978 Galit ni Lord Meh Meh (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ano?" sa wakas ay nagbalik sa kaniyang sarili si Qing Yu matapos ang ilang sandali at

nagulantang muli sa tanong ni Jun XIe.

Naisip niya na nais lamang ni Jun XIe na maglaro sa Spirit Beast battle ngunit sa huli… Nais niya

talagang sundin ang patakaran ng Spirit Battle Arena at hamunin ang top ten?!

"Young Master Jun, nais mong hamunin ang top ten?" hindi sigurado si Qing Yu kung tama ba

ang kaniyang narinig at muli ay tinanong ang bata.

Sumagot si Jun Wu Xie: "Mas tamang sabihin ang top ranked one."

Mareregaluhan lamang ng Spirit Tamer Bracelet ang isang tao kapag nanatili ito sa unang

ranggo sa Spirit Beast Arena at hindi natalo sa magkakasunod na sampung araw. Ang tanging

dahilan kung bakit lumahok si Jun Wu Xie sa labanan sa Spirit Beast Arena ay dahil nais niyang

makuha ang Spirit Tamer Bracelet nung umpisa.

"..." napanganga ng malaki si Qing Yu na sa sobrang laki ay maaari ka na maglagay ng isang

buong itlog doon!

"Yan… yan…" si Qing Yu ay mukhang natataranta.

"Kanino ko ibibigay ang paghamon?" walang patumpik-tumpik na tanong ni Jun Wu Xie.

Nakita na lamang niya ang kaniyang sarili na nararanasan ang katigasan ng ulo ni Jun Xieat

alam ni Qing Yu na hindi niya magagawang makumbinsi ang Young Master. Wala siyang

nagawa kundi ang pagtibayin ang kaniyang sarili at sinamahan si Jun Xie sa isang bulwagan sa

likod ng arena. Nang marinig ng tagapangasiwa ng Spirit Beast Arena ang balita na nais

hamunin ni Jun Xie ang kasalukuyang nangunguna sa Spirit Beast Arena, halos lumuwa ang

mata niya sa pagtitig. Sinulyapan niya si Lord Meh Meh habang nakatayo ito doon ng ilang

sandali bago niya tinanong si Qing Yun ng ilang ulit kung tama ba ang narinig ng kaniyang

tainga bago niya nasiguro sa kaniyang sarili na hindi nagbibiro si Jun Xie.

"Kung… ang Young Master ay nais talagang magbibigay ng hamon ang Spirit Beast Arena ay

ipapaalam sa amo ng nangungunang Spirit Beast ngayong gabi at dalhin na lamang ni Young

Master Jun ang kaniyang Spirit Beast bukas ng hapon upang makipaglaban." ang

tagapangasiwa ay alinsunod na ipinaalam ito sa kanila. Narinig niya ang tungkol sa mga

kakaibang pangyayari ng araw na iyon at hindi siya makapaniwala na ang inosenteng tupa na

nasa braso ni Jun Xie ay nagawang takutin ang napakaraming Spirit Beasts sa pamamagitan ng

unga nito.

"Sige." sang-ayon ni Jun Wu Xie at hindi na nagtanong pa at mabilis na tumalikod upang

umalis kasama si Lord Meh Meh at ang pusang itim na nakasunod.

At si Qing Yu na karga ang kuneho kanina pa ay dali-dali na ring sumunod bakas sa mukha nito

ang pagkabagabag.

"Young Master Jun, talaga bang nais mo itong ipagpatuloy? Sa pagkakaalam ko, bagama't ang

taong may hawak ng unang ranggo ay isang bata, ang kaniyang ama ay ang Deputy Chief ng

Icy Frost Clan Hall. Maaaring hindi pa siya nagmamay-ari ng Spirit Tamer Bracelet ngunit

natutunan na niya ang Beast Control Principle. Ang Spirit Beast na pagmamay-ari niya ay

maituturing na mataas sa lahat ng mababang uri ng Spirit Beasts at maaaring magawa rin nito

na labanan ang ibang mas mataas na uri ng Spirit Beasts." nag-aalalang sabi ni Qing Yu. Ang

mga taong nagawang hawakan ang unang ranggo sa Spirit Beast Arena ay mangilan-ngilan

lamang at sinumang mahawakan ang posisyon na iyon sa loob ng limang araw ay itinuturing

na may mataas nakakayahan at mahirap talunin.

Ang tao na kasalukuyang nasa mataas na ranggo ng Spirit Beast Arena ay nagawang manatili

sa posisyon na iyon sa loob ng walaong araw. At kung magtagumpay siyang talunin si Jun Xie

sa hamon bukas ay mabibiyayaan na ito ng Spirit Tamer Bracelet bilang kaniyang gantimpala.

May katagalan na ring wala si Qing Yu sa Thousand Beast City at hindi siya sigurado kung ano

na ang sitwasyon sa Spirit Beast Arena sa kasalukuyan. Ngunit dahil sa pinapakitang matinding

interes ni Jun Xie sa Spirit Beast Arena ay wala siyang magawa kundi ang alamin pa ang

tungkol doon upang ang pakikilahok ni Jun Xie ay maging maluwag sa loob.

"Naintindihan ko." mabilis na sagot ni Jun Wu Xie. Basta hindi iyon isang Guardian Grade Spirit

Beast o ibang uri ng Spirit Beast sa oras na ilagay ito sa harap ni Lord Meh Meh ay siguradong

matatalo ito.

Hindi na kailangan pa mangalap ng impormasyon.

Hindi na inabala ni Jun Wu Xie ang kaniyang sarili na malaman kung anong uri ng Spirit Beast

mayroon ang taong nasa unang ranggo. Kinarga niya si Lord Meh Meh sa kaniyang braso at

tinupad ang pangako dito kanina, kinuha niya si Little Lotus na lihim na nagbigay ng dahon ng

lotus sa kaniyang manggas. Walang kaalam-alam si Qing Yu sa nangyayari, pinunit niya sa ilang

piraso ang dahon ng lotus at ipinakain iyon ng paunti-unti kay Lord Meh Meh kung saan si

Lord Meh Meh ay tuwang-tuwa at ito ay umunga sa sobrang kagalakan!

avataravatar
Next chapter