489 Guardian Grade Spirit Beast (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng kagubatan, nakatumba ang mga puno sa lupan. Nanlalagas pa rin ang mga dahon sa natitirang nakatayo na mgabl puno dahil sa sunod-sunod na pagyanig.

Maamoy sa hangin ang matapan na amoy ng dugo. At may biglang nagpagitna sa mundo at langit. Nakakabinging ungol ang maririnig sa higanteng halimaw na para siysng hahati sa mundo!

Iyon ang Guardian Grade Spirit Beast na may matutulis na kuko na kasing laki halos ng mga binti nito! Siyam na puting buntot ang na wumawagayway sa hangin sa likod ng halimaw at kahit ano man ang masaging bagay nito, mapapuno man o bato, madalian itong mawawasak dahil sa malakas na pwersa nito. Dalawang nakabaluktot na sungay ang nasa uki nito at napakapulang mata nito ay puno ng galit.

Ang katawan ng halimaw na ito ay puti at may makintab na balahibo, nagniningning na pulang halimaw pa rin ang nangingibabaw sa itsura nito!

Ang galit na Guardian Grade Spirit Beast ay kayang sirain ang lahat!

Sa ilalim ng mga umuulan na bato, naglibot si Long Qii para ipunin ang mga sugatang tao ng Rui Lin Army at itago sa puno para pagpahingahin.

Isa sa mga tao ng Rui Lin Army ang halos naputol ang isang kamay dahil sa Wind Blade ng Guardian Grade Spirit Beast. Ang kawal na ito ay nawalan na ng maraming dugo at natutuyo na ang kulay nito. Ang temprtatura din nito ay mabilis ng bumabagsak.

"Heneral, iwan niyo na kami dito… Ikaw… dalhin mo si Rong Heng at ang iba pa malayo dito…" Sabi ng sugatang kawal na nakakapit sa damit ni Long Qi.

"Hindi natin matatalo ang Guardian Grade Spirit Beast. Dalhin mo si Rong Heng at ang iba pa malayo dito habang si Little Wu at ang iba pa ay pinipigilan ang Spirit Beast! Hindi na mahalaga ang buhay namin kumpara sa mga disipulo ni Master Mu. Para sa Rui Lin Army, mas importante ang mga dispulo nito anupaman." Pilit na paghinga ng dsugatang kawal para masambit ang mga katagang iyon at ang kulay niya ay mas lumala kaysa nung una.

Masungit ang mukha ni Long Qi. Napakabilis ng mfa pangyayari at di niya akalain na malala ang delikadong ekspedisyong ito.

Ang Guardian Grade Spirit Beast na kailan ma'y di pa niya nakita!

"Hindi ko iiwan ang mga kapatid ko." Paghihigpit ng mga panga nito. Sugatan na rin ang katawan niya, at sa grupo niya, siya ang pinakamalakas at pinakamahusay. At ito ang patunay na siya ang nakatanggap ng maraming pag atake ng Spirit Beast. At kung hindi dahil sa abilidad ng pagbabagong anyo kanyang Ring Spirit ay marahil patay na siya ngayon!

Tiningnan ni Long Qi ang sugatang si Rong Heng at ang iba pang disipulo. Tatlong disipulo mula sa Cloud Treading Peak sa ekspedisyong ito sa Battle Spirits Forest at ng umatake ang Guardian Grade Spirit Beast, prinotektahan ng Rui Lin Army ang tatlong disipulo sa abot ng makakaya nila.

Alam ng mga kawal na maraming tao ang Rui Lin Army at hindi ito masasaktan kung mabawasan man sila. Pero hindi pwede mapahamak ang tatlong disipulo ng Cloud Treading Peak. Sa pagprotekta nila sa bawat isang disipulo, magbibigay sila ng lakas sa mga kawal ng Rui Lin Army sa hinaharap!

Nasa katakot-takot na sitwasyon ngayon si Rong Heng at ang ilang disipulo nito. Kahit pa pinoprotektahan sila ng Rui Lin Army, sa sunod-sunod na pagyanig na ibinibigay ng Guardian Grade Spirit Beast

walang sinumang doktor ang makakaya ito.

"Heneral Long, hinila ka namin.'' Tiningnan ni Rong Heng si Long Qi, namutla ang mukha nito. Kung hindi dahil sa kanila, ang kakayahan nila sa pagiging Rui Lin Army ay kahit papano, kaya nilang matakasan ang Guardian Grade Spirit Beast kung di man nila ito kayang talunin.

"Wala kang kasalanan dito. Hindi ako masyadong maingat." Marahang kumipot ang mga mata ni Long Qi at biglang lumitaw dito ang matinding galit.

"Walang sinuman ang umasang dadaong ang mga batang ito. Kung hindi dahil sa kanila, hindi tayo malalagay sa kagimbal-gimbal na sitwasyong ito! At ang lahat ng masasamang iyon ay tumakbo at sa atin napunta ang galit ng Spirit Beast!" Galit na sinabi ng isa sa mga disipulo ng Cloud Treading Peak!

avataravatar
Next chapter