1495 Halimuyak ng Babae (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng Spirit Jade Palace, bukod sa Palace Lord, lahat ng mga disipulo ay babae. Sila ay mga batang babae na walang alam tungkol sa mundo sa labas, sila ay rin mga banayad at marikit ng mga dalaga na may magagandang ngiti. Ang lahat ay kaakit-akit na mga babae na magagawa sungkitin ang puso ng mga lalaki at mga matatandang babae na may magiliw na sulyap sa kanilang mga mata.

Sa buong Spirit Jade Palace, at sa kaloob-looban ng Mount Fu Yao mismo, ilang tao lamang ang nakapasok sa palace, at ang kaisa-isahang lalaki na Palace Lord lamang.

Subalit, sa puso ng mga disipulo, ang tingin nila sa Palace Lord ay nahigitan na lahat ng hangganan at katangian sa pagitan ng mga kasarian. Ito ay naging matatag na uri ng pananalig na inaasahan ng kanilang puso, ang kanilang tanging paniniwala sa pagsamba.

Ngunit ngayon ay nagbago ang mga pangyayari. Isang kaakit-akit na binatilyo ang biglang nanirahan sa Spirit Jade Palace. At nagdulot ng takot sa karamihan ng mga dalaga na hindi pa nagagawa na lumabas ng pintuan ng Spirit Jade Palace.

Hindi naman masama na paminsan-minsan ang mga disipulo ay lumabas katulad ni Zi Jin sapagkat hindi pa sila nakakakita ng ilang kalalakihan sa labas at hindi nila masyadong iniisip ang sitwasyon. Ngunit para sa mga dalaga na simula ng makarating sa Spirit Jade Palace ay hindi pa nagawa makisalamuha sa ibang kasarian maliban sa Palace Lord, iyon ay malaking bagay sa kanila, at isang mabigat na sitwasyon.

Simula sa unang araw na pumasok si Jun Wu Xie sa Spirit Jade Palace, ay nagkaroon ng debate at hindi tumigil maski sandali.

Ang unang pagkakataon na nilinlang ni Jun Wu Xie si Zi Jin sa pagdadala dito papasok sa Spirit Jade Palace, maraming disipulo ang tinipon sa loob ng pangunahing bulwagan ng palace at nakita itong kakaibang binatilyo, ngunit hindi nila inaasahan na ang mismong binatilyo na iyon ay biglang magiging residente nila.

Ang ilan ay takot, ang ilan ay kinabahan, at may iba rin na nakaramdam ng pag-uusisa. Lahat ng mga musmos na dalagita ay may pangamba sa kanilang puso habang nakaupo sa labas ng bakuran ni Jun Wu Xie, inaasam na masilayan ang binatilyong ito.

Kung alam lamang ni Jun Wu Xie na ang kaniyang katamaran na humahadlang sa kaniya sa pagpapaliwanag na siya sa katunayan ay isang babae ay hahantong upang siya ay maging kakaibang specimen sa lahat ng nasa Spirit Jade Palace na palilibutan upang panoorin at hangaan, marahil sa simula pa lang na nakatapak siya sa Spirit Jade Palace ay kaniya nang sinabi na siya ay isang babae, isang tunay na babae noon pa man!

"Senior Zi Jin. Tunay ba na si Young Master Jun ay ang iyong tagapagligtas na nagligtas sa iyong buhay?" Isang batang babae na may dalawang tumpok ng buhok na nakatali sa ulo ay nagtanong habang nakaupo sa labas ng bakuran ni Jun Wu Xie, bumaling ang ulo nito kay Zi Jin na nakatayo sa kaniyang likuran.

Napasimangot ang mukha ni Zi Jin at sinabi: "Sinong nagsabi sa iyo na siya ay aking taga-pagtanggol?!"

Blankong kumurap ang batang babae. "Hindi ba't si Young Master Jun ang nagligtas sa iyo mula sa mga masasamang lalaki na nagmula sa Twelve Palaces?"

Nainis ang ekspresyon sa mukha ni Zi Jin, saglit na nawala at ang pagsasalita ay biglang bilis. "Ibang bagay iyon! Iniligtas niya ako, tama iyon. Ngunit… hindi siya ang tagapagligtas." Nang maalala niya ang parte kung saan ay pinainom siya nito ng gamot, ay biglang nag-aalab sa galit ang mukha ni Zi Jin.

 Hindi lubusang maintindihan ng batang babae iyon at bigla siyang hinampas sa ulo ni Zi Jin.

Isang disipulo na magdadala ng pagkain ang tumawa nang ito'y dumaan, at pumasok sa loob ng bakuran. Sa kabilang dulo, may ilang disipulo ng Spirit Jade Palace ang sumilip din sa lugar.

Ang disipulo na may dala ng pagkain at akmang kakatok ay nakarinig ng mga boses na nagmumula sa loob ng silid.

"Kung patuloy kang magsasabi ng mga walang kwentang bagay dito, maniniwala ka ba na magagawa ko na hindi ka makaalis sa higaan sa susunod na tatlong araw?"

Boses na tanging isang binata lamang ang mayroon, malakas at malinaw na may bakas ng sigla. Ang mga salitang iyon na nagdulot sa takbo ng utak ng isang tao na magwala ay naging dahilan upang ang disipulo ay mapatigil sa harapan ng pintuan.

Nakita ni Zi Jin ang disipulo na magdadala ng pagkain nang ibaba nito iyon sa tapat ng pintuan at biglang nagtatakbo palayo doon, na bahagyang pinagtakhan niya.

Ang disipulo na iyon ay isa sa matandang babae dito sa Spirit Jade Palace at madalas na lumalabas kaysa sa kaniya. Kaya naman, marami itong alam at naiintindihan sa mundo sa labas dahil kung hindi ay hindi ito inutusan na magdala ng pagkain. Ngunit…

[Anong nangyari dito? Bakit bigla na lamang ito umalis na parang isang pana?]

Bago pa matigil sa pag-iisip si Zi Jin, ay nagbukas ang pintuan ng silid ni Jun Wu Xie. At laking gulat ni Zi Jin, hindi si Jun Wu Xie ang nagbukas ng pintuang iyon, sa halip ay isang lalaki na may kasuotang kulay pula na mukhang masama at may kaakit-akit na mukha! 

avataravatar
Next chapter