487 Guardian Grade Spirit Beast (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sinundan ni Jun Wu Xie si Ye Sga para humabol kay Long Qi at sa mga tauhan nito. Pagkatapos nila lakbayin ang masukal na kagubatan, narating na nila ang nakatagong lawa na natatakpan ng makakapal na puno.

Nagrereplika ang sinag ng araw sa lawa na para bang pisina ng mga pilak, kumikinang na parang bituin at isang tanawin na kay sarap pagmasdan. Sa dulo ng Spirit Moon Lake, nakayuko ang ilang Spirit Beasts habang umiinom ng tubig at nang naramdaman ang presensya ni Jun Wu Xie at ng kanyang mga kasama, agad itong nagsialisan at tumago sa madilim na ilalim ng mga puno.

"Ito ba ang Spirit Moon Lake? Pero... Nasaan ang mga tauhan ni Ning Xin at Rui Lin?" Tumingin si Qiao Chu sa paligid at walang ibang nakita kundi ang mga nagtago na Spirit Beasts.

Biglang tiningnan ni Jun Wu Xie si Ye Sha at biglang sumimangot ang mukha ni Ye Sha.

"Ano yun?" Tanong ni Jun Wu Xie.

"Biglang namatay ang Ink Snake. Ngunit bago ito namatay, sinundan ito ng mga tao bago sa Spirit Moon Lake. Mukhang hindi lang Spirit Moon Lake ang destinasyon nila." Pag-uulat ni Ye Sha kay Jun Wu Xie sa iyang mga natuklasan.

Habang nag-iisip sila ng malalim sa sinabi ni Ye Sha, biglang yumanig ang lupa sa kinatatayuan nila!

Ang matatayog na puno na nakapalibot sa Spirit Moon Lake ay niyanig, lahat ng Spirit Beasts na itinago ang kanilang sarili ay alam na ang nagbabadyang panganib. Tumakbo ulit sila at sa muli, ang tahimik at payapang tanawin ay biglang nagulo!

''Ano ang nagyayari?" Dahil sa sunod-sunod na pagyanig sa kinatatatuan nila ay hindi napakali si Fei Yan.

"Kumitid ang mga mata ni Jun Wu Xie at sinabing: "Dalhin niyo kami kung saan namatay ang Ink Snake."

"Oo!"

Gumalaw agad ang grupo at habang paalis sila sa patutunguhan nila, biglang sumakit ang mga tenga nila dahil sa narinig na mga tunog!

Isang malaki at napakalakas na ungol ang kanilang narinig na kahit kailanma'y di pa nila naranasan marinig ang ganitong klaseng lakas na tunog!

Dahil sa malakas na tunog na ito, nagawa nitong kumulo ang dugo ng mga nakakarinig nito!

Patuloy pa rin ito sa pag-iingay sa kapaligiran at mga dahon sa puno ay nagtatanggalan na.

"Guardian Grade… Spirit Beast…" Namutla na pareang papel ang mukha ni Fan Jin. Dahil sa lakas nito nakaramdam siya ng matinding pangamba sa kanyang puso.

Nakakita na siya isang beses ng Guardian Grade Spirit kasama ang kanyang ama at hindi niya makalimutan ang karanasan nito sa kanyang puso.

"Ano ang sabi mo?" Tiningnan ni Qiao Chu si Fan Jin at nanlaki ang mga mata nito.

Sumagot si Fan Jin na mukhang patay ang pagkaputla ng mukha niya: "Iyon ang Guardian Grade Spirit, walang iba… Ang Spirit Moon Lake ay nakalugar sa kanang bahagi ng ubod na malawak na Battle Spirit Forest at ang tubig sa Spirit Moon Lake ay pinakamainam na inumin sa lahat ng Spirit Beasts. Ngunit bihira lumabas ang Grade Spirit Beast sa Spirit Moon Lake, at bihira din itong masilayan."

Wala ni isa sa Zephyr Academy ang nagtangkang habulin ang Guardian Grade Spirit Beast. Alam ng karamihan ang balita na mas malakas pa ito kaysa sa Purple Sprit! Laging nasa eksena ang mga disipulo ng Zephyr Academy sa Spirit Hunt, kahit ang mga guro at Masters ng akademya ay hinarap ng Guardian Grade Spirit Beast, wala silang ibang pagpipilian kundi ang umalis!

Hindi akalain ni Fan Jin na makikita niyang muli itong Guardian Grade Spirit Brast!

"Ang direksyon kung saan galing ang ingay ay eksaktong lugar kung saan napatay ang Ink Snake.'' Dahan-dahang sinabi ito ni Ye Sha ngunit gulat pa rin itong binalita!

Binuntutan ng patago ng Ink Snake ni Ye Sha ang grupo ni Long Qi simula pa lang. At ang biglaang pagkamatay nito ay kasuspetsa-suspetsa na, at ngayong narinig nila, sa direksyon kung saan napatay ang Ink Snake, andun din ang Guardian Grade Spirit Beast? Ano bang binabalak nila!?

Ibig sabihin ba nito, si Long Qi at ang grupo nito at ang nakabuntot sa kanilang Ink Snake ay nakaharao na ang Guardian Grade Spirit Beast!?

avataravatar
Next chapter