webnovel

Ganoon Pala Iyon (1)

Editor: LiberReverieGroup

Sa sandaling makabalik si Jun Wu Xie sa Mount Fu Yao, ay nagsisimula na mabanaag sa

kalangitan ang liwanag. Mangilan-ngilang tao pa lamang ang nasa kalsada sa ituktok ng

bundok. Walang ingay na naglakad siya sa panuluyan kung saan siya namamalagi at dahan-

dahang itinulak ang pintuan, ang ilang tunog ng paghili ay agad na narinig. Isang matangkad na

anyo ang nakaupo sa higaan na nasa isang tabi, ang kaakit-akit na mukha nito ay hindi

maipinta dahil sa pag-aalala habang malaungkot na natulala sa bintana.

Nang marinig niya ang pintuan na itinulak papasok, ay agad lumingon ang ulo nito, tahimik na

tumingin kay Jun Wu Xie, at biglang nagliwanag dahil sa kaligayahan.

Inilagay ni Jun Wu Xie ang kaniyang daliri sa labi na nagsasabing manatili itong tahimik at

sinenyasan ito, nagsasabi na lumabas si Qiao Chu.

Agad lumabas si Qiao Chu at silang dalawa ay kinuha ang pagkakataon na hindi pa maliwanag

at naghanap ng lugar sa kagubatan kung saan ay walang tao sa paligid at naupo sa damuhan.

Halos kakaupo pa lamang niya ng hindi na mapigilan ni Qiao Chu na magsalita.

"Saan nagpunta ang aming dalaga at nawala ng buong magdamag!? Naghintay ako buong gabi

at nang makita ko na hindi ka pa nagbabalik, naisip ko na may nangyari sa iyo!" Panaghoy ni

Qiao Chu habang nakatingin kay Jun Wu Xie, malungkot ang mukha. Nang ang lahat ay

maghiwa-hiwalay at nagtungo na sa kani-kanilang daan papunta sa Mount Fu Yao, ay naniwala

sila sa kapangyarihan ng bawat isa. Ngunit himala na nakabungguan si Jun Wu Xie kahapon at

nakita ito ng ilang sandali at nawala buong gabi. Ang kaawa-awa niyang puso ay nahirapang

tanggapin iyon.

"May inasikaso lamang ako." Tila may naisip bigla si Jun Wu Xie kaya ibinuka niya ang bibig at

tinawag: "Ye Sha, Ye Gu."

Sa sandaling narinig ang boses niya, ang anyo ni Ye Sha at Ye Gu ay agad nagpakita sa kaniyang

likuran.

"Anong nais ipagawa sa amin ng Young Miss?"

Agad na tanong ng dalawang lalaki.

"Nang ako ay nasa Spirit Jade Palace, may naramdaman ba kayo na kahit ano?" Tanong sa

kanila ni Jun Wu Xie.

Subalit…

Tahimik si Ye Sha at Ye Gu.

"Ano?" Mabilis na napansin ni Jun Wu Xie na kakaiba ang kanilang rekasyon.

"Balita para sa Young Miss, ang bato na nakaharang sa lagusan ay kakaiba. Ang oras na

nanatili itong bukas ay sandali lamang kaya hindi namin nagawang makapasok." Sagot ni Ye

Sha na nakatungo ang ulo.

Dumako ang tingin ni Ye Gu kay Ye Sha, hangad na ibaon ang paa nito sa hangal na iyon at

tadyakan ito palayo.

Hinangad ni Ye Gu na puwersahing makapasok ng mga sandaling iyon ngunit pinigilan siya ni

Ye Sha. Matagal na panahon na ding sinusundan ni Ye Sha si Jun Wu Xie kaya alam nito ang

pag-uugali ni Jun Wu Xie at kung paano nito ginagawa na maayos ang mga bagay-bagay.

Nagpunta si Jun Wu Xie sa Spirit Jade Palace upang humanap ng kaanib at hindi manggulo.

Kung sumugod sila sa sandaling iyon, ay masisira lamang nito ang mga plano ni Jun Wu Xie.

"Ah." Tumango si Jun Wu Xie at hindi na nagsalita pa.

Ramdam ni Ye Sha ang nakakapunit na tingin sa kaniya ni Ye Gu at dahil doon ay nanayo ang

kaniyang balahibo, nakikinita na niya na pag-iinitan siya mamaya.

Naintriga si Qiao Chu habang nakikinig sa isang tabi. Kinaway niya ang kamay sa harapan ni

Jun Wu Xie at nagtanong: "Hoy, Little Xie. Anong palace yung sinabi mo?"

"Spirit Jade Palace." Ulit ni Jun Wu Xie. "Alam mo iyon?"

Napakamot sa kaniyang ulo si Qiao Chu. "Spirit Jade Palace… Spirit Jade Palace… Tila pamilyar

sa akin ngunit hindi ko maalala."

Maya-maya ay nagsalita si Ye Sha na nasa isang tabi: "Ang Spirit Jade Palace ba na binanggit

ng Young Miss ay ang minsang kasama sa Twelve Palaces?"

Tumango si Jun Wu Xie.

Kapagdaka'y saad ni Ye Sha: "Ang Spirit Jade Palace a dating kabilang sa Twelve Palaces at ang

Twelve Palaces ay kilala noon na Thirteen Palaces. Nasa mataas na ranggo ang Spirit Jade

Palace noon sa Thriteen Palaces at wala gaanong palaces ang papantay sa kanila. Isa pa, ang

basehan ng Spirit Jade Palace sa pagtanggap ng miyembro ay natatangi. Mga batang babae na

mababa sa sampung taong lamang ang kanilang tinatanggap na sumali at sinuman na lagpas

sa itinakdang edad o iba ang kasarian, ang Spirit Jade Palace ay tatanggihan sila ng walang

pagbubukod. Bukod doon, ang Spirit Jade Palace ay hindi na nagtalaga ng anupaman na

kondisyon para sa mga batang babae kahit anupaman ang kanilang potensiyal o talento, kung

saan tatanggapin nila ang isang tao sa oras na ito'y mapili nila. At dahil ang mga disipulo ng

Spirit Jade Palace ay lumaki sa loob ng palace, ang Spirit Jade Palace ay isa sa pinakamatatag

at hindi mayayanig na palace sa Thirteen Palaces."