1496 Halimuyak ng Babae (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bago pa matigil sa pag-iisip si Zi Jin, ay nagbukas ang pintuan ng silid ni Jun Wu Xie. At laking gulat niya ni Zi Jin, hindi si Jun Wu Xie ang nagbukas ng pintuang iyon, sa halip ay isang lalaki na may kasuotang kulay pula na mukhang masama at may kaakit-akit na mukha!

Sa sandaling iyon, lahat ng mga disipulo na kababaihan na sumisilip mula sa labas ay biglang natigagal.

[Ang mukha ng kahali-halinang lalaki na iyon ay talagang kaakit-akit!]

[Ngunit!]

[Hindi iyon ang parehong binatilyo na lumipat!!]

Ang Spirit Jade Palace Lord ay hindi nagawang matamasa ang kapayapaan nitong mga nagdaang araw nang bigla ay nahuli niya ang ilang dalagita na umiiyak at nagtipon sa kaniyang harapan, luhaan ang mga mukha at nagrereklamo na si Jun Wu Xie ay may "tinatagong lalaki" sa bahay, na hindi lamang isang lalaki ang naninirahan doon.

Ang anyo ng Spirit Jade Palace Lord ay naging isang arko ng liwanag, at naglaho sa harapan ng mga disipulo, at mabilis na narating ang bakuran ni Jun Wu Xie.

Ang bulaklak ng lotus ay nangingibabaw sa lawa na nasa loob ng bakuran. Kararating pa lamang ng Spirit Jade Palace Lord sa bakuran ng agad ay maamoy niya ang halimuyak ng lotus. Ang amoy ay hindi nagmumula sa lawa at nagdulot iyon ng pakiramdam ng kaginhawaan na maamoy. Sa ilalim ng halimuyak ng lotus, may naamoy rin siyang aroma ng alak.

Hindi siya nag-utos na dalhan ng alak si Jun Wu Xie.

Naglakad ang Spirit Jade Palace Lord palapit at tumayo sa nakasarang pintuan, ang kulay ay bahagyang magkasalubong. Itinaas niya ang kamay ngunit ayaw niyang hawakan ang pintuan at sa huli ay ginamit ang lakas sa kaniyang palad upang buksan ang pintuan.

Bigla, lahat ng nasa loob ng silid ay nahantad sa Spirit Jade Palace Lord.

Ang binatilyo ay nakaupo sa kamesa at nilalaro ang Snow Lotus na nasa palanggana habang ang isang kaakit-akit na white robed na binata ay tinatadyakan ang isang kahali-halinang red robed man mula sa ibabaw nito habang ang binata ay hinihila ang wine gourd sa kamay nito.

Ang eksenang iyon…

Isang kilabot ang agad kumislap sa mata ng Spirit Jade Palace Lord. Ngunit bago pa man siya umatake, isang kulay-rosas na spirit energy ang sumabog mula sa kaniyang spirit ring na nasa daliri!

"Little Lotus Flower!" Isang anyo na kulay-rosas ang bigla ng sunggab kay Drunk Lotus na malupit na binubugbog si Poppy.

Halos walang oras si Drunk Lotus na makabawi sa kaniyang diwa nang makita ang sarili na itinulak sa sahig.

Ang malakas na bagsak ay gumambala sa ginagawa ni Jun Wu Xie na paglinang. Dahan-dahang minulat niya ang mata at ang una niyang nakita ay ang madilim na mukha ng Spirit Jade Palace Lord. Pagkatapos ay sinundan niya ng tingin ang tinitingnan ng Palace Lord at kaniyang nadiskubre…

Isang lalaking may maskuladong katawan, kaakit-akit na mukha at malaki ang ngiti, ang nakadagan kay Drunk Lotus. Ang mas kinagulat ni Jun Wu Xie, ang lalaki na higit na matipuno at maskulado kay Long Qi at sa mga tauhan nito, ay nakasuot ng matingkad na kulay rosas na damit…

Maging si Jun Wu Xie na may kahinaan sa mga kulay-rosas, ng mga sandaling iyon ay napuno ang utak ng mga salita na "King Kong Barbie"!

"Ikaw na kahabag-habag! Bitawan mo ako! Letse!" Si Drunk Lotus ay yakap ng "Kong Kong Barbie" at halos mawalan ito ng ulirat dahil sa tumama sa kaniyang puwersa.

Napaka lamig ng sulyap ni Jun Wu Xie, at dahan-dahan niyang nilingon ang Lord ng Spirit Jade Palace.

"Ito…"

"Ang aking Ring Spirit." Halos pabulong na sagot ng Spirit Jade Palace Lord, halos hindi humihinga, parang isang sigaw na piniga mula sa kaibuturan ng kaniyang kaluluwa, at unti-unting napunit.

"Plum blossom?" naamoy ni Jun Wu Xie ang plum blossom na kumalat sa hangin sa loob ng silid.

"Tenacious Snow Plum Blossom." Nakayuko na sagot ng Spirit Jade Palace Lord, ang kamay niya ay hawak ang kaniyang noo, tinakpan ang ekspresyon na nasa mukha niya sa mga oras na iyon.

Hindi kailanman inakala ni Jun Wu Xie na ang Lord ng Spirit Jade Palace sa katunayan ay nagtataglay din ng isang plant type ring spirit! Kaya pala naniwala ito sa kaniyang mga sinabi na siya ay inuusig ng Twelve Palaces dahil sa taglay na plant type ring spirit.

avataravatar
Next chapter