap o di kaya'y hindi pa napupuntahan ang lugar na iyon.

Ngunit hindi pumasok sa isip nila na ang mapang kanilang hawak ay ang mapa sa baba ng Heaven's End Cliff.

Ayon sa sinabi ni Mu Qian Fan, ang lupa sa baba ng Heaven's End Cliff ay madilim at puno ng hamog. Ang tanging nadala lang nito galing doon ay ang Black Jade Stone na tanging sa Middle Realm lang matatagpuan.

avataravatar
Next chapter