1494 Halimuyak ng Babae (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng Spirit Jade Palace, ang Lord ng Spirit Jade Palace ay nakaupo sa kaniyang upuan at ang kaniyang kaakit-akit na hugis almendras na mata ng mga sandaling iyon ay nakapako sa papael na ginagamit niya sa pagguhit.

"My Lord." Ang anyo ni Granny Yue ay nasa labas ng pintuan.

"Ang tirahan ni Young Master Jun ay maayos na. Wala ng dapat ipag-alala ang aking Lord."

"Mm." Bahagyang tumango ang Spirit Jade Palace Lord.

"Nakita ng inyong lingkod na si Young Master Jun ay nagtataglay ng malamig na katauhan at may pares ng malinaw na mata na walang panlilinlang. Mukhang siya ay isang tao na walang masamang intensyon at malamang ay hindi iistorbohin ang ibang mga disipulo na nasa palace." Sabi ni Granny Yue sa Palace Lord.

"Alam ko iyon." Saad ng Spirit Jade Palace Lord habang nanlulumong minasahe ang kaniyang sentido. "Kung siya ay talagang isang tao na may hindi magandang intensyon, ay hindi ko siya pahihintulutan maski makatapak man lang sa loob ng palace. Hindi ako nag-aalala na may gawin siya sa mga disipulo ng palace, ang dahilan kung bakit hindi ko nais na manatili siya sa palace ay isang bagay na siguradong alam ni Little Yue."

Nakatitig si Granny Yue sa lupa. Ang tawag na iyon sa kaniya na "Little Yue" maaaring kakaiba ang tunog para gamitin sa isang matandang babae na tulad niya, ngunit iyon ay isang uri ng tawag na narinig niyang ginamit sa kaniya ng lalaki sa buong buhay niya.

"Malinaw kong naiintindihan ang pag-aalala ng aking Lord. Ang inyong lingkod ay mag-uutos ng mga tao upang magbantay mabuti at siguruhin na walang hahawakan na kahit ano si Young Master Jun sa mga pag-aari ng aking Lord."

"Mm, magpahinga ka na rin." Saad ng Spirit Jade Palace Lord sabay ikinumpas ang kaniyang kamay.

Agad umalis ng silid si Granny Yue.

Ang Spirit Jade Palace Lord ay mag-isa na nakaupo sa kaniyang silid, at tinitigan ang blankong papel sa kaniyang harapan bago nagbuntong-hininga.

Maayos na ang kalagayan ni Jun Wu Xie sa loob ng Spirit Jade Palace sa ngayon at ayos sa kaniyang "kasunduan" (bagaman sa ilalim ng pananakot) sa Spirit Jade Palace Lord, tatlong hapag ang dinadala sa kaniya araw-araw at kadalasan ay mabilis na katok lamang iyon sa pintuan ng kaniyang silid at makikita ni Jun Wu Xie ang mabilis na papalayo na anyo na nag-iwan ng pagkain sa tapat ng pintuan.

Dahil walang ibang gagawin, nanatili si Jun Wu Xie sa loob ng kaniyang silid upang linangin ang kaniyang spirit powers. Bagaman ang Masters at Mistresses ng plant type ring spirits ay hindi kaagad makakakuha ng mabilis na pagsulong sa kanilang paglinang sa isang lugar na may matinding spirit energy tulad ng ibang tao. Nalaman noon ni Jun Wu Xie na bagaman hindi niya magagawa na makuha ng diretso ang spirit energy, ay magagawa niyang itaas ang bilis ng pagpalit sa pamamagitang ng paglinang ng Imperial Snow Lotus, na nagpabilis din sa paglaki ng Imperial Snow Lotus.

Bagaman ang paglinang sa Imperial Snow Lotus gamit ang Water of Heaven's Spring ay hindi gaanong nagbigay sa kaniya ng malaking epekto sa paglinang ng katawan ni Little Lotus mismo, ngunit sa paraan ng pagkain ay maka-pagbibigay pa rin ito ng epekto na hindi magagawang makamit maski ng pinaka-mahusay na mga elixir, na mas mabuti para sa pagtayo at paglago ng katawan. Nagtanim si Jun Wu Xie ng ilang bulaklak ng Imperial Snow Lotuses sa panahong iyon bilang layunin para sa paglalakbay na ito sa Middle Realm, bukod sa pagpapahirap sa Twelve Palaces, balak ni Jun Wu Xie na magtungo sa Spirit World upang hanapin ang kaniyang ama, ang spirit ni Jun Gu. bagao makamit iyon, kailangan niya masiguro na ang katawan ni Jun Gu ay buo kaya naman siya ay naglinang ng mga bulaklak ng Imperial Snow Lotus upang maging elixir at hinaluan iyon ng tubig upang ibuhos iyon sa lalamunan ni Jun Gu na malaki ang magiging epekto.

"Nakakalungkot na ang aking mga buto ay hindi magagawa na linangin ng Mistress mismo. Dahil nais ko makita ang Mistress na bigyang-pansin ang aking mga buto pareho ng matinding konsentrasyon na ibinibigay mo sa mga lotus na iyan ngayon." Hindi alam kung kailan lumabas si Poppy at tamad na umupo sa kama, ang kaniyang kapansin-pansin na leeg ay nagtataglay ng kaakit-akit na neckline.

Ang pusang itim ay tinapunan ng tingin si Poppy, likas na kahali halina, at nagpatuloy ito sa pag dila ng kaniyang kamay.

[Ang tampalasan na ito ay malakas ang loob marahil ay alam niya na ang Great Demon Lord ay wala sa tabi ni Jun Wu Xie at si Ye Sha at Ye Gu ay hindi pinapasok sa Spirit Jade Palace, na hindi nagawa ng dalawa na magdala ng mga kuwneto, kaya mabilis na naman itong nagbalik sa dating mga kilos ngayon!]

"Kung patuloy kang magsasabi ng mga walang kwentang bagay dito, maniniwala ka ba na magagawa ko na hindi ka makaalis sa higaan sa susunod na tatlong araw?" Biglang napalundag si Drunk Lotus sa isang upuan na nasa gilid, isang halamang upo ang nasa kamay, ang namumula na mukha ay nakatitig kay Poppy.

Ang pusang itim ay napasampal sa munting mukha niya.

[Ang mga salitang iyon! Masyadong marumi!]

avataravatar
Next chapter